Thirty-two

4.8K 152 71
                                    


Hindi alam ni Tammy kung bakit pakiramdam niya ay pinanlalamigan siya. Buo-buo din ang pawis niya sa noo.

"Are you okay?", alalang tanong ni Vinno. Habang sina Shine at Jofren ay napalingon pa sa kanila. Naglalakad sila ngayon sa hallway ng hospital.

Napagdesisyunan ni Tammy na silipin na kahit sandali ang anak ni Brix dahil pakiramdam niya ay siya ang sisisihin ng mga taong nakapaligid sa kanya once na may mangyaring hindi maganda sa bata.

"Yeah.", pilit niyang ngiti.

Inakbayan siya ni Vinno. "Relax bebs. Everything's gonna be alright."

"Thanks Vin.", iniyakap din niya ang braso sa bewang ng kaibigan at inihilig ang ulo sa balikat nito habang patuloy silang naglalakad.

"We're here.", anunsiyo ni Shine ng matigil sila sa isang partikular na pinto.

Tumingin ang tatlo kay Tammy na napalunok naman ng malakas. Bakit ba siya kinakabahan??

"What? You go first!", untag niya sa mga kaibigan.

Ngunit bago pa man nila mahawakan ang seradura pinto ay marahas na itong bumukas at isang tarantang Lola Mina ang lumabas at nagtatawag ng nurse. Ni hindi sila napansing apat.

Sa gulat nila ay napatakbo sila papasok. Sa hindi inaasahang tagpo ay kitang-kita ni Tammy ang panginginig ng bata. The scenario isn't new to her sight. Nakakita na siya sa cruise ship ng pasaherong bigla na lang inatake ng epilepsy kaya hindi na bago sa kanya ito.

What's so strange is that the patient is a child. At mayroon sa loob-loob niya ang nagigising dahil sa nakikita ng dalawa niyang mga mata.

Sa bilis ng mga pangyayari ay nasa sulok lang si Tammy. Sapu-sapo ang nakabukang mga labi. Hindi niya kasi inaasahang ganito ang bubungad sa kanya.

Pumasok ang mga nurse at inasikaso ang bata. Binantayan hanggang sa humupa ang panginginig ni Caelia.

Nang masigurong nasa mabuting lagay na ang anak ni Brix ay saka lang din napagtuunan ni Lola Mina at ng mama ni Brix ang presensya nila.

"T-tam??", gulat na saad ni Anggie.

"T-tita.."

"M-abuti nakadalaw ka. Halika. Upo ka dito.", yaya ni Anggie sa tabi ng kama ng bata.

Atubiling lumapit si Tammy. At kung hindi pa siya bahagyang siniko patulak ni Vinno ay hindi pa siya kikilos.

"K-kamusta na po siya??", mahinang tanong ni Tammy sa ginang.

"Hindi pa rin binababaan ng lagnat. Kakauwi nga lang ni Brix. Kung hindi pa namin siya pinagalitan ng lola mo ay hindi pa uuwi para makakuha ng sapat na tulog."

Nilinga ni Tammy ang kanyang lola na tiim lang na nakatitig sa kanya at bahagya lang siyang tinanguan.

Walang salita siyang umupo at hinaplos ang ulo ni Caelia. Naghihinang nagmulat ng mga mata ang bata. Caelia recognized her but did not react. Masasalamin sa mga mata nito ang lungkot at pagod. Ni hindi ngumiti sa kanya.

"H-hi b-baby..", nag-aalangang bati ni Tammy sa bata. Bakit ba siya kinakabahan?

Malungkot pa ring luminga si Caelia sa Yoya Anggie nito bago tinignan si Tammy.

Naalala niya ang sinabi ng Daddy niya sa kanya kaninang magising siya ng umaga at hinanap ang ina.

FLASHBACK...

"I'm sorry baby. Malaki ang kasalanan ko sa'yo. Daddy lied.", mabigat ang kaloobang saad ni Brix. "Mommy is already gone. She's already in heaven baby."

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon