KAYLEE GONZALES POVNakaharap ako ngayon sa salamin. Pakiramdam ko ay halos isang oras na akong nakatayo rito. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba 'ko, o mas mabuting dumito na lang muna.
"Hindi Kaykay. Papasok ka ngayon. Ikaw parin yan. Ikaw parin si Kaylee Gonzales" pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko. Nagayos ako ng konti at tuluyan ng lumabas. This is it.
"Shit ang ganda niya"
"Bagong transfer ba yan?"
"Pre akin na 'to" mga salitang narinig ko mula sa mga lalaking nadadaanan ko. Halos lahat sila ay nakatingin sakin.
"KAYLEE!" Narinig kong sigaw ni Alex. At halos lahat ng nakapaligid samin ay napatigil sa paglalakad. What the?! Arrrgghhhhhh
"Sinong Kaylee?"
"Yun ata yung babaeng nakaaway ni Zean sa parking lot" Narinig kong bulung-bulungan ng mga babae. Hanggang ngayon ba hindi parin nila nakakalimutan yon tch.
"Shit ang ganda niya"
"Magpapasalon din ako para mapansin ako ni Zean kyaaaaahhh!"
"Eh diba sila na ni Fatima?" At sakto namang napadaan si Fatima at Zean. Nakita ko namang napatingin sa akin ang dalawa.
"Wow kaykay! New look? Ang ganda mo lalo" puri naman sakin ni Fatima. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya nginitian ko lang ito
"Kaykay ikaw ba yan?" Tanong sakin ni Alex. Habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Wala na bang mas tatanga pa sa tanong mo na yan?" Natatawa kong sagot sa kanya at nagsimula ng maglakad.
"Hanep ka, kung hindi ko lang naalala kung anong itsura ng bag mo hindi kita makikilala."
"Tama na pangbobola mo." Sabi ko at nagtawanan kaming dalawa
"KAAAAAYLEEEEEEE!!!!" Narinig ko namang sigaw ng isang lalaki pagdating namin sa classroom ni Alex. Nagtinginan naman sakin lahat ng estudyante sa silid na iyon. Pati na rin ang dalawang love birds.(walamporeber)
"Ang ganda mo Kaylee ah, sinong inspirasyon natin jan?" Nakakalokong tanong sakin ni Luke habang papunta ako sa upuan ko.
"Ulol" natatawa kong sabi.
"Aba improving may pa-ulol ulol kana jan ha. Parang kailan lang para kang makahiya, na pag nahahawakan, tumitiklop. Iba kana talaga ah"
"You look elegant" narinig ko naman kumento ni Blake. Naramdaman ko namang uminit ang magkabilang pisngi ko.
"Dahil ba kay Mr. A yan ha?" Banggit nito habang tumataas baba ang kilay. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Luke at tiningnan sya ng "Sino si Mr. A" look.
"Sino pa ba, edi si Alex! Tssssk" hindi na ako nakasagot nang biglang dumating si Mr. Mendoza.
"Where is Ms. Gonzales?" Deretsong tanong nito. Nakakabastos 'tong teacher na 'to ah. Alam kong masama dugo niya sakin pero hindi naman niya kailangang magpanggap na hindi niya ko nakikita. Ginigigil niya ko ha
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...