Chappy 4

4.6K 144 0
                                    


KAYLEE GONZALES POV

Nagring na ang bell hudyat na tapos na ang klase at breaktime na. Hindi na ko lalabas---- bigla naman tumunog ang tiyan ko at napahawak ako rito. Mukhang hindi sang-ayon yung tiyan ko sa ideya ko ah. Aish kainis bakit kase hindi pwedeng kumain dito sa room eh.

Tumayo ako at naglakad ng mabilis papuntang cafeteria. Pagdating ko ay bumili agad ako ng makakain. Binilisan ko ang kilos ko para hindi ako masyadong mapansin ng mga estudyante-----

"Excuse me miss" kalabit sakin ng kasunod ko sa pila. Hayst nako naman

"Ah-ehh bakit?" humarap ako sa kanya ng nakayuko. Shocks, wag sana niya kong makilala

"Diba ikaw yung---" naputol ang sasabihin nito nang biglang may tumawag sa kanya.

"Halika na girl maguumpisa na klase natin!" sigaw ng babae kaya naman umalis na ito. Hayst salamat naman. Ang pproblemahin ko naman ngayon ay ang paghahanap ng mauupuan. Nilibot ko ang tingin ko at iisa lang ang nakikita kong pinakasafe na pwesto. Dere-deretso akong naglakad papunta sa table na malapit sa garbage place. Hindi na nila ko mapapansin dito. Wala namang umuupo dito aarte pa ba ko kung no choice ako?

Inumpisahan ko ang pagkain ng biglang

"Ay sorry, akala ko trashcan" at ako? Heto nanlalagkit sa tinapon niyang softdrinks at ice cream. Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya at ganon din ang ginawa. Tinapunan nila ako ng kung ano ano.

"Hey guys!" sigaw niya at napukaw naman niya ang atensyon ng mga estudyante. "I-welcome niyo naman yung bagong basurahan natin" at tinuro ako. Nagtawanan naman naman ang nga ito.

"Diba siya yung nakaaway ni Zean sa parking lot?" tanong ng isang babaeng estudyante.

"You're right! She's the coward rule breaker. Can you imagine guys? Sa tagal na natin sa eskwelahang ito, wala ni isang nagtangkang awayin si Zean. Pero ito" tinulak naman niya ang ulo ko gamit ang hintuturo niya "itong babaeng 'to na wala man lang kaclass-class, ang lakas ng loob at ipinahiya pa talaga si Zean sa harap nating lahat. Tsk, kabago bago mo dito ganyan na asta mo. Ano bang gusto mo ha? Atensyon? Then you already have our attention. Nagtagumpay ka sa gusto mo" sumangayon naman lahat ng nandito sa cafeteria at katulad ng ginawa nila Roxan ay pinagtatapon din ng mga eatudyante ang mga kinain nila sakin.

Niyuko ko lang ang ulo ko at hinayaan sila sa mga ginagawa nila. Para na tuloy akong totoong basurahan nito. Ano bang magagawa ko? Kasalanan ko naman lahat kaya deserve ko 'to.

Bigla namang nawala ang ingay sa loob ng cafeteria. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil hindi ko parin tinutunghay ang ulo ko at wala akong balak gawin yon. Ayokong makita nila ang itsura ko.

"Who started this?" narinig kong tanong ng lalaki.

"Of course, it's non other than me Zean. Nagustuhan mo ba yung ginawa ko?" pagmamalaki ni Roxan. Ze--zean? Yung campus heartthrob? Unti unti kong tinunghay ang ulo ko at tama nga ako. Siya yung nakaaway ko sa parking lot at may kasama pa siyang dalawang lalaki at namumukhaan ko sila pareho. Sila yung tumatawa ng malakas kanina.
Nakita ko namang binulungan naman ni Zean yung isang lalaki at umalis ito.

"Anong binulong mo kay Luke? Mind sharing?" maarteng tanong nito. Lumapit naman ito kay Zean at hinawakan niya ang bandang patilya ni Zean. Maya maya lang ay dumating si Luke na may dalang softdrinks at ice cream. Kinuha ni Zean ang ice cream at kinain ito. Nanlaki ang mata namin sa sumunod niyang ginawa.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon