Forty-one

4.8K 132 25
                                    


"Bebs...let's go clubbing.", yaya ni Vinno sa kaibigan. Kanina pa niya ito pinapakiramdam kung may naaalala siya ngayong araw pero mapapanis na ang laway niya ay hindi pa siya nito binabati. Its his birthday today at ang lukaret niyang kaibigan ay mukha atang kinalimutan na siya at laging si Brix na lang ang umuokopa sa isipan nito.

"Tinatamad ako bebs...", pa-ungol na sagot ni Tammy. Sabay dapa pa sa kama niya. Bakit ba andito na naman sa loob ng kwarto niya ang baklang kaibigan? Nagpaalam itong may kikitain sa mall pero nagtataka siya dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin ito.

"Sige lang Tammy. Konti na lang magtatampo na ako. Matapos mong pakinabangan ang kagandahan ko para pagselosin si Papa B, ginaganyan mo na ako ngayon!", sumbat ni Vinno sa dalaga.

Napatawa doon si Tammy at bumangon para harapin ang nagsisentimiyentong kaibigan.

"Hahah...problema mo bebs?"

"Sasamahan mo ako sa Valkyrie o hindi?"

"Ahm...hindi?", patanong na sagot ni Tammy.

Tinaasan naman ng kilay ni Vinno ang kaibigan. Tumayo mula sa pagkakaupo sa higaan at nagpamaywang sa harap ni Tammy. "Fine! Bukas babalik na ako ng Carribean! I will never communicate with you for years!", banta pa niya.

"Halla siya. Ano bang meron at nagyayaya kang gumimik ngayon? You know naman na I can't go out na ng basta-basta."

"Nakipagbalikan ka lang sa first love mo, nakalimot ka na!", nagtatampo ng saad ni Vinno.

Nagtatanong ang mga matang tinignan ni Tammy ang kaibigan. Nakipagtitigan naman ito sa kanya. Nang biglang may maalala ay nanlalaki ang mga matang tumayo siya mula sa kama at pabagsak ang katawang yumakap siya kay Vinno. "Oh my God bebs! I'm sorry na bakla!"

"Tapos ngayon mag-aala-unggoy kang lalambitin sa akin!"

Natatawang hinalikan ni Tammy ang pisngi ni Vinno. "Happy b-day bebs! Oo na sasamahan na kita mag-clubbing. Magpapaalam lang ako kay Brix."

"At kung hindi pumayag?"

"May magagawa pa ba siya kung asa Dubai naman siya?", pilyang tugon ni Tammy. "Kaya wag ka ng magtampo diyan. Nakakapanget yun kala mo."

"Charotera ka!", singhal naman ni Vinno na ikinahalakhak lang ni Tammy.

.....

"Hooo!!", sigaw ni Vinno habang sumasayaw sa gitna ng dance floor.

Nilandi-landi niya si Tammy na naiiling na lang sa kanya ng gilingan niya ito pataas at pababa.

Tumatawang sumigaw din si Jofren na talagang kinulit-kulit pa nila at sinadya sa bahay nito para sumama sa kanila. Wala si Shine sa kadahilanang sa Cagayan na ito namirmihan mula ng magkatrabaho.

Si Vinno na rin ang kumausap kay Brix para payagan nito si Tammy na lumabas na kahit halatang ayaw nito ay napilitan na lang umoo ng talakan niya ito ng talakan.

Nagbanta nga lang ang binata na patay siya pagdating nito kung may mangyaring hindi maganda sa girlfriend nito.

Vinno just rolled his eyes upwardly while saying "whatever!"

"Balik lang ako sa table. Nahihilo na ako.", paalam ni Tammy.

Pagbalik sa upuan ay agad naman niyang sinalinan ang kanyang baso ng juice na nasa lamesa nila at dire-diretsong ininom iyon. She felt exhausted na. Ang hyper ngayon ni Vinno.

"Hi..", anang isang boses ng lalaki.

Hindi pinapansin yun ni Tammy dahil baka iba naman ang binabati ng lalaki.

Forever Love Series 3: Mischievous Playboy COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon