Chappy 21

2.9K 94 7
                                    



KAYLEE GONZALES POV

"Rhyce. Where are you?!" narinig kong sigaw ng babae sa labas "I hate you! Don't ever talk to me when you get home!" dugtong pa nito. Natahimik naman ang buong lugar tanda na umalis na yung babaeng nagsisisigaw kanina.

Tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ko. Hindi ko parin naaaninag ang itsura ng taong humila sakin dahil medyo madilim dito sa pwesto namin.

"Pasensya na. Baka kase kapag nakita ka niya, pumasok siya dito sa loob." pagpapaliwanag ng lalaking kasama ko ngayon.

"Btw I'm Rhyce Peralta. 4th year, section 2" pagpapakilala niya.

"Kaylee Gonzales 4th year section 1" pagpapakilala ko naman. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

"So kasama ko pala ngayon yung running for valedictorian ng buong 4th year high." nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ki--kilala mo ko?" nauutal kong tanong sa kanya. Naramdaman ko naman na umayos siya sa pagkakaupo niya.

"Sino ba namang hindi makakakilala sayo eh halos bukang bibig ka ng mga teachers ng school na 'to. Lalo na si Mrs. Brenda, yung english teacher" napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na may nakakakilala pala sakin. At hindi lang isa, marami sila. Magpalipat na lang kaya ako sa section nila hayst.

At dahil wala ng nagsalita at curious na curious na ko ay hindi ko na napigilang magtanong "Kung di mo mamasamain, sino yung babae kanina?"

"Si Rhyza, kapatid ko " hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Mas lalo tuloy akong na curious sa itsura niya. "kanina niya pa ko dinadala kung saan saan at binubugaw sa mga kaibigan niya kaya nagtago ako. Nababaliw na talaga siya" natawa naman ako bigla. Ang hirap siguro ng sitwasyon niya ngayon no. Hahaha

"Ikaw, bakit ka nandito?" and I was caught by his question.

"A---ayaw ko kase sa mataong lugar. Lahat ng estudyante ngayon nasa field at galing ako don. Para akong masu-suffocate." pagpapalusot ko kay Rhyce

"at hindi lang yon, ang babaho pa nila" dagdag niya sa sinabi ko at napatawa naman ako "kung ganon mukhang we will spend our night together. Ok lang ba sayo yon?" mahinahon na tanong niya. Anong sabi niya? Eh kaka-kilala palang namin baka mamaya dalhin ako nito kung saan—

"Don't worry, hindi ako kidnapper, promise!" muli niyang sabi. Nababasa nya ba ang nasa utak ko?

"Sige pero kapag hindi ako nakauwi ng buhay, ikaw agad una kong munultuhin!  " at sa mga sandaling yon ay nawala sa isip ko si Zean.

Niyaya niya na kong lumabas at dumeretso kami ng parking lot. Ngayon ay kitang kita ko na ang mukha niya. Hindi maipagkakailang napakagwapo ng nilalang na kasama ko ngayon. Mas matangkad siya kaysa sakin at tama lamang ang katawan. Matangos ang ilong, brown ang mga mata at manipis ang mga labi. Makapal ang kilay at bagsak ang buhok niyang kulay dark brown.

Nagpaalam siya na kukunin niya ang motor niya at ganon din ako. Sabi naman niya ay may sariling sasakyan ang kapatid niya kaya kayang kaya na nitong umuwi magisa. Dumating siya dala ang itim na R2 niya. Ghad my favorite color

"Black R3. Hmmm mukhang pareho tayo ng taste ah" sabi niya nang makita ang motor ko.

"I guess? Hahaha" nauna siyang nagdrive at sumunod naman ako katulad ng sinabi niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta but I trust him. Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya kahit unang kita palang namin.

Nakarating kami sa malaking field at malayo sa city. Ibat ibang motor ang nakita ko. Tumigil si Rhyce at tinanggal ang helmet niya. Bumaba kami sa motor namin at ganon din ang ginawa ko.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon