Napakapit sa pader si Peejay ng makitang umiiling-iling ang doktor."Doc..", untag ni Shinrei sa doktor.
"Mahina ang kapit ng bata. But I am glad to tell you that they are both safe now. You arrived just on time Shinrei.", anang doktor na si Doc Jocyl.
Parang iisang taong nakahinga ng maluwag ang mga taong nandoon.
"But if she keeps on stressing herself she might lost the baby.", imporma ulit ng doktor. "Sinong tatay ng bata?"
Nag-iwas ng tingin si Brix sa mga ito. Ibinaling ang mga paningin sa labas ng hospital. Nananatili pa rin siyang nakasalampak sa sahig habang nakasandal sa pader.
"Brix!", tawag ni Shinrei sa kaibigan.
Ngunit hindi pinansin iyon ni Brix.
"Brixnelle!", paangil na saad ni Arnaldo.
Napipilitang lumingon si Brix sa kanila.
"Ikaw pala ang tatay eh.", tipid na ngiti ng doktor. "Ibibilin ko lang sa'yo na iiwas sa stress si misis. Bawal na muna siyang magkikikilos at kung maaari ay manatili muna sa kama hanggang matapos ang first trimester niya. Reresitahan ko siya ng mga gamot at vitamins para sa kanila ng anak ni-..", hindi na napatapos ang sinasabi ni Doc Jocyl dahil sumabat si Brix.
"Can we perform DNA testing right at this moment?", matiim na saad ni Brix.
Hindi makapaniwalang tinitigan siya ng mga kaibigan at mga magulang. Maging ang doktor ay napanganga pa sa itinanong niya.
Nang makabawi sa pagkabigla ay tumikhim si Doc. "Yes we can. Pero sa sitwasyon ngayon ng pasyente, baka lalong makasama sa kanila ni baby ang gagawin natin."
"As if I care!", pabalewalang saad ni Brix bago bumuga ng hangin.
Napasinghap ang mama niyang si Anggie sa sinagot niya. Kumuyom naman ang mga palad ng ama niya.
Hindi nakatiis si Peejay at nilapitan ang binata saka pasabunot na hinila-hila ito.
"Gago ka! Gago!! Napakawalanghiya mo!! Pinasok-pasok mo siya sa kwarto tapos ayaw mong panagutan ngayon?! Ang taas ng respeto ko sa'yo Sir Brix pero sa ginagawa mo, daig mo pang hayup! Napaka mo!!", umiiyak na saad ni Peejay habang halos hablutin na niya ang buhok ng binata tanggal pati anit. Nasasaktan siya para kay Emilly. Mabait naman ito eh. Nagkataong napasubo na lang ang kaibigan sa sitwasyon nito ngayon.
"Peejay...tama na.", awat ni Cyric sa katrabaho.
Nakailang sampal pa si Peejay sa mukha ni Brix. Ilang batok pa ang pinakawalan niya bago siya nahila palayo ni Cyric at Iñigo. Hindi pa nakontento at balak pang sipain ang nakatiim-bagang na binata.
"Tumayo ka dyan Brix.", utos ni Arnaldo sa anak na ngayon ay wala na sa ayos ang hitsura. Parang ikakasal na basang sisiw.
"Anak...", dalo naman ni Angie sa binata. "Ano ba tong nagawa mo?"
"Sorry Ma. Sorry.", hagulhol ni Brix sa balikat ng ina. "Hindi ko naman ginusto 'to. Hindi ko sinasadya."
Napahugot ng malalim na hininga si Arnaldo habang pinagmamasdan ang anak na parang batang umiiyak. Saka niya hinarap ang doktor.
"Don't undergo any paternity test. We don't want to risk their lives. Just do whatever it is na makakabuti sa mag-ina, doc.", may pinalidad na saad bi Arnaldo.
Napatango-tango si Doc Jocyl. "Makakaasa po kayo Sir. Bweno, ililipat na po ang pasyente ng kwarto. Kailangan po kasing i-admit para ma-monitor pa po ang lagay nila ng baby."
BINABASA MO ANG
Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED
RomanceEngineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi pa dumarating ang babaeng seseryosohin at mamahalin niya ng tapat. Not until he met Safia Tamra Saa...