Seventeen

4.4K 111 58
                                    


Napahigpit ang kapit ni Brix ng marinig ang sigaw na iyon sa may likuran nila.

Nagtatagis ang mga bagang na napapikit siya ng mariin. "Mapapatay kita Emilly!", galit na nasaisip ng binata.

Napayuko naman si Tammy sa magkasalikop na kamay nila ni Brix. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. At kahit hindi pa man nakukumpirma ng kanyang mga mata ay parang gusto na niyang panawan ng ulirat.

Para siyang nawawalan ng lakas. Na para bang nag-slow motion ang lahat sa paligid niya.

Rinig niya ang mga singhap at ang nag-uumpisang bulung-bulongan sa likuran nila.

Rinig niya ang pagtikhim ng Pari sa harap. Kaya dahan-dahan niyang nilingon ang lalaki sa tabi niya. Nakita niya itong nakapikit ng mariin at pinid na pinid ang mga labi. Na para bang may pinipigil na kung anuman.

"Please! Itigil ang kasal.", muling rinig niya mula sa likod. At ang tunog ng sapatos nitong naglalakad palapit sa kanila.

......

"Si Emilly yan di ba?", tanong ni Iñigo sa katabing sina Shinrei at Cyric.

"Anong ginagawa niya dito? Bakit pinipigil ang kasal?", nalilito ring saad ni Shinrei. "Sh*t! B-buntis?!", gimbal na tanong nito ng mapansin ang umbok sa harapan ng babae.

Sabay pa sila ni Iñigo na bumaling sa tahimik pa ring si Cyric na pinagmamasdan ang kapwa arkitekto na naglalakad palapit sa kinaroroonan nina Brix at Tammy.

Nilibot ni Cyric ang paningin. At nahagip niya ang nagtatanong na titig ng kanyang kasintahan na si Audrey. Umiling-iling siya bilang sagot at kita niya ang pagbuntong hininga nito.

Nakarating naman sa harap si Emilly. Nasa tabi nito si Peejay na inaalalayan siya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay kumilos si Brix at marahas na bumaling kay Emilly.

"What are you doing here?!", he hissed while eyeing her suspiciously.

"I know nag-usap na tayo. Pero Brix, hindi ko kaya..."

Napabaling na rin ang tingin ni Tammy sa babae. Namanhid na ang pakiramdam niya sa narinig.

Nag-usap sila? Ng hindi niya alam? Mapait siyang napangiti. Iyon pa lang ang naririnig niya ngunit para na ring kinompirma na totoo nga ang sinasabi ni Emilly.

"Alin doon ang hindi mo maintindihan Emilly?! Hindi ikaw ang mahal ko.", gigil na saad ni Brix. Bumaling kay Tammy at muling ginagap ng mahigpit ang mga palad nito. "Mahal...its not what you think. Believe me please. Let me explain."

Hindi naman makasagot si Tammy. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Takot. Gulat. Kaba. Galit. Sakit. Panghihinayang. Sama ng loob. Panghihina.

Gusto niyang manakit. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magtatatakbo palayo sa mga mapanakit na tao. Pero ni hindi niya maihakbang ang mga paa.

Wala sa loob na iginala niya ang kanyang paningin. Kita niya ang nag-aalala at puno ng kalituhang mga mukha ng mga taong nakamata sa kanila. Partikular na ang kanyang lola Mina.

Basa niya sa mga mata nito ang sakit na nararamdam ng matanda para sa kanya. Ang awa. Ang pagmamahal. At dahil doon namuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Im sorry T-tammy. I dont want to ruin your s-special day. I hope you could understand me. If I would only think of myself, hindi ko gagawin ito. But its my child whom I concerned the most.", paliwanag ni Emilly na nag-uumpisa na ring umagos ang mga luha sa.mga mata. "Here.", abot nito sa smartphone niya. "That's my evidence that I am not lying."

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon