Chappy 37

1.9K 43 6
                                    


KAYLEE GONZALES POV

Napagdesisyunan kong nag-stay muna sa ibang lugar at pinauna na si mama umuwi. Paalis na ako ng marinig kong may tumawag sakin.

"Kaylee"

"Ay palakang nagii-split!" napasigaw ako sa gulat. Lumingon naman ako kung saan nanggaling ang boses at mas nagulat ako nang makita ko si Zean.

"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw ko.

"Why? Am I not allowed here?" ani niya habang nakalagay ang magkabilang kamay sa bulsa.

"Tss, you're a waste of energy" masungit kong sabi at sumakay ako ng motor.Lumapit naman siya sakin at hinawakan ang braso ko.

"You'll come with me"

"Why would I? I don't have time for your shits Zean" at hindi umubra ang sinabi ko. Binuhat niya ako at inilagay ako sa passenger seat ng kotse niya. Nagsisisigaw ako pero napatahimik ako nang tapunan niya ko ng matalim na tingin.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta sumama kana lang!" muling sigaw niya sakin. So hindi parin talaga siya nagbabago. Sinisigawan parin talaga niya ko -.-

"Bakit ka sumisigaw?! Sinisigawan ba kita ha! Siraulo ampota!" sigaw ko sa kanya pabalik. Tch bagay lang yan sa kanya.

"Eh bakit mo ko sinisigawan!!!" Sigaw niya sakin

"Eh sinisigawan mo ko eh! Ikaw ang nauna!" Sigaw ko ulit sa kanya hanggang sa walang tigil na sigawan ang nangyari.

"Teka nga!" Putol nito sa pagsasalita ko. "Akala ko ba tutulungan mo kong kalimutan siya?" Dugtong nito.

"Kaya nga, eh bakit mo ba kase ako sinisigawan. Atska di ka ba makaramdam? May sarili akong problema ngayon tapos isisingit mo yang problema mo."mahinahon kong sabi dito. Bigla naman siyang tumawa

"Hays halika nga dito." Sabi nito sabay akbay sakin at pat sa ulo ko.

"Katulad ng sinabi ko kanina, samahan mo 'ko" sabi nito habang nakangiti.

Kasalukuyan kaming nasa parking lot at nauuna siyang maglakad. "Eh paano yung motor ko?" nagaalangan kong sabi dito.

"Ako ng bahala don. Wag kanang maraming tanong. Bilisan mo na lang maglakad" hays kahit kailan talaga 'to, walang pinagbago.

"Oo eto na ho Shrek ay este Zean" pagtatama ko sa aking sinabi. Mabuti na lang at hindi niya narinig kung hindi, nako malilintikan talaga ko.

Nang mahanap namin ang kotse niya ay agad siyang pumasok. SIYA?! OO SIYA NGA! tch di man lang magpaka gentelman. Bakit ko nga ba 'to minahal? Letche siya! At dahil wala ng pagasang pagbuksan ako ng lapuk na toh, pumunta na ko sa passenger's seat. Passenger princess ang ate mo ngayon.

Kanina pa kami bumabyahe at wala mang lang nagiimikan sa aming dalawa. At dahil hindi ko na kaya....

"Saan tayo pupunta?" pagbabasag ko ko sa katahimikan. Tumingin naman ito sakin ngunit bumalik rin ng tingin sa daan.

"Aba-----" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.

"Nandito na tayo" sabi nito at ngumiti. Nang tumigil ang sasakyan, agad akong bumaba para tingnan kung saan ako dinala ng mokong na toh.

At ako? Eto nganga. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakita ng ganitong lugar. Shoooookt! Ang ganda dito. Seaside kami ngayon. Ewan ko kung saang luagr 'to pero napaka ganda. May kahoy na daan sa gitna ng dagat at nauna akong naglakad papunta doon sa mismong dulo ng kahoy na daan na yon. Kitang kita ko ang bilog na bilog na bwan. Na pakiramdam ko ay sobrang lapit sa akin. Dahil sa sobrang liwanag nito, ito ang nagsisilbing ilaw namin ni Zean na ngayon ay nasa tabi ko na at may dalang gitara.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon