Twenty-four

4.4K 112 55
                                    


"Peejay? M-marcus?", gulat na saad ni Emilly ng mapagbuksan niya ang mga ito ng pinto. "H-hi! Pasok kayo.", anyaya pa niya saka niluwangan ang bukas ng pinto.

"Kinulit-kulit ako ng damuhong yan para lang samahan dito!", reklamo ni Peejay habang papunta ng sala.

Hindi naman kumikibo si Marcus na titig na titig kay Emilly partikular sa kanyang malaking tiyan.

"Upo ka Marcus.", ani Emilly. Tahimik namang sumunod ang lalaki.

Nagkatinginan lang silang tatlo. Nag-aantay ang bawat isa upang magbukas ng usapin. Hanggang sa nakaramdam si Peejay at kunwari ay gagamit ng banyo.

"Why?", may hinanakit na tanong ni Marcus matapos ang matagal na pakikipagtitigan sa dalaga. "Kung di ko pa hinarass si Peejay hindi ko pa malalaman kung saan ka na nakatira ngayon!"

Umiwas naman ng tingin si Emilly.

"Care to share? Besides, bestfriends naman tayo di ba? O pa nga ba?"

"I...I'm sorry Marcus."

"Sana man lang ipinaalam mo agad sa akin! Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sagad ng malaman kong wala ka na sa apartment mo??", sumbat ng binata kay Emilly. "Pinakasalan ka ba?"

Napakagat-labi si Emilly at yumuko bago umiling. Rinig niya ang mariing mura ng binata.

"I-it just happened. Hindi naman namin ito ginusto."

Saka sinimulan ni Emilly na ikwento sa kaibigan ang mga nangyari. Walang labis. Walang kulang.

Hindi naman alam ni Marcus kung ano ang mararamdaman. Gusto niyang magalit, maawa, at ipaglaban ang nararamdaman para sa kaibigan.

"Akala ko ba matalino ka Ems? Bakit ka pumatol sa ganong dare?! Ano, wala na lang sa'yo ang makipag one night stand sa kung sino?! The fcuk Emilly! Nagpakatanga ka na nga, nagpakababa ka pa.", galit na turan ni Marcus.

"W-wag ka ng magalit please. O-okay naman na kami ngayon. Tanggap na niya kami ng baby. Kahit hindi niya ako alukin ng kasal. Tsaka, hindi mo naman na ako kailangang sumbatan. Hindi ko sinasadyang magpadala sa bugso ng damdamin ng gabing iyon. Pareho kaming nagkamali. Pagkakamaling nagkaroon pa ng bunga. Hindi ko rin naman ginustong manira ng relasyon. Alam mo dapat yan. Of all people na nakakakilala sa akin. Natakot lang ako para sa baby. I-isa pa...wala naman akong assurance sa mga plano dati ni Brix kaya nagawa kong pigilan ang kasal nila."

"Fcuk!", mahinang mura ni Marcus.

"Hindi mo naman na kasi kinailangang maghabol. Alam mong kayang-kaya kong panagutan yan. Kahit pa nga hindi ko sariling dugo at laman. Mahal kita Ems. Mula pa noon."

"M-marcus..."

Lumipat ng pwesto si Marcus palapit sa dalaga at ginagap nito ang kamay. "Handa kong akuin ang responsibilidad Ems. Iwan mo siya. Be with me. Kahit bukas na bukas din magpakasal na tayo."

Hindi pa lang nakakasagot si Emilly ng bumungad sa pinto si Brix na agad nagsalubong ang mga kilay sa naabutang ayos nila ng bisita.

"What's the meaning of this?!", dumadagundong ang boses ni Brix aa buong sala. Sakto namang palabas sa kusina si Peejay.

Biglang napatayo si Emilly at agad na lumapit kay Brix at humawak sa braso nito.

"D-dinadalaw lang nila ako B-brix."

"Who are you?", mariing tanong ni Brix sa lalaki na ngayon ay nakatayo na rin at nilalabanan ang titig niya.

"Bakit hindi mo itanong kay Emilly kung sino ako?"

"Bakit kailangan pang siya ang sumagot eh ikaw ang tinatanong ko?"

Napatiim-bagang si Marcus at naikuyom ang mga palad.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon