Pakaladkad na hinila ni Lan si Tammy habang buhat-buhat naman ni Daryll si Caelia na parang isang kaban ng bigas.Si Marcus ay parang wala sa sarili n naglalakad at pangiti-ngiti pa.
Nang makarating sila sa puntod ni Emilly ay agad lumuhod doon si Marcus at hinaplos-haplos ang lapida. "Kamusta ka na Ems? Nandito na ako. At gaya ng pangako ko, kasama ko na ang anak mo. Makikilala ka na niya."
Padarag na pinaupo ni Lan si Tammy sa damuhan. Nakatali patalikod ang mga kamay nito habang may busal pa rin ang bibig ng dalaga. Kinakabahang pinanonood lamang ang bawat galaw ng tatlong lalaki.
Si Daryll ay dahan-dahang ibinaba naman si Caelia sa tabi ni Marcus. Kapagkuwan ay kinandong ito ng binata. "Kilala mo ba kung sino ang nandito baby?", kausap ni Marcus sa bata.
Hindi makasagot si Caelia dahil sa nakadikit pa rin na duct tape sa bunganga. Kita sa mga mata nito ang sindak.
Niyuko ni Marcus ang bata saka nginitian. "Don't be afraid Caelia. She...,", sabay turo sa puntod ni Emilly. "Is your real mommy. At ipapahukay natin siya para makasama na natin muli. Gusto mo ba yun? Okay ba yun sa'yo?"
Nanlalaki ang mga matang umiling-iling ang bata na nagpatiim-bagang naman kay Marcus. He grab the child's tiny jaw with his palm. "Wala ka ng magagawa Caelia. We will be happy forever."
Pinaupo ni Marcus ang bata sa gilid ng puntod saka tumayo at nagpameywang. Hinarap ang dalawang lalaking nakamasid lamang sa bawat galaw niya. "Kunin niyo na ang mga gamit at simulan niyo ng maghukay habang wala pang nakakapansin sa atin dito.
"Yes boss!", sagot ng dalawa at agad na tumalilis.
Hinarap naman ni Marcus si Tammy. Nilapitan niya ito at nag-squat a harap ng dalaga. "Afraid? Huh?", ngising tanong niya.
Kahit binabalot ng takot ay nagawa pang irapan ni Tammy si Marcus. "Hayop ka!!! Demonyo!!", sigaw ni Tammy sa kanyang isipan.
Marcus harshly grasp Tammy's hair with a fist. "Tignan mo! Ang kapal ng Madriagang iyon na ikabit ang apelyido niya sa pangalan ng babaeng pinapangarap kong pakasalan!", mariing sambit ni Marcus habang pilit na inginungudngud ang pagmumukha ni Tammy sa lapida ni Emilly.
Sa nanlalabong paningin ay nagawang basahin ng dalaga ang nakasulat na pangalan sa puntod.
"Architect Emilly Araullo-Madriaga", pakiramdam ni Tammy ay huminto ang pag-ikot ng kanyang mundo.
Ikinasal ba ang dalawa? Bakit nakakaramdam siya ng sakit sa kaalamang Madriaga na si Emilly. What happened to ikaw lang ang gusto kong pakasalan at pag-alayan ng pangalan ko that Brix swears?
Napapaluha umiling-iling din siya. Lalong nanghina ang kanyang pakiramdam. She felt betrayed.
"Ngayon, iiyak-iyak ka? Wag kang mag-alala Tammy. Pag nailibing na kita, apelyido ko naman ang ikakabit ko sayo.", saka humalakhak na parang baliw si Marcus.
"Marcus!!!", galit na sigaw ni Brix mula sa likuran.
Mabilis namang hinugot ni Marcus ang kanyang baril sa tagiliran nito at hinapit si Tammy sa leeg na siyang pinakamalapit sa kanya.
Hawak-hawak niya si Tammy habang itinutok naman niya ang baril sa kawawang si Caelia na tigmak na sa luha ang buong mukha.
"Lapit Brix. At sisiguraduhin kong may sasabog ang ulo sa kanilang dalawa!", banta ni Marcus. Alertong iginala ang paningin at naningkit ng mga mata ng mapagtantong napapalibutan na siya ng mga pulis. "Putek! Nasaan na si Lan at Daryll?!"
"Put the gun down!", utos ni Erik habang nakatutok din ang sariling baril kay Marcus.
"No!! You put that gun down!", pabalik na utos naman ni Marcus. Saka itinutok ang baril sa sentido ni Tammy. "Or I will shoot this lovely head here.", banta pa ng binata.
"Wag!!", pigil ni Brix. "Don't you ever, Marcus. Wala silang kasalanan sa'yo kaya wag kang mandamay ng mga inosenting tao sa galit mo sa akin!"
"They make you happy. Kaya sila ang gagamitin ko para pasakitan ka!"
"Wala akong ginagawang masama sayo!", bulyaw naman ni Brix.
"You killed Emilly!!"
"Alam mo sa sarili mo na ikaw ang pumatay sa kanya!!", namumula sa galit na turan ni Brix saka nag-umpisang humakbang.
"Subukan mong lumapit!!", ani Marcus at mas idiniin ang baril sa sentido ni Tammy na umuungol ng protesta habang umiiyak.
"Mahal...", nag-aalalang saad ni Brix. Lalong nag-igtingan ang kanyang panga ng mabistayan ang mukha ng kasintahan. Bakat sa magkabilang pisngi niyo ang latay ng kamay ng kung sinong sumampal dito. Namamaga rin ang mga ito. "Kung galit ka sa akin. Tayo ang magtuos Marcus!"
Itinutok ni Marcus ang baril kay Brix saka tumawa ng malakas. "Iyon ba ang gusto mo? Eh paano kung ayaw ko huh? You killed the love of my life. What if, ibalik ko din sayo ang pabor na iyon hah?", matigas na turan ni Marcus. Saka sininghot-singhot ang leeg ni Tammy na pikit ang mga matang nagpupumiglas sa pagkakahawak ng binata.
Hindi napapansin ni Marcus ang palihim na pagsenyas ni Erik sa tauhan na lapitan ang batang walang katinag-tinag na nakaupo sa damuhan. Patuloy lang ito sa pag-iyak.
"Tigilan mo yan! Papatayin kita!!", gigil na saad ni Brix at akma ng lalapit muli ng muling itutok ni Marcus ang baril sa ulo ni Tammy. "Nasaan ang dalawang kasama ko?! Papuntahin niyo sila dito. Huhukayin pa nila ang mahal ko!", he demanded and laugh like a devil.
"Hinuli na sila ng mga kasama ko.", saad ni Erik.
"Baliw ka na!", sabad din ni Brix.
"Ikaw ang nagsadlak sa akin sa pagkabaliw Madriaga! Kung hinayaan mo lang akong makalapit ķay Emilly! Kung hinayaan mo na lang akong akuin ang ipinabubuntis niya. Di sana buhay pa siya! Di sana ay masaya kami ngayon!"
Napatiim-bagang doon si Brix.
"Hindi mo siya mapakasalan pero ang kapal ng mukha mong ikabit ang apelyido mo sa kanyang puntod!! I will kill you! I will kill your woman!!", nanlilisik ang mga matang saad ni Marcus.
Nang mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang unti-unting paglapit ng isang pulis kay Caelia. Nataranta siya kaya itinutok niya doon ang baril.
With his presence of mind and adrenaline rush, Brix quickly run towards his daughter to cover her while shouting Caelia's name.
But a loud bang invades the silence of the place.
"No! No! No!", sigaw ni Tammy.
.......................................................................
A/N:
Update mga besh...
Unedited.May pinagdadaanan ang otor nyu but still I managed to make an update.
Wattpad or writing rather has been my safe haven for a very long time.
'Am able to express my feelings through writing.
Nanghinayang tuloy ako sa mga nagawa ko ng story during my high school days pa. Binaha ni Pareng Peping eh. Yung kasunod ni Ondoy dati.
Haist!
Anyways...
See you next chapter.☺Edited P.S
Last 2 Chapters.
😊😊😊

BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomanceEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...