Chappy 1

9.3K 200 19
                                    

KAYLEE GONZALES POV

(Now playing: Just say you won't let go by James Arthur)

"Edi siya na. Siya na gwapo. Siya na magaling kumanta. Siya na heartthorb. Lamunin niya lahat bwisit!" bulong ko sarili ko habang nanonood ng performance niya.

"AKIN KANA LANG MARK ZEAN OLIVIO! KYAAAAAAAHHHHH!!!"

"KYAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!"tili nga mga babaeng katabi ko. Krema de futa halos dumugo na yung tenga ko sa sobrang sakit sa eardrums ng sigaw nila. Sana maputulan sila ng mga ugat sa leeg! Bad Kaykay. Bad.

Bakit ba kase ako nandito juicecolored. Kung hindi lang talaga para sa school hindi na ko pupunta sa dito eh.

Ano nga bang meron? Ano pa edi ang performace nitong si Mark Zean Olivio na 'to. The "ALMOST PERFECT CAMPUS HEARTTHROB" . Matangkad, mayaman, matalino, talented, chinito, perfect red lips, messy hair,maputi at matangos ang ilong. Halos nasa kanya na nga talaga ang lahat. Kung may perfect na tao lang talaga sa mundo, siguro isa na sya sa mga yon. Nung nagpaulan kase si Lord ng halos perfect na mukha at buhay, sinambot nya lahat eh. Wala tuloy natira sakin. Huhu uwi na ko. Hahahahaha char.

Paano ko nga ba nakilala 'tong bakulaw na 'to? Well, sino ba namang hindi makakakilala sa kanya diba? Pero bakit ba kase ako naiinis sa kanya? Hays.

But before anything else, I want to introduce myself. I'm Kaylee Gonzales a.k.a Kaykay. Babaeng may sariling mundo. Babaeng walang ibang alam kundi magsalpak ng earphone sa magkabilang tenga. Babaeng walang ibang alam kundi kumain, sumayaw at kumanta magisa. Akala niyo si Zean lang ang total performer ha. Ako din kaya! Di ko lang ineexpose. Hindi katulad nung balugang nagpeperform parin hanggang ngayon sa stage. Singkit din ako, I have long and curly hair. Tapos may bangs ako na nagtatakip sa noo ko. Pero di malapad noo ko ha :P red lips, pointed nose, fair skin, yung height, never mind hahahaha

"HINDING HINDI KITA PAPAKAWALAN BEBE ZEAN!!!!" sigaw ng katabi kong babae habang kinakanta ni Zean ang parteng chorus

"I LOVE YOU ZEAN!!!" girl2

Haaaayyysssss wasak na wasak na talaga ang tenga ko dahil sa mga fangirls nito ni Zean. Ako naman, nakatingin lang sa stage kung saan sya nagpeperform. Siya ang pinanglaban ng school namin para sa talent competition. At kung bakit ako nandito? Malamang dahil sa principal namin na walang magawa sa buhay.

"Lahat ng manonood ng performance ni Zean ay bibigyan ko ng incentives. Suportahan niyo naman ang classmate nyo. Blaaaahhh blaaaaahhh "

Oh diba, sino ba namang ayaw ng incentives. Natapos na siya sa pagkanta. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o ano pero sakin ba talaga sya nakatingin? Matagal din siyang nakatingin at ngumiti na nakapagpawala ng kanyang mga mata at pumunta na sa backstage. Infairness chinito si ate mong gurl. Pero teka, sakin ba talaga sya nakatingin? O baka naman napatingin lang.

"Kyaaaaaaaaaaahhh!!!!! Tumingin sya saken!" Girl1

"Hindi! Sakin sya tumingin!" Girl2

"Mahihimatay ata ako sa ngiti nya" girl3 habang umaacting na mahihimatay.

"Siguro nga sa kanila sya nakatingin" sabi ko sa isip ko at nagkibit balikat na lang.

Pagkatapos ng performance ni Zean, hindi na ko nagabala pang lumapit sa kanya. Panigurado namang dudumugin siya ng mga fangirls niyang isang ubo na lang. Hahaha charot. Atska bakit naman ako lalapit sa kanya? Hindi din ako mapapansin non. Ang taas nya mga bes. Kumbaga sa building at bahay. Siya yung building, ako yung bahay.

Naglibot libot ako para makita kung gaano kalawak 'tong school na 'to habang nakalagay nanaman sa magkabilang tenga ko ang earphones ko. Nasanay na talaga ako ng ganito. Walang araw na hindi nakasalpak sa tainga ko ang mga ito. Hinanap ko din ang room na pinaka-favorite ko sa lahat. Ang music room!!

What's bad kung makialam diba? Baka nga i-promote ko pa 'tong school nila kapag nagustuhan ko ang music room dito tch. Walang makakapigil sakin! Mind your own business.

Naglakad ako papunta sa stage at pumunta kung saan nakapwesto ang piano. Nilapag ko ang bag ko sa ibabaw nito at umupo para umpisahan ang pagtugtog.

ZEAN OLIVIO'S POV

Pagkatapos kong kumanta, napatingin ako sa babaeng pakiramdam ko ay rinding rindi na sa mga katabi niyang babae.  Nginitian ko siya at alam kong nakatingin siya sakin at alam ko rin na hindi siya sigurado kung sa kanya ba talaga ako nakatingin dahil sa pagkunot ng noo niya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa ang bagay na yon. Basta naramdan ko na lang na gusto ko yon  gawin. Nagkagulo naman ang mga babaeng nakapaligid sa kanya dahil sa ginawa ko. Bago ako makarating sa backstage nakita ko siyang nagkibit balikat at umalis, bago pa man ako maabutan ng mga babaeng nakikita kong palapit sakin, ay agad na kong umalis. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na.

Lumabas ako ng gym ng campus. Napagpasyahan ko na libutin ang campus na ito. Habang naglalakad ako, nakatingin lahat ang mga estudyante sakin. Yung iba naman ay tumatabi para hindi makaharang sa dadaanan ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong tingin sakin ng mga estudyante dahil sa mukha kong ito. Kilala ako ng mga estudyante mula sa iba't ibang school. Nginitian ko na lang silang lahat bilang tugon sa tingin nila. Bigla na lang hindi magkandaugaga yung mga babae. May parang mahihimatay, yung iba naman nagpapacute. Hays hirap maging gwapo.

Malapit na ko sa music room ng marinig ko ang biglang pagtunog ng piano mula sa loob nito. Dali dali akong sumilip para matunghayan kung anong meron sa loob.

(Now playing: Demons by Imagine Dragons)

Hindi ko makita kung sino ang babaeng kumakanta dahil nahaharangan ng buhok niya ang kanyang mukha. Pero medyo pamilyar yung pananamit niya. Ang lamig sa tenga ng boses niya. Para akong hinehele. Kinuha ko ang cellphone ko para makuhanan siya ng video.

Hindi niya napansin na nakapasok na ako at kinukuhanan ko siya ng video habang kumakanta, sa totoo lang, ngayon ko lang 'to ginawa sa buong buhay ko. Parang may naguudyok sakin na gawin ang mga bagay na hindi ko naman talaga ginagawa. Kahit hindi ko siya kilala o mamukhaan man lang, parang ang lakas ng impact niya sakin.

Habang kumakanta siya, hindi ko mapigilang mapapikit dahil sa boses niya. Damang dama ko yung emosyon sa kanta.

Shit nakakabakla talaga yung boses niya. Hindi nakakasawang pakinggan. Boses palang nakaka-attract na, pano pa kaya pag nakita ko na yung itsura niya

Kulot ang mahaba niyang buhok. Kung titingnan mo siya parang isa lang siyang simpleng babae na may simpleng pananamit. Hindi katulad ng ibang babae na halos maghubad na sa harap ko.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang bakla pakinggan pero bakit ganito. Bakit nagiging abnormal yung puso ko dahil sa boses niya? Boses lang 'yon mga pre pero sa simpleng boses na 'yon, nagagawa niyang pabilisin 'to. Na halos sa sobrang bilis, aatakihin na 'ko sa puso. I can't believe na ganito ako kabakla.

Nang matapos siya sa pagkanta, initigil ko na rin ang pag video ko sa kanya. Inayos ko ang sarili ko para makaalis na. Hindi ko napansin na nakaupo na ko sa may pinto ng music room. Nakita ko siyang tumayo at kinuha ang bag niya na nakapatong sa ibabaw ng piano. Dali dali naman akong tumayo at lumabas ng music room.

"Sino yan?" huling salita na narinig ko bago tuluyang makalabas ng music room.

***

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon