Twenty

4.6K 124 43
                                    


Suot ni Tamra ang uniform niya ng lumabas siya ng kwarto pagsapit ng Lunes. Tama na ang pag-iyak at pagmumukmok niya ng dalawang araw.

Masakit na ang mga mata niya. Inaatake na rin siya ng migraine. Kaya napagpasyahan niyang pumasok na lang kahit isang linggo dapat siyang naka-leave upang bigyang daan ang kanilang sana ay honeymoon ni Brix.

"Honeymoon, my ass!", napapaismid na isip ni Tammy. Napangiti pa siya ng mapait. Dahil sa sakit at sama ng loob na kanyang nararamdaman ay napapamura pa siya na hindi naman niya gawain.

"Saan ka pupunta?", maang na tanong ni Lola Mina ng mabungaran niya itong nagkakape sa kusina.

"Papasok ho 'lah.", normal na sagot naman ni Tammy. Umupo na siya sa lamesa at pinakatitigan ang mga nakalatag na almusal.

Patamad siyang dumampot ng pandesal at pinalamanan ng dairy cream.

"Di ba naka-leave ka?"

"Opo. Ayaw ko na pong magmukmok 'lah."

Napabuntong hininga naman ang matanda. "Maghahating-gabi na naman umuwi kagabi si Brix.", imporma nito sa apo.

Waring wala namang narinig si Tammy na tahimik lang na sumimsim ng kape.

"Oh? Papasok ka?", tanong ni Shine ng makita ang kaibigan. Bagong ligo lang din ito.

Tumango lang naman si Tammy dito.

"Kaya mo na ba?", nananantyang sambit muli ni Shine.

"I'm fine bes.", tipid na ngiti naman ni Tammy na ipinagkibit balikat na lang ni Shine at nag-umpisa na ring kumain.

.....

"Ok, Kaye, Archie, Fets, and Peter, you can start your report.", utos ni Tamra sa mga estudyante niya. Pumwesto siya sa likod at tahimik na umupo.

Nag-umpisa namang magreport ang apat. Habang pinapakinggan ni Tammy ang mga ito ay hindi niya maiwasang mapatulala at maisip na naman ang nangyari sa kanya.

Dalawang araw ng sinusubukan ni Brix na kausapin siya. Halos ayaw na ngang umalis ng bahay nila kung hindi lang sa pakiusap ng lola niya.

Hindi niya rin kasi ito nilalabas ng kwarto. Para saan pa? Para makarinig na naman ng kasinungalingan?

Masyado pang masakit sa dibdib. She knows sooner or later, matatanggap din niya ang nangyari. Just not now. Not now wherein her heart were scattered into tiny pieces.

Gustong-gusto niyang ipaglaban si Brix. Ngunit pag naiisip niya na buntis si Emilly ay naduduwag siya. Alam niya ang pakiramdam na hindi buo ang pamilya. She's been there. At sino siya para ipagkait iyon sa walang muwang na bata?

Hindi niya namamalayang tumutulo na naman ang kanyang mga luha.

"Ma'am?", alog ni Kaye sa kanilang guro na nakalapit na sa nakatulalang si Tammy. Kanina pa kasi nila tinatawag ito ngunit parang wala ito sa sarili at tahimik lang na umiiyak sa likod.

"Ma'am ok lang po ba kayo?", muling tanong ni Kaye.

Nilibot ni Tammy ang kanyang paningin at nakita niyang sa kanya na nakatuon ang atensyon ng buong klase.

She can see on each and everyone's faces their sympathies. Mas lalo tuloy siyang napaiyak.

"Ma'am..", naluluha na ring saad ni Archie na palapit na rin sa kanya.

Alam nila ang pinagdadaanan ng kanilang mabait na guro. Present kasi si Archie at Fets noong kasal ni Tammy at Brix. At hindi nila napigilang i-share ito sa klase nila. Kaya naman laking gulat nila kanina ng pumasok ang magandang guro sa kanilang klase.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon