Chappy 18

2.5K 85 12
                                    




THIRD PERSON'S POV

This is it pansit! Eto na ang pinakahihintay ng lahat ng estudyante ang Mr. and Ms. HIA 2017. Maraming estudyante ang may dalang banner ng kanilang pambato para maipakita ang kanilang suporta. Samantala, si Kaylee na nasa backstage ay abalang abala sa pagpapagaan ng loob ng kaibigan.

"KayKay, kinakabahan ako. Paano kung hindi kami manalo?" malungkot na sabi ng kaibigan.

"Ano ka ba naman Fatima. Kung ano ano iniisip mo. Wag kang magalala mananalo ka. Akong bahala. Di baleng hindi manalo yung shrek na yon, basta manalo ka." number one hater niya ata ako ngayon tss

Kumunot naman ang noo ng kanyang kaibigan dahil sa sinabi niya. Naisip naman ni Kaylee na hindi nga pala kilala ni Fatima si Zean kapag shrek ang tawag nito.

"Sinong shrek ha?!" nagulantang naman si Kaylee dahil sa sigaw ni Zean.

"Epal? Kasali ka sa usapan?" pangaasar pa nito lalo kay Zean. Inirapan lang siya niyo at bumaling ang tingin kay Fatima.

"Goodluck" matipid na sabi nito. Hindi naman maitago ang kilig na naramdaman ni Fatima.

Nang makaalis na si Zean ay sakto namang nagsalita ang MC para umpisahan ang programa. Nagintroduction na ang mga ito at isa isang tinawag ang mga candidates. Pangalawa sa walong candidates sila Zean. Una nilang inirampa ang sports attire nila. Todo cheer naman si Kaylee sa kaibigan.

Nang lumabas na ang dalawa, hindi maipagkakaila ni Kaylee na maganda ang katawan ni Fatima pero mas lalo siyang natameme nang makita si Zean. Hindi ito ang unang beses na nakita niya si Zean na suot ang kanyang attire. Hindi niya alam kung bakit pero masasabi niya na mas malakas ang karisma ngayon ni Zean.

"Bakit uminit bigla" habang nagpapaypay gamit ang kanyang kamay.

"Syempre, hot yung tinitingnan mo" pangaasar ni Luke na nasa likod niya. Hindi na lang umimik si Kaylee dahil ayaw niyang masira ang araw niya.

Nagpakilala ang lahat ng candidates. In-interview din ang mga ito. Pagkatapos ng interview ay dali daling umalis si Kaylee sa kanyang pwesto. Kinita ni Kaylee si Fatima sa isang hindi mataong lugar na bahagi parin ng back stage.

"Oh kunin mo 'to" aniya ni Kaylee kay Fatima at binigay ang mic

"Sigurado ka ba dito kaykay?" diskumpyadong tanong ni Fatima sa kaibigan

"Wag kang kabahan. Akong bahala. Basta yung prinactice natin ha?Wag kang magalala, katulad ng plano, hindi nagana ang mic na yan. Basta ang kailangan mo lang gawin, ibuka ang bibig mo, ako ang kakanta" pagpapalakas ng loob nito kay Fatima "sige na bumalik kana don baka may makakita pa satin"

Nagumpisa na ang talent portion ng mga candidates. Nagtago naman si Kaylee habang hawak ng isang mic na naka-konekta sa sound system. Inihanda nya ang sarili nya nang si Fatima at si Zean na ang sasalang.

Umupo si Zean sa harap ng piano, suot ang naka open button sa may bandang dibdib na itim na polo at puting pantalon. Habang si Fatima naman ay nakaupo sa ibabaw ng piano, suot ang puting bestida. Nagumpisa namang tumugtog si Zean.

(Now playing: How would you feel by Ed Sheeran)

Nagsimula si Zean kumanta. Halata sa mukha ni Kaylee ang pagkahanga sa lalaking kanyang nakikita sa entablado. Gayundin naman si Fatima.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon