Chappy 9

3.4K 111 3
                                    


KAYLEE GONZALE'S POV

"What the heck?!" Narinig kong sabi ng isang babae na nakatingin sa isang pader pagpasok ko. Hindi ko naman makita kung anong tinitingnan nila at wala din naman akong pake kaya hindi ko na lamang ito pinansin.

"Siya yung bagong transfer dito sa school diba?"

"Anong meron sa pagitan nilang dalawa?!"

"Grabe may tinatagong kulo din pala toh" mga salitang narinig ko sa mga babaeng nadadaanan ko. Napadaan naman ako kung saan nakalagay ang event/information wall namin. Maraming estudyante ang nagkukumpulan dito. Napatingin naman ako sa wall pero di ko talaga maaninag kung anong pinagkakaguluhan nila don. Naramdaman ko namang may kumalabit sakin.

"May tinatago ka din palang kulo 'no?" Deretsong sabi sakin ni Roxan.

"A---anong sinasabi mo? Nakatungo kong tugon.

"Magmamaang maangan ka pa ha? Huli kana gurl. Wag kanang tumanggi. Wala kanang maloloko ngayon!" Sabi naman nung isang kasama ni Roxan

"At kunwari ka pang walang alam ha?" Dumeretso naman siya sa information wall at kinuha ang kung anong nakadikit don at ipinakita sakin.

"Ayan! Tignan mong mabuti! Ganyan pala manlandi ang isang Kaylee Gonzales" kinuha ko naman ang litrato na halos ipanglandakan na sakin ni Roxan. Hindi......

"Ba---bakit? Si---- sinong kumuha nito? Sinong gumawa nito?" Putol putol kong sabi. Magbabadya nang tumulo ang nga luha ko pero pinipigilan ko ito.

"So inaamin mo nga na nilalandi mo si Alex?! So nilalandi mo nga ang boyfriend ko?!" Pasigaw na sabi niya. Oo. Si alex at ako habang magkayakap ang nasa larawan na hawak ko ngayon.

"B----boyfriend?"  Yun na lamang ang nasabi ko dahil sa sobrang gulat ko sa mga nangyayari.

"Bingi ka ba? O sadyang tanga ka lang talaga? Kailangan ko ba talagang ulit ulitin? Sige uulitin ko para sa tangang katulad mo. Yes, Alexander dela Vega is my boyfriend. So back off. Pero alam mo ba ang ginagawa sa mga malalandi?" Lumapit siya sakin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hinawakan niya ang buhok ko.

"A-----aray nasasaktan ako Roxan" mangiyak ngiyak kong sabi kay Roxan. Hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko dahil sa unti unting paghigpit ng kapit niya sa buhok ko.

"Hindi ang isang katulad mo ang sisira ng relasyon namin" galit niyang sabi.

"At hindi ang isang katulad mo ang lalandi sa boyfriend ko!"Itinaas niya ang kanang kamay niya. Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko dahil sa sunod niyang ginawa.

Lumapat ang kanyang kamay sa aking kanang pisnge. Pumikit na lang ako dahil itinaas naman niya ang kanyang kaliwang kamay. Hinihintay kong may lumapat na kamay sa kabila kong pisnge ngunit wala man lang akong naramdaman. Naramdaman ko naman na biglang tumahimik ang paligid kaya dahan dahan kong idinilat ang  mga mata ko.

"Stop this kind of shit Roxan" seryosong sabi ng lalaking nakatayo sa harap ko habang hawak ang kaliwang kamay ni Roxan. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya mula sakin.

"It's none of your business Blake" akmang lalapit na ulit sakin si Roxan subalit hinarangan muli siya ng sinasabi niyang Blake.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon