Their lunch went well. Nakakaramdam man ng awkwardness si Tammy sa mga titig ni Marcus sa kanya ay pinakiharapan pa rin niya ito ng maayos.Napapansin din niya ang pasimpleng nanunuring tingin ni Rovie sa binata. Habang ang lola naman niya ang siyang nagdadala ng usapan habang nasa hapag-kainan sila.
Nang magpaalam na si Marcus ay parang nakahinga ng maluwag si Tammy. Ewan ba niya. Pakiramdam niya kasi may something sa lalaki na hindi niya mapangalanan. At mabigat iyon sa dibdib kahit na puro kabaitan pa ang ipakita ng binata.
Nasa salas na sila at nanonood ng t.v. ng buksan ni Rovie ang usapin tungkol kay Marcus. Si Caelia ay nasa kwarto niya at nakatulog.
"He looks so familiar. Parang nakita ko na siya somewhere in the past. Hindi ko lang maalala kung kelan.", saad ni Rovie.
"Talaga?", ani naman ni Tammy.
"Yes ate. Kanina ko pa pilit iniisip kung saan ko ba nakilala yung lalaking iyon."
"Nanliligaw ba siya sayo Tam-tam?", sabad ni Lola Mina.
"H-hindi naman po lola."
"Paano mo yun nakilala ate?", usisa ni Rovie.
"S-sa bar. Old friend ni Vinno.", saka ipinaalam din ni Tammy ang nangyari sa kanya sa mall kung paano siya iniligtas ni Marcus.
"Ba't hindi mo sinabi sa akin yan kahapon??", Lola Mina exclaimed.
"Ayaw ko na kayong mag-alala lola. Tsaka wala namang nangyaring masama sa akin. At kaya din dito nag-lunch si Marcus para mapasalamatan ko siya kahit papaano sa pagliligtas niya sa akin."
"Nasaan na yung dalawang humarang sa'yo ate Tam?"
"Uhmm...", nag-isip din si Tammy. "Sabi ni Marcus, siya na lang daw ang mag-aasikaso nung kaso."
"Pumayag ka naman?"
"Umoo na lang ako. Tutal siya naman ang nabaril. Tsaka ayoko na rin makaharap yung dalawa."
"Sabagay..", ani Rovie.
"Ipinaalam mo na ba yan kay Brix?", tanong naman ni Lola Mina.
"H-hindi pa po."
"Kung ako sayo apo, ay sabihan mo na siya habang maaga pa. Baka pagmulan pa iyan ng away niyo."
"Oo nga ate. Baliw pa naman si kuya sa'yo.", sang-ayon ni Rovie na ikinahagikhik pa nito.
"Wala naman po akong balak ilihim sa kanya. Pagbalik po niya, saka ko ikukwento. Baka kasi bigla na lang umuwi yun pag ngayon ko pa sasabihin sa kanya ang tungkol kay Marcus."
......
Dumaan ang mga araw na walang palya ang pagpapadala ni Marcus ng bulaklak kay Tammy na labis ng ikinakabahala ng dalaga. Malapit na kasing umuwi si Brix at baka matiyempuhan nito ang mga bulaklak pag dumalaw ito sa kanya.
Gustuhin man niyang kausapin si Marcus para patigilin na ito ay hindi niya magawa sa kadahilanang wala naman siyang contact dito. Kaya nga lagi na lang niyang sinasabihan yung delivery boy na ito na lang ang magsabi sa binata na tumigil na.
Sa mga nakalipas na mga araw ay hindi naman nagpakita sa kanya si Marcus. Ngunit sa tuwing lalabas sila ni Caelia ng bahay ay nakakaramdam siya ng pagka-ilang. Feeling niya kasi ay may nakatitig sa kanya at pinapanood ang bawat kilos niya.
Hindi naman pwedeng nakakulong na lang sila sa loob ng bahay lalo at kung maglambing si Caelia na mamasyal ay hindi niya mapahindian.
......
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomanceEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...