Eighteen

4.4K 107 83
                                    


Humahagulhol si Tammy habang sakay ng bridal car.

Nang tumakbo siya palabas ng simbahan kanina ay saktong nakaparada lang sa may bungad ang sasakyan at nakasandal ang driver doon.

Agad niyang inutusan ang driver na ipagmaneho siya paalis sa lugar.

"Ma'am, saan po tayo?", napapakamot sa ulong tanong ng driver na si Mang Isko. Napanood niya kanina ang mga eksena sa loob. At bago pa man pumasok si Emilly sa simbahan ay rinig niya ang usapan nito at ng kasamang kaibigan.

"Are you sure about this?", tanong ni Peejay.

"No. But I have to do this.", sagot naman ni Emilly.

"Baka mapahamak ka sa ginagawa mo Ems.", alala ni Peejay.

"Pee...mas maganda ng ngayon pa lang itama ko na ang lahat. Mas masasaktan si Tammy kung patuloy siyang lolokohin ni Brix. Hindi ko kaya magtago na lang habang buhay at nakikiamot sa kung ano lang ang kayang ibigay sa amin ni Brix. Paano kung magkaanak na rin sila Peejay? Ano ng mangyayari sa amin ng magiging anak ko?", naluluhang paliwanag ni Emilly.

Lahat ng iyon ay rinig na rinig ni Mang Isko at hindi niya mapigilang hindi magmura. Matagal na siyang driver ng pamilya Fortalejo. At dahil nagmagandang-loob ang ama ni Shinrei sa inaanak nitong si Brix ay isa sa mga vintage cars ng mga ito ang ginawang bridal car at siya nga ang napiling magmaneho niyon.

"K-kuya..", sumamo ni Tamra. "P-pwede mo ba akong ihatid hanggang sa Manila?"

"Paktay!", naisip ni Mang Isko. "Pupwede po bang magpaalam muna sa boss ko, Ma'am?"

Nataranta naman doon si Tammy. Hangga't maaari ay ayaw muna sana niyang may makaalam kung saan siya pupunta.

"May cellphone po ba kayo dyan? Pakidial po at ako na lang po ang kakausap. Kung pwede po.", malumanay na pakiusap ng dalaga.

Dahil sa awa sa babaeng sakay ay hindi na nagdalawang-isip na sumang-ayon ni Mang Isko.

Idi-nial niya ang numero ni Mayor Nikkos at ibinigay sa dalaga.

Maayos namang nakipag-usap si Tammy sa ama ni Shinrei. At nakiusap din na kung maari ay wag munang ipagsabi ang pagluwas niya. Nakakaintinding umoo naman ang butihing Mayor kaya nakahinga ng maluwag ang dalaga.

.....

"To the nearest hospital! Quick!", utos ni Shinrei kay Iñigo na agad nakasampay sa sasakyan nito. Nasa backseat si Emilly na pinanawan na ng ulirat kasama si Marion na kinakapa ang pulso ng babae.

Sumenyas si Shinrei sa asawang sumunod na lang sa hospital na ikinatango naman ni Zoey.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Iñigo. Napapasulyap kasi siya sa nakahigang babae sa likod at kitang-kita niya ang dugong patuloy na umaagos sa binti nito. Pati ang mukha ni Emilly na putlang-putla.

"Marion, humihinga pa ba?", sa nerbyos ay natanong ni Iñigo.

"Oo. Buhay pa. But she's losing lots of blood, demmit! Ano ba ang pinaggagagawa ni Brix?!", galit na tanong nito.

"We will find out.", sagot naman ni Shinrei.

Mabilis na bumaba ng sasakyan ang tatlo at maagap na isinakay sa stretcher si Emilly.

"She's bleeding. I think she's on her first trimester of pregnancy.", imporma ni Marion sa mga kapwa nurse niyang nakaduty ng mga oras na iyon.

......

"Kuya...", tawag ni Rovie sa kapatid na nakatulala habang nakatayo pa rin sa may altar.

Nag-umpisa ng magsipag-alisan ang mga tao. May nakikisimpatya. At mayroon ding hindi maiwasang manghinayang isa na doon ang principal nila Tammy. Alam niyang malapit si Madam Elma kay Tammy. Kaya nga kinuha itong ninang nila sa kasal dahil parang ina na ang turing ni Tammy sa ginang.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon