Chappy 15

3.4K 96 1
                                    

KAYLEE GONZALES POV

"Okay class, we will have a baking activity today and I will allow you to choose your partner" sabi ni Ms. Jalbuena pagpasok na pagpasok papang niya ng classroom. Napasapo ako sa noo ko dahil sa pamro-mroblema. Akala nila ang dali dali magluto?! Hell no! Kung itong subject na 'to ang pinakamadali sa kanila, I'm 'gonna contradict them. Mas pipiliin ko pang mag-experiment magdamag sa chem lab kaysa magluto.

"May partner kana ba?" umiling naman ako bilang sagot kay Fatima. Ok lang kahit sinong partner ko basta maisasalba niya 'tong baking activity na 'to at mataas na grades ang makukuha namin. I know it sounds like I'm a user  pero hindi maipapasa ng dignidad ko ang subject na 'to.

"Partner na tayo---" bigla namang sumingit sa usapan si Alex

"Let's be partner" nagpabalik balik naman ang tingin ko kay Alex at Fatima. Jusko anong sumapi sa mga tao ngayon? Nahihibang na ba sila? Alam ni Alex na hindi ako marunog magluto. Alam ni Fatima na pinaka-ayaw ko sa lahat ang pagluluto. Well, we've been togeteher for almost a week since lumipat sya dito so medyo marami na syang alam tungkol sa'kin pero medyo awkward parin ako around her.

"Ah--ano kase--- alam niyo naman na--"

"Alam niyo naman na ako ang pipiliin niya. Matagal na nating pinagusapan 'to diba Kaylee?" singit naman ni Zean. Tiningnan ko naman siya ng 'anong pinagsasabi mo ?' look at pinadilatan naman niya ko ng mata. Ok, panalo na siya.

"Oo ta--tama si Zean. Hahaha. Kung gusto niyo, kayo na lang mag-partner hehe" awkward 'kong sabi. Hinila naman ako palabas ni Zean.

"What was that?"

"Saving you from your ex" sagot niya. Habang naglalakad kami papuntang HE room.

"Fatima?"

"Both of you are not yet close. It'll be awkward, I guess?" he has a point.

"I think mas matitiis ko pa yung awkward moment kaysa makasama kang tukmol ka" pangaasar ko sa kanya. Napaharap naman agad siya sakin and he a devilish look plastered on his face.

"Gusto mo mag-solo?"

"Seryoso mo masyado. Tara na nga ano 'bang gagawin?" Dumeretso naman siya sa ingredients section at kumuha ng mga gagamitin. Lahat ng kinukuha niya ay binibigay niya sakin.

"Ano 'ko, assistant chef mo? Ayos ka Chef Olivio ah" hindi naman niya 'ko pinansin at dumeretso na sa pwesto namin.

"Uy anong gagawin ko" pangungulit ko sa kanya. Humarap siya sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko at inalog alog ako.

"Hoy omnivert, pwede 'bang wag ka munang makulit ha?! Iniisip ko pa kung anong ipapagawa ko sayo. Kapag hindi ko inisip mabuti, baka pareho pa tayong bumagsak sa subject na 'to dahil sa katangahan mo." sang-ayon naman ako sa sinabi niya pero required ba na ipamukha niya saking tanga ako at walang silbi sa pagluluto! Bwiset siya.

Pinanood ko naman ang ginagawa niya. Maya maya lang ay inutusan niya ko na paghiwalayin ang egg yolk at egg white. Tinuruan naman niya ko kung 'pano gawin. Lahat ng inuutos niya sakin ay tinuturo muna niya bago ko gawin. Napaka-perfectionist pala ng taong 'to pagdating sa pagluluto. Gwapo na, talented pa at magaling pa magluto 'san ka pa diba----- shet ano bang iniisip ko. Napailing na lang ako.

Kinuha niya sa oven ang cake at nilagyan niya ng blueberries sa ibabaw pagkatapos ay ni-ref niya ito. Nang malapit ng matapos ang oras namin ay kinuha niya ito mula sa ref. Kumuha siya ng isang slice para kay Ms. Jalbuena. Habang tinitingnan ko ang ginagawa niya ay napagtanto kong blueberry cheescake ang binake niya. Napasigaw naman ako dahilan para lumingon sa pwesto namin ang mga kaklase ko. Nakita ko naman ang pagka-irita sa mukha ni Zean.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon