Chappy 12

3.4K 111 6
                                    



KAYLEE GONZALES POV

"Bakit ganito yung pinasuot mo sakin?! Atska bakit kayo naka-shorts at tsinelas lang, bakit ako ganito?!" Sigaw ko sa loob ng kotse. Bakit ba kase kailangang kasama pa 'ko?!

"IPAPAKULAM KO KAYO MGA ALAGAD NI SATANAS!" Sigaw ko parin dahil ni isa walang nagtangkang kausapin ako. Bagkos ay naglagay lang sila ng earphone sa magkabila nilang tenga. Si Mark tukmol ang nagdadrive. Katabi naman niya si Blake na nasa shotgun seat at kami naman ni Luke ang nasa passenger seat. At dahil si Luke ang katabi ko, siya na lang ang kinulit ko ng kinulit dahil sa sobrang inis ko.

"LUIUUKEEE!!!" Sigaw ko sa kanya habang inaalog alog siya.

"Ang ingay mo" Seryoso niyang sabi "pfft" narinig kong pagpipigil ng tawa ni Blake. Tumalikod ito sa akin at sinalpak muli ang earphone sa kanyang tenga. Wala na kong nagawa kundi tumahimik. Ano pa bang  magagawa ko, suot ko na toh. Pasalamat nga ako at may naisuot pa eh.

Bigla namang tumigil ang sasakyan. Tinanggal nila ang seatbelt nila at sunod sunod na bumaba nang hindi man lang umiimik. Bumaba di naman ako at nakita sila na medyo malayo na. Nang malapit na ako sa kanila, tsaka ko lang narealize kung nasaan kami dahil sa mga tingin ng mga taong nakapaligid 'samin.

"Oy sandali nga lang" sabi ko sabay higit sa braso ni Zean. "Bakit tayo nasa mall?" Nagtataka kong tanong.

"Na-cancel yung part na pupuntahan natin. Sayang naman yang attire mo kaya dinala kana lang namin dito sa mall. Sorry nakalimutan kong sabihin" Napanganga naman ako sa sinabi niya. Nagpatuloy silang maglakad papasok sa mall, at ako naman nakangangang nakatayo sa labas. Nang matauhan ako, tumalikod ako mula sa mall at naglakad paalis. Bigla namang may humigit sa braso ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Zean

"Uuwi ako!" Sigaw ko sa kanya. Naiinis na ko. Siguro plinano niya talaga na magmukha akong tanga

"Magta-taxi ako!"

"May pera ka?" Tsaka lang ako natauhan sa sinabi niya.

"Wa----wala" sabi ko sabay yuko. Sheeeezz credit card lang pala dala ko.

"Maglalakad ka pauwi ng nakaganyan, o sasama ka samin?" Tanong niya sakin. Ok no choice.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at dere-deretsong pumasok sa mall. Sumunod naman siya sakin. Nakita ko namang naghihintay ang dalawang tukmol. Tumigil ako kaya bumangga sa likod ko si Zean

"Ano bang problema mong babae ka?" Iritado niyang tanong.

"Anong gagawin natin dito sa mall?" Tanong ko sa kanya.

"Mamimili tayo ng kailangan sa bahay. 'Nung binuksan ko yung ref 'don, kulang na lang tirhan na ng mga daga. Para hindi babae ang nakatira." Masungit niyang sabi.

"Eh hin----" naputol ang pagsasalita ko ng bigla siyang nagsalita.

"Wag kanang magsalita. Marunong ka man magluto o hindi, dapat maging malinis ka parin. Ni hindi mo nga mawalisan yung sahig. Kulang na lang amagin na yung mga picture frames na nakasabit sa dingding. Yung mga agiw sa kisame hindi mo man lang matanggal. In short, nagmumukha ng haunted house ang bahay" hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya. Harsh niya ha pero may point siya.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon