"Mahal!! Matagal ka pa ba??", naiinip na sigaw ni Brix kay Tamra.Nasa salas siya ngayon ng bahay ng kasintahan at hinihintay itong matapos mag-ayos dahil bibiyahe sila pauwi ng Pangasinan upang dumalo sa binyag ng kambal nina Shinrei at Zoey.Kinuha silang ninong at ninang ng mag-asawa.
Kapwa na sila nasa Maynila at kasalukuyan ng nagtatrabaho pareho.
"Mag-antay ka nga lang diyan Madriaga at may hinahanap pa ako!!", rinig ni Brix na sigaw din ni Tammy mula sa loob ng kwarto nito.
"Ano ba yan? Bakit ba kayo nagsisigawang dalawa?", naguguluhang tanong ni lola Mina habang naglalakad galing sa kusina.
"Si Tam-tam po kasi lola Swag, ang bagal-bagal na namang kumilos.", tugon ni Brix habang nagkakamot ng batok.
"Sus! Hindi ka na nasanay sa batang yan, apo.", nakangiting turan ng matanda. Naupo sa pang isahang sofa at binuksan ang t.v.
Napapangiti si Brix habang pinagmamasdan ang lola ng girlfriend.
Parang kelan lang ng masungit pa ito sa kanya. Pero ngayon ay daig pa nila ang tunay na mag-lola.
Lola Swag ang tawag niya kay lola Mina dahil kay Arnold Swaganizer nitong paborito ng matanda ngunit hindi naman mabigkas ang tamang apelyido ng Hollywood actor.
Umayos siya sa pagkakasandal sa upuan saka pumikit.
Paano nga ba nag-umpisa ang lahat?
Paanong ang mailap na si Tammy ay heto at girlfriend na niya ngayon?Flashback...
"Can I talk to you?", rinig ni Tammy mula sa likuran niya.
Ramdam niyang nagsipagtaasan ang balahibo niya sa batok ng dahil lang sa boses na iyon.
Napabuntong hininga siya. Those signs. Ang tila pagtigil ng inog ng mundo sa tuwing nasa malapit lang ang lalaki. Ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso at ang pagtaas ng kanyang pinong balahibo sa katawan.
No man could ever made her shiver like that. Not even her ex-boyfriend na isang dakilang manloloko pala.
Huminga siya ng malalim kasabay ng pagpikit niya ng mariin bago humarap sa may-ari ng boses.
"Y-yes?", utal na sagot ni Tammy.
Kita niya sa mga mata ng binatang si Brix ang paghanga sa kanya.
"M-may kailangan ka ba?", muli niyang tanong.
"Ikaw. I mean. Yayayain sana kitang maglakad-lakad sa dalampasigan."
"But..", linga ni Tammy sa paligid. Zoey's shower party is still on going. Kita niya ang nagkakasiyahang sina Jen kasama ang mga katrabaho nito. Pati ang pagkukumpulan ng ibang bisita. "The party is not yet over."
"Saglit lang naman. Gusto lang kitang makasama.", sumamong saad ni Brix.
"Baka hanapin ka nung ka-date mo.", hindi napigilang sambit ni Tammy at muntik pa niyang masabunutan ang sarili ng ma-realize ang sinabi.
Nangunot naman ang noo ni Brix. "Date? Who?"
"Yung...", Shemay naman Tammy. bulong ni Tammy sa sarili. Lihim na siyang napapamura kahit hindi naman siya palamura.
"Emilly is not my date, Tam. Workmate lang namin siya ni Cyric. No more. No less. Nagkataon lang na naka-check in siya dito at ininvite ni Shinrei.", mahabang paliwanag ng binata.
"You dont have to explain Brix. Im sorry kung naging matabil ako."
"Its okay. I want to be honest naman.", napangising sagot ni Brix saka inilahad ang kanang palad sa dalaga. "Shall we?"
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomansaEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...