KAYLEE GONZALES POV
Maaga akong gumising at bumangon sa kinahihigaan ko. Sa tagal kung nagstay sa apartment na ito at matapos ang nangyaring gulo samin ni Zean, nagpagpasyahan kong umalis na sa bahay na ito. Kagabi palang ay inayos ko na ang mga gamit ko. Siguro kung hindi ko man madala lahat ng gamit ko dito, ipapakuha ko na lang kay kuya. Para at least kahit papano, madala ko naman yung ibang gamit ko.
Dahan dahan akong lumabas ng kwarto dala ang ibang gamit ko. Mahirap na. Baka mamaya magising ko pa si Z--- wait, sino nga ba siya? Hindi ko nga pala siya kilala. Magawa kong makalabas ng kwarto nang hindi nakakagawa ng ingay. At ngayon kailangan ko namang lumabas dito sa bahay. Nappressure ako sa ginagawa ko. Pakiramdam ko para akong batang pinagalitan ng magulang kaya gustong lumayas. Pero sa case ko, hindi magulang ang nagsermon sakin. Dahan dahan akong naglakad nang biglang~~~
I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though I was enough~~~WTF?! Agad kong kinuha ang phone ko na naiwan pala sa lamesa, dali dali kong hinila ang mga gamit ko pero naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
"Ba- bakit ka nanjan?!" gulat na gulat kong sigaw. Nakita ko lang naman ang ayaw kong makaharap sa mismong tapat ng pinto kung saan ako lalabas. Great. Just great.
"Kaylee~~" sabi nito habang papalapit ng papalapit sakin.
"T-teka anong ginagawa mo?" Naiinis kong sabi. Ano toh gaguhan? Pagkatapos niya kong sabihan ng masasakit na salita? Pagkatapos niya kong paiyakin at saktan? Tf anong utak meron tong hayup na toh
"Kaylee I love~~~" napatigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang maout of balance at lumupasay sa semento. Shit anong gagawin ko...
Hindi Kaykay. Umalis kana sa kinatatayuan mo ngayon dahil walang kwentang tao yang nasa harapan mo. Hindi mo siya dapat tulungan! Sinaktan ka niya! Pinahirapan niya ang buhay mo!----- pangungumbinsi ko sa sarili ko. Lalagpasan ko na sana ang lintek nang bigla niya akong hawakan sa paa.
"Kaylee please...." Hayup. Ano na Kaylee? Ano ng gagawin mo ha?
Tinignan siya at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Mahal na mahal ko ang taong nasa harapan ko. Alam kong ilang beses niya na kong sinaktan at sinabihan n masasakit na salita. Na halos pati pamilya ko ay dinamay niya sa kagaguhan niya, hindi parin maalis ang pagmamahal ko sa lalaking toh. Sa lalaking nagturo sakin kung pano maging matapang at lumaban. Nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanya. Minsan napapaisip ako na siguro nga tanga na kung tanga, ganito nga talaga siguro when love strikes. You cannot escape in this kind of situation. Sa sitwasyon na puro sakitan. Puro iyakan. Lokohan. But still nangingibabaw parin yung pagmamahal.
***
ZEAN OLIVIO'S POV
Nagising ako dahil sa nararamdaman kong masakit ang ulo ko. Ang huli kong natatandaan ay uminom ako sa isang bar at hindi ko alam kung paano ako nakauwi. Igagalaw ko na sana ang kaliwang kamay ko ngunit hindi ko ito maigalaw. Sinubukan kong dumilat kahit sobrang sakit ng ulo ko at nakita ko ang babaeng inaasahan, ngunit hindi ko akalaing makikita ko pa siya sa mga oras na toh. Napangiti ako ng bahagya ngunit hindi nagtagal ang ngiti na yon nang biglang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Fatima. Alam kong hindi ito ang dapat kong gawin pero sa pagkakatanong toh, hinayaan ko muna itong matulog, matulog sa tabi ko.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kanyang mukha and it feels like I'm looking to an angel with broken wings. Ang ganda. Sobrang ganda. But sometimes the most beautiful person are beautifully broken. Kitang kita ko sa mukha niya yung nararamdaman niya. Yung lungkot, pagod, at higit sa lahat, yung sakit.
"Zean..." she said. And I thought she's already awake, I look at her face and yet, she's still sleeping.
"Talking while sleeping huh?" Napatawa naman ako ng mahina. "Kahit sa panaginip mo, ako parin nakikita mo? Tch mahal na mahal mo nga talaga ko hahaha" napatgil naman ako sa pagtawa ng biglang tumulo ang mga luha nito.
"Zean, hindi..... hindi kita iiwan. Hindi ako susuko sayo. Kahit ilang beses mo kong iwan tatanggapin kita...please stay..." humihikbi nitong sabi kasabay ng pagtulo ng sunod sunod niyang mga luha.
"Hihintayin kita Zean. I'll wait until the world accept our love"
"Panghahawakan ko ang mga sinabi mo Kaylee." panghahawakan ko lahat kahit alam kong panaginip lang.
"I love you to the moon and back, to infinity and beyond, forever and ever." then I kissed her on her forehead.
***
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...