Chappy 3

4.3K 154 2
                                    


KAYLEE GONZALES POV

"HOOOOY BUMALIK KA DITONG BABAE KA! PAG NAKITA KITA HUMANDA KA SAKIN!!!!!" Narinig kong sigaw niya. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Mabuti na lang at walang masyadong tao dito sa hallway kaya naman nakakatakbo ako ng maayos nang walang nabubunggong estudyante.

Don't mess with the campus heartthrob...

Don't mess with the campus heartthrob...

Yan ang paulit ulit na tumatakbo sanisip ko ngayon. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nabigyan ng ganong kalaking atensyon and I hate it. Nagtago naman ako saglit para makapag pahinga at maya maya lang ay nag-sink in na lahat sa utak ko lahat ng nangyari at lahat ng mga sinabi ko

"I've mess with the campus heartthrob" ang nasabi ko na lang sa sarili ko. Tumalbo naman ako ulit. Takbo dito, takbo doon. Liko dito,liko doon ang ginawa ko. WAAAAAAAAAAAA! kailangan ko ng pumasok sa first class ko! Sana wala pa yung prof namin huhu.

Pagdating ko sa pinto ng classroom namin, napaawang ang bibig ko ng makita kung sino ang naroon sa classroom.

WHAT THE HECK?! Bakit mas nauna pa siya dito sa classroom eh samantalang  nauna akong umalis sa kanya. Take note, tumatakbo pa ko ha.

Pag naabutan kita humanda ka sakin!...

Pag naabutan kita humanda ka sakin!....

Paulit ulit na salita sa isip ko. Patay na. Mukhang may paglalamayan na mga magulang ko mamaya ah.

"Ms. Gonzales!"

"MS GONZALES!" natauhan naman ako dahil sa pasigaw na tawag ng prof ko. Shit nandito na nga pala si prof. Terror prof pala ang tamang word.

"Sorry I'm late" paumanhin ko kay Mr. Mendoza atska nag bow.

"YOU ARE 30 minutes late! Palalagpasin ko ito ngayon dahil ito ang unang beses mong late sa subject ko. Go to your sit." Sigaw na sabi ni Mr. Mendoza.

"Thank you sir" pagkatapos non ay naglakad ako ng nakatungo papunta sa upuan ko sa likod. At dahil nga nakatungo ako........

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" rinig kong tawanan ng mga kaklase ko.

Ako? Heto. Nakadapa. Natalisod lang naman ako. Grabe ang sarap matalisod. Sobra! Sarcastic kong sabi sa sarili ko. Tinignan ko naman kung kaninong paa ba yung nakaharang at nakita ko nga ang paa ni Roxan. Hindi pala natalisod, TINALISOD. Tch

"Oops Sorry"  sabi niya sakin sabay tawa.

"MS. GONZALES! Ano nanaman yang ginagawa mo?! Late kana nga, nagawa mo pang magpapansin! Hindi ka na ba talaga magbabago?" sigaw ni Sir. Mendoza. Lalo namang nagtawanan ang mga kaklase ko.

Oo tama. Hindi lang ito ang nagawa kong katangahan. Isang beses natapon ko sa damit ni Sir Mendoza ang tubig na bitbit ko. Nakayuko ako non at hindi ko nakita ang pagsalubong niya sakin. Isang beses din, nadulas ako sa wet floor sa canteen dahil sa mga naghahabulan na estudyante. Napakapit ako sa isang estudyante na may dalang pagkain at boom, natapon lahat yunng bitbit nung estudyante.

Tumayo ako at inayos ang uniform ko. Tiningnan ko naman silang lahat. Nahagip ng mata ko si Zean na ngayon ay seryosong nakatingin din sakin. Umiwas ako ng tingin at yumuko. Pumunta ako sa upuan ko sa likod. Bakit hindi siya tumatawa? Diba nga dapat masaya siya dahil napahiya ako? Dapat masaya siya dahil nakabawi na siya sakin.

"Ang tanga naman ng babaeng yan. Sino ba yan?" Bulong ma sabi ng isa sa babae kong kaklase. Ay hindi na pala bulong yon. Ang lakas eh.

"Siya ata yung babae kanina sa parking lot. Yung nakaaway ni Zean." Girl 2

"Hindi lang pala tanga, ang kapal pa ng mukha. Anong karapatan niyang ipahiya si Zean sa harap ng mga estudyante dito sa campus? Tssskkk"

Kahit isang buwan na kaming magkakaklase, wala ni isa ang nakakakilala sakin. Oo nakilala nila ako, pero dahil ito kay Zean. Dahil akala nila pinahiya ko ang mahal na mahal nilang CAMPUS HEARTTHROB. Isa lang akong hamak na babaeng may sariling mundo. Babaeng tanging sarili lang niya ang nakakakilala sa kanya. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang mga sinabi nila at yumuko. Kasabay ng pagpatak ng isang luha mula sa mata ko. Wala namang makakakita sakin. At kung meron man, wala rin namang may pake.

ZEAN OLIVIO'S POV

Nag ring ang bell hudyat na tapos na ang klase namin kay Mr. Mendoza. Grabe ang mga ganap ngayong araw na 'to. Nagumpisa ang araw ko ng isang masayang araw dahil sa isang babaeng asar na asar sakin kanina. Pero sa nararamdaman ko ngayon, parang nagguilty ako. Hindi dahil sa ginawa ko sa kanya kundi sa ugaling pinakita ko sa kanya. Halos maihahalintulad ko na rin ang sarili ko sa mga taong nangmamaliit sa kanya kanina.

Halos ilang bwan na kaming magkakaklase pero hindi nila kilala ang babaeng nakaaway ko at ipinahiya ni Mr. Mendoza. Kahit ako ay hindi ko siya kilala. Ngayon ko lang napansin na nage-exists sya sa mundong ito at kaklase ko pala siya.

Nagulat naman ako sa sunod kong nakita. May tumulong tubig galing sa mata niya. Umiiyak siya.

"Ay hindi Zean, umiihi siya" pamimilosopo ko sa sarili ko. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya.

Hanggang ngayon, naiisip ko parin yung itsura niya habang umiiyak siya. Ngayon lang ba siya napahiya ng ganon? Pinahiya ko naman siya kanina ah? Bakit hindi siya umiyak? Ako pa nga yung mas napahiya saming dalawa dahil sa sinabi niya.

"Kawawa naman pala siya. Kahit ako hindi ko rin siya kilala. Napansin ko lang siya kanina sa parking lot. Nung inaway ka niya. Pfffffftttt" kumento ni Luke na ngayon ay nagpipigil na ng tawa -___- ikinwento ko sa kanila lahat ng nangyari kanina. Si Blake? Eto walang pake ang mokong. Tangina niya.

Luke and Blake are my brothers. Oo kapatid ko sila. Mas gwapo lang ako. Walang kokontra! Ako ang panganay, si Blake ang pangalawa at si Luke na gunggong ang bunso. Hindi lang halata kase mas mukha silang matanda kaysa saken. Baby face kase ako. Pakapalan na ng mukha dito oh. Hahaha.

"Anong plano mo ngayon gurang?" seryosong tanong ni Blake. Tumawa naman ng malakas si Luke dahil sa sinabi mi Blake.

"Hoy manahimik ka jan Blake! Mas mukha ka pang matanda kaysa sakin!" sinamaan ko naman ng tingin si Luke at dahilan para tumigil na siya sa pagtawa .

"Ang tagal ko na ring walang laruan." kumento ko habang nakangisi

"Akala ko ba naaawa ka sa kanya? Ang labo mo bro" sabi ni Luke sabay kamot sa ulo.

"Oo naaawa ako sa kanya. Pero tuwing nakikita ko siya naeengganyo ako maglaro." seryoso kong sabi. "Don't forget the rule Luke. I don't mess with a person if he or she doesn't mess up with me." Sisiguraduhin kong matutuwa ako sa larong uumpisahan ko. She break the rule. A hardheaded rule breaker. Tssskkk. This is going to be fun.

***

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon