Chappy 17

3.5K 106 9
                                    



KAYLEE GONZALES POV

Grabe ang bilis ng panahon. Hays. Papalapit na ng palapit ang araw ng Mr. and Ms. HIA . Wala namang nagbago. Bukod sa hindi na kami masyadong nagbabangayan ni Zean at sa...

"KAYKAY!!!!" Tawag sakin ni Fatima. And yes, bukod nga sa hindi na kami masyadong nagbabangayan ni Zean, eh may naging kaibigan na din ako. Correction pala, BESTFRIEND oha improving si ate mong gurl. BONGGA! hahahahaha

"Di naman masyadong halata na namiss mo ko 'no?" Natatawa kong sabi.

"Aaaahhhhhhmmm" tugon niya. Natawa naman ako sa reaction niya.

"Ano ba 'yon?" Natatawa kong tanong.

"Kaykay may problema ako eh." Sabi niya. Ang bilis mag-switch ng facial expression ng babaeng toh. Napansin ko naman na pinagpapawisan na siya.

"Ako yung napili nilang panlaban para sa Mr. and Ms. HIA 2017. Kaykay anong gagawin?!" Naiiyak niyang sabi. Natawa naman ako sa itsura niya.

"Bakit ka tumatawa?!" Sigaw niya sakin.

"Eh ano naman kung ikaw ang ipanglaban? Maganda ka naman ah? Anong problema 'don?" Natatawa kong tugon.

"Eh yun na nga! Alam mong wala akong talent Kaykay" sabi niya at hinilamos niya ang kamay niya sa kanyang mukha.

"Problema nga yan." Seryoso kong sabi.

"At isa pa Kaykay, ayoko namang mapahiya sa lahat ng estudyante dito, lalong lalo na kay Zean. Nalaman ko na siya yug magiging partner ko sa gaganapin na event na. Ano ng gagawin ko?" Problemadong problemado niyang tanong. Hindi maman ako nakaimik sa sinabi niya. Alam kong may gusto siya kay Zean simula palang nang makita niya ito. At hindi naman niya itinanggi sa akin iyon. Bigla namang nawala sa wisyo ang pagkakatibok ng puso ko . Sheeeeezzzz  ano nanamang nangyayari sayo Kaykay. Ilang araw kanang ganyan. Pagdating kay Zean, lagi kana lang natatameme huhuhu

"Oy Kaykay! Ano na?" Bumalik naman ang diwa ko ng biglang nagsalita si Fatima.

"Wag mo ng problemahin 'yon. Tutulungan kita. Basta paghandaan mo ang darating na event Pat. Akong bahala sa talent portion mo. Sisiguraduhin kong bonggang bongga at kavogue na kavogue hahahaha" paninigurado ko sa kanya.

"Ay pak na pak ang speech ni ate mong gurl."natawa naman kami pareho sa sinabi niya

"Naman! Basta yung sinabi ko sayo ah. Hindi mo naman sigurong gugustuhin na mapahiya sa mga tao at kay----- and speaking of Shrek, ayan na siya." Sabi ko nang makita ko si Zean kasama ang mga kapatid niya na pumasok sa canteen at mukhang may hinahanap. Nang makita ng mga mata niya ang kinaroroonan namin ay agad siyang pumunta papunta sa amin.

"KAYKAY!" sigaw niya sakin with matching hampas sa table.

"Diba sabi ko sayo wag mo kong tawaging Kaykay? Close ba tayo ha? Ha? Ha?!"

"Eh pake mo ba. Gusto ko eh. Atska bakit ikaw, Mark din naman tawag mo sakin minsan ah?"

"EDI WOW" sabi ko sabay form ng mga daliri ko ng letter W.

"Tch." Napansin naman niya na kasama ko si Fatima. Nginitian niya lang ito. Pansin ko lang dito kay Zean, kapag sa ibang babae o tao parang ang bait, pero kapag sakin ang init init ng ulo. Tssskkk may saltik ata 'to eh.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon