KAYLEE GONZALES POV
Nagising at pumasok ako ng may magulong pagiisip dahil sa mga impormasyong nalaman ko. Mabilis ko ding napagdugtong dugtong ang mga impormasyong nalaman. Sanay na 'ko sa ganitong sitwasyon kaya mabilis lang para sa'kin ang tumalon sa iba't ibang konklusyon ang pinagkaiba lang ay sa'kin na 'to nangyayari ngayon.
"Ay uten tumatalbog" sabi ng bastos kong bunganga nang biglang may umakbay sa'king mokong. Narinig ko naman ang impit na tawa nito kaya agad akong napatakip ng bibig.
"Dati palakang nags-swimming ngayon uten na tumatalbog. Kung ano ano na nakikita ng mata mo Kaylee, masama na yan"
"Ano nanaman bang topak mong bakulaw ka?" iritable kong tanong.
"Ang gwapo ko namang bakulaw. Akala ko kase kung sinong taeng naglalakad. Pasalamat ka nga sa'kin at itinabi kita sa sa gilid kun'di kanina ka pa pinagtapak-tapakan" pinat niya ang ulo ko at sabay umalis.
"Wow salamat sa malasakit Zean ha. Bwisit ka talaga panira ka ng umaga!" malakas kong sigaw. Ano bang pumasok sa kokote niya tch.
Napukaw ko naman ang atensyon ng mga kaklase ko nang pumasok ako ng classroom. Artista na ba 'ko? Ba't hindi ako na-inform? Dumeretso na lang ako sa kinauupuan ko at hindi pinansin ang mga titig nila. Kasunod ko naman na pumasok ay si Fatima, Blake at Alex, si Luke at panghuli naman ay si Zean.
Sinalubong ako ng ngiti ni Zean at dumeretso sa bakanteng upuan na katabi ko. Nagbago na din ba ang sitting arrangement? Juicecolored, sobrang dami ko na ba talagang iniisip at hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko?
"Good morning class" bati sa'min ni Sir Morales, ang class adviser namin. "The third grading period will be finally over at alam kong alam niyo na ang susunod kong ibabalita" hell yeah, malapit na rin ang examination shit na isa pa sa dumagdag sa stress ko. Can I turn back to my old situation when I don't worry about things that much? Fudgeeeee sakit sa bangs.
"And for our high ranking students, Ms. Gonzales and Mr. Olivio, sana wag na kayo mag-tie sa exam scores dahil nahihirapan kaming mga teachers mag-decide. Wag niyo naman sobrang galingan, mauubos buhok ko sa inying dalawa eh" nagtawanan naman ang iba kong kaklase dahil sa sinabi ni Sir pero mas lumakas ang komusyon dahil sa sinabi ni Zean.
"Sir!" sigaw nito bago tumingin sa'kin "Handa naman ako magparaya eh, basta para kay Ms. Gonzales" ani nito ng may kasama pang kindat. Hindi ko alam kung kikiligin ba 'ko o masusuka dahil sa sobrang korni ng banat niya. Tss akala niya magpapadaig ako. Hindi pwedeng ako lang mapahiya rito.
"Hindi mo naman kailangan magparaya kase umpisa pa lang, pinili na kita" mas lalo naman lumakas ang kantyawan ng buong klase. Duh baka Kaylee 'to
"Related parin ba sa exam' yang mga banat niyo o may ibang ibig sabihin na 'yan?" natatawang biro ni prof
"Paano na si Fatima, Zean?" entrada naman ng pinakasalot kong kaklase na si Roxan. Dahil dito ay natahimik ang lahat habang hinihintay ang sagot ni Zean. Si Zean naman ngayon ay nakatingin kay Fatima
"So what's with her? We have never been together. It was just a role play, right Fatima?" lahat naman ay napa "oohhh" dahil sa sagot ni Zean. Tanging walk out lang ang naging sagot ni Fatima.
Wala man lang nagtangkang sumunod at hindi na rin naman hinanap ni Sir si Fatima hanggang matapos ang klase.
Nilagay ko ang earphone sa magkabilang tenga ko bago tuluyang lumabas ng classroom. Tahimik akong naglakad hanggang sa makarating ako ng cafeteria. Sana naman kahit ngayong breaktime lang matahimik naman ang buhay ko-----
"No need to fall in line Kaylee" cool at papreskong sabi sakin ni Zean. Ok, so ano nanamang paandar nitong si Mr. campus heartthrob.
Nang makita ng mga estudyante si Zean na palapit sa cashier ay otomatiko namang nahati sa gitna ang mga ito. Pagbalik naman ni Zean sa kinatatayuan ko ay may dala dala na itong tray ng mga pagkain. Isa isa kong tiningnan ang mga ito at hindi ko naman maiwasang mamangha.
"Hindi naman tayo laging magkasama pero bakit mukhang kabisado mo ang mga kinakain ko?" hindi ko naman maitago ang ngiti ko habang sinasabi ang mga 'yon.
"Ako pa ba? Baka Zean' to" habang pinapamaypay ang isang kamay sa sarili niya.
"Anong meron at napakayabang mo ata ngayon. Mabuti sana kung hindi kita kasama buong araw, mapagtitiisan ko pa 'yang asta mo kaso hindi eh!" bigla namang nags-switch ang mood ko sa pagka-irita. Kinuha ko ang tray ng pagkain sa kanya bago ko siya muling tignan" Magtutuos tayo mamaya Mr. Mark Zean Olivio.
Sinabi ko kay Zean na magkita kami sa rooftop ng school bago magsimula ang pangalawang subject. Papunta na ko ng rooftop nang mapagpasyahan ko munang dumeretso ng cr. Papasok na 'ko nang may marining akong dalawang taong naguusap at kilalang kilala ko kung sino ang mga ito. Nagtago ako at pinakinggang mabuti kung anong pinaguusapan nila.
"Ganito ka ba gumanti Zean?Ang ipahiya ako sa harap ng maraming tao?!" pagalit at may hinanakit na sigaw ni Fatima.
"Who cares? You deserve it tho." matipid na sagot naman ni Zean.
"And what? Gagamitin mo rin si Kaylee to get back from me? Pagseselosin mo 'ko ganon?" marahan namang tumawa si Fatima bago magpatuloy. "goodluck na lang dahil magsasayang ka lang ng lakas Zean. Tapos ko ng gamitin si Kaylee and she is just a piece of trash for me. Congrats to you for having a new job, garbage man." hindi ko na hinintay pang sumagot si Zean at tumakbo na ko paalis sa lugar na 'yon.
Hindi na ko sumipot sa usapan namin ni Zean. Mas pinili ko na lang pumunta sa lumang building ng campus at doon magmukmok.
Maya maya lang ay naramdaman kong may tumabi sakin at kasunod nito ang pagpatong niya ng ulo ko sa kanyang balikat. Mas lalo namang lumakas ang iyak ko.
"Pagbibigyan kitang ilabas lahat ng sakit ngayon Kaylee pero sana sasusunod ako naman ang pagbigyan mo"
Sinabayan na 'ko ni Rhyce pauwi ng, apartment para masiguradong ligtas ako. Akala niya siguro hindi ako makakapag-drive ng ayos dahil sa sakit ng mata ko.
"Salamat ulit sa araw na' to. Lagi na lang akong nililigtas ng balikat mo" pinilit kong maglabas ng ngiti kahit ang totoo ay gusto nanamang tumulo ng mga luha ko. Balak pa sanang mag-stay ni Rhyce pero pinigilan ko siya dahil gusto kong mapag-isa.
Pagpasok ko ng kwarto ay mabigat kong binagsak ang bag ko sa kama. Napadako ang ang tingin ko sa kalimba na bahagyang nadali ng paa ko. Pinulot ko ito mula sa ilalim ng kama. Sandali ko itong tiningnan bago kalabitin.
***

BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...