A/N:Flashback to what's the real story behind Brix and Emilly. Thanks mga beshy!😉
"Oh ba't busangot ang mukha mo?", tanong ni Cyric kay Brix ng magkita sila sa parking space ng kompanyang pinagtatrabahuan nilang dalawa.
"Hindi kasi makakasama si Mahal.", parang batang naubusan ng kending sumbong ni Brix sa kaibigan.
"Lang'ya ka dude. Daig mo pang bata ah? Si Audrey nga rin hindi makakasama pero hindi naman ako gaya mo ng daig pa ang ninakawan ng isang milyon!", kantyaw pa ni Cyric sa binata.
"Tss! Two days din yun noh! Two days ko siyang hindi makikita."
Tuluyan ng tumawa ng malakas si Cyric. Sa inis naman ni Brix ay binato niya ang kaibigan ng bote ng mineral water. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ni Cyric kaya nasalo niya ito kung hindi ay bawas na iyon sa kaguapuhang taglay niya.
.......
On their first night at the hotel, napagkasunduang maaga silang magpapahinga para kinabukasan ay maaga ring maumpisahan ang mga group activities ng bawat team.
Halos isang buong floor ang inokupa ng kompanya para sa kanila. Magkakatapat lang ang mga kwarto ng lalaki at babae. Siyempre pa ay magkasama sa iisang kwarto si Cyric at Brix. Bilin iyon ng mga girlfriend nila para daw mabantayan nila ang isa't-isa na tinawanan lang naman ng magkaibigan.
Kinabukasan nga ay maagang nagsipag-gising ang mga ito at nag-agahan. At dahil maaga pa at hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw ay naglaro ang mga magkakateam ng beach volleyball.
Kahit namimiss ni Brix ang kanyang fiancee ay pilit nakipag-mingle ng binata sa mga katrabaho.
Magkakampi sina Brix at Emilly. Kalaban nila sina Cyric at Peejay. Magkaibigan din ang dalawang babae at parehong nasa iisang department ang apat.
Naging masaya at challenging ang laro nila at hindi napapansin na nagiging extra sweet na sa isa't-isa si Brix at Emilly. Nandyan yung mag-aapir pag nakascore. O di kaya ay magyayakapan sabay tapik sa balikat pag may isa sa kanila ang nakaka-block ng tira ng kabilang koponan. Wala namang malisya yun sa tingin ni Cyric dahil alam naman niyang natural kay Brix ang maging malambing sa babae at tiwala siya sa kaibigan na hindi nito lolokohin si Tammy. Sa huli ay sina Brix at Emilly ang nanalo sa laro nila.
"Tsk! Ba yan! Ang hina mo namang kakampi!", himutok ni Peejay kay Cyric habang nagkakamot pa ng ulo.
"Ako pa sisisihin. Ang lampa mo kaya!", ganting-asar naman ni Cyric sa dalaga.
"Lampa ka dyan!"
"Hahahah oh yang butas ng ilong mo. Lumalaki-laki na!", pang-aasar pa ni Cyric.
"Ah ganun hah?!", saad ni Peejay saka buong lakas na sumampa ang dalaga s likod ni Cyric saka kinagat sa tenga ang lalaki.
Umatungal naman sa sakit si Cyric at pilit binabaklas ang naka-piggy back ride na si Peejay.
"Halla. Nagkapikunan na.", bulalas ni Emilly.
"Hooyy...tama na yan! Para kayong mga bata.", natatawang saway ni Brix sa mga ito.
"Sinong lampa huh?", ani Peejay.
"Oo na! Ako na! Bampira!", nanggigigil na saad naman ni Cyric ng pakawalan siya ng dalaga.
"Tama na nga yan. Tara meryenda na lang tayo.", yaya ni Brix sa tatlo.
.....
Until came their last night in Subic, they've decided to threw a party at the shore. Ang mga lalaki ay gumawa ng bon fire saka ipinuwesto ang mga upuan sa palibot nito.

BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomanceEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...