Chappy 2

5.8K 166 3
                                    


KAYLEE GONZALES POV

Kinukuha ko ang bag ko nang biglang may narinig akong ingay.

"Sino yan?" tanong ko kung sino mang nilalang ang nandito sa music room. Bigla 'kong naramdaman ang takot. May mumu ata dito sa music room. Nasa ibang campus pa naman ako. Binilisan ko ang paglalakad papunta sa pinto ng music room. Baka mamaya makulong ako dito magisa sa loob.

Dating gawi, sinalpak kong muli ang earphone ko sa magkabilang tainga. Umulan pala at mag-gagabi na rin. Hindi ko napansin ang oras. Masyado pala akong napasarap sa pagtugtog. Nagpasya akong umuwi dahil wala na rin namang ibang gagawin dito. Atska kaunti na lang din naman ang tao dito sa campus na 'to.

Paglabas ko ng campus, pumunta agad ako sa lugar kung saan pinarking ko ang motor ko. Yap, I have my own ;)

Kasalukuyan kong inaayos ang suot kong helmet ng bigla na lang.....

"What the heck?!" Sigaw kong sabi kasabay ng pagtalsik ng tubig sa damit at motor ko dahil sa siraulong driver ng sasakyan na kung magpatakbo daig pa mga kotseng nagre-race!!

"Letche talaga yung driver ng kotse na yon! Arrgghhhh! Hindi man lang tumigil para magsorry.  Tatandaan ko yang kulay at plate number ng kotseng yan at sisiguraduhin kong pag nagkita kami, mas malupit pa aabutin nya kaysa sa nangyari saken!!!!" Inis na sabi ko sa sarili ko.

***

ZEAN OLIVIO'S POV

Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko o maaawa sa itsura nung babae kanina Hahahahaha. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Ang tanga ba naman dun nagaayos sa tabi ng kalsada. Atska bakit dun niya pinarada yung motor niya? Di ba niya alam yung salitang "Parking lot"? Hindi ba uso sa kanya yon? HAHAHAHAHA grabe she made my day.

Oo tama kayo sa kung ano man ang iniisip niyo. Hindi ako yung tipo ng lalaki na pa good boy. Yup, I have a good boy look but not my attitude. Hindi naman ako ganon kasama. Prinoprotektahan ko parin naman ang image ko. Maloko ako oo, mangtritrip ako kung kailan at kanino ko gusto. Katulad na lang nung babaeng gunggong kanina.

Bigla na lang pumasok sa isip ko yung babaeng nakita kong kumakanta kanina. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nakikilala. Hahanapin ko siya kahit saang lupalok pa siya ng mundo. Ano pang silbi ng pangalang Zean Olivio, kung hindi ko rin naman makukuha o magagawa ang gusto ko.

***

KAYLEE GONZALES POV

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok sa klase. Nakatira ako sa isang paupahan lamang. Hindi naman sa mahirap kami, gusto ko lang talaga matutong mabuhay magisa. Kumpleto naman ako dito sa gamit at nandito rin ang mga instruments na kailangan ko. Medyo malaki laki rin naman ang kwarto ko.

Dalawa kaming nakatira dito. Hati kami ng bayad sa bahay. Hindi naman kami masyadong close ng kasama ko dito sa bahay dahil pagkagaling ko sa iskwela, sa kwarto na ako dederetso. Hindi din kami nagkakasabay kumain dahil lagi siya sa labas kumakain.

Kapag may time naman ako, dinadalaw ko si Mommy at kuya sa bahay. Si Daddy kase lagi namang wala sa bahay dahil sa business. Minsan naman si Mommy, nagkakaron din ng business trip kaya naiiwan magisa sa bahay si kuya Kyle. Pero imposible namang magstay lang 'yon sa bahay. Good boy with a bad habits ang peg ni kuya. Pag nanjan si mommy, akala mo anghel na galing sa langit tapos bumaba sa lupa. Pag wala naman, ayon nagbabarumbado. College naman na 'yon at nasa legal age na, kaya niya na sarili niya.

Balik nanaman sa normal na araw ngayon. Kasalukuyan akong nagpapark ng R3 ko dito sa parking lot ng school nang biglang may dumating na sasakyan na ang bilis magpatakbo. Pagkadaan na pagkadaan ng sasakyan na ito sa harap ko, isang bagay lang ang naisip ko. Ang nangyari kahapon. Hindi ako nagkakamali. Mabilis ata akong makaalala. Chineck ko ang plate number ng kotse upang makasiguro na tama nga ang nasa isip ko. Binasa ko ito ng dahan dahan, at ng malapit na ako sa huling numero ay dali dali kong tinanggal ang aking helmet at naglakad papunta sa kotse na iyon.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon