KAYLEE GONZALES POV
Hinihintay kong makauwi ng apartment si Zean. Gusto ko siyang makausap ng ayos. Ayokong sumabatan siya dahil alam kong hinding hindi niya magagawamg lokohin ako dahil alam kong minsan na siyang naloko at nasaktan . At lalong alam kong hindi niya na hahayaang maulit yon. Bumukas ang pinto at iniluwa ang taong inaasahan kong makita. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya.
"Mark tukmol namiss kita" wika ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Naramdaman ko namang hindi ako niyakap pabalik ni Zean bagkos ay unti unti niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Uy Shrek may problema ba? May problema ka? May problema ba tayo?" pagbubulag-bulagan ko kahit alam ko namang meron talagang problema. Hinawakan ko ang kamay ni Zean at hindi ito binitawan. Kase alam kong pag binitawan ko toh, baka ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya
"Stop acting like you don't know Kaylee." pinilit niyang tanggalin ang kamay niya mula sa pagkakakapit ko.
"Uy Mark---"
"STOP CALLING ME MARK!" napaatras naman ako dahil sa sigaw niya pero hindi ko parin binibitawan ang kamay niya.
"Bakit Zean? Kaya mo ba ko sinasaktan ng ganito dahil sabi niya? Kaya mo ba ko nilalayuan o iniiwasan, kase pinagbabantaan ka niya? Kaya ba ko na-kidnap dahil pinagutos niya? Dahil tinakot ka niya na sasaktan niya ko kapag di ka bumalik sa kanya? Zean ganyan yung mga nababasa ko sa libro haha"pagbibiro ko , kahit na sobrang nasasaktan na ko. "Zean, wala tayo sa libro. Please wag kang maniwala kay Fatima. Tinatakot ka lang niya. Wag kang matakot. Wag mo kong iwan please. Kaya ko ang sarili ko. Hindi lang ako nakalaban sa mga kidnapper kase biglaan lahat ng nangyari. Kung alam ko lang na mangyayari yon edi sana hindi tayo nagkakaganito. Zean, magtiwala ka sakin. Kaya natin 'to. Diba ganito naman talaga sa relasyon, may mga hadlang. Pero Zean wag kang bumitaw. Kahit anong mangyari sakin, hinding hindi naman kita iiwan eh. Hinding hindi ako susuko sayo. Sinaktan kana niya dati Zean ayokong maulit yon. Ayokong mangyari ulit na lokohin ka niya ng harap-harapan. Ayoko ng maulit yung---" hindi ko natuloy ang pagsasalita ko dahil sa ginawa ni Zean. Marahan niyang tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
"Pinapamukha mo ba sakin na tanga ko? PINAPAMUKHA MO SAKIN NA ISA AKONG NAPAKALAKING TANGA NA NILOKO AT PINAGTAKSILAN NG ISA KONG HANGAL NA KAPATID AT NI FATIMA?! kung akala mong minahal kita, nagkakamali ka Kaylee. Plinano ko lang lahat! At eto--" tumigil siya sa pagsasalita at saglit na may kinuha sa kwarto niya at inihagis sa harap ko. "Alam mo kung ano yan diba?" Nakangiting sabi ni Zean. Kakaiba ang ngiti na yon. Unti unti akong umupo at tiningnan kung ano an mga yon. Nagulat naman ako sa mga nakita ko. Eto yung mga sulat na pinapadala sakin ng isang di ko kilalang tao. Eto yung mga sulat na tuwing nakakatanggap ako ng isa sa mga ito, ay may nangyayaring hindi maganda sa buhay ko.
"Pero sabi mo sa'kin hindi sayo galing--"
"At naniwala ka naman? Tch. Hindi ko akalaing ganyan ka kabobo Kaylee. Ako ang may pakana ng lahat. Plinano ko lahat. Simula sa mga sulat na yan pati na rin ang pagbagsak ko sa isang subject. Kinuntsaba ko ang teacher at ang principal na ikaw ang maging tutor ko. Pati na rin ang paglipat ko dito sa walng kwentang apartment na 'to para tuluyan kong makuha ang loob mo. Nakakagulat ba? Napaniwala ba kita? Hahaha pwede na pala kong maging artista eh. Ngayon tanungin mo ko? Tanungin mo ko kung totoo ba lahat ng pinakita ko sayo?!"
"Ze--- zean, alam kong totoo yung pinakita mo sakin. Alam kong hindi planado yon---"
"Hanggang ngayon nagtatanga-tangahan ka parin ha! Tsk ibang klase ka talagang babae ka. Kanino ka ba mana? Sa nanay mo ha? Sa nanay mong niloloko na ng harapan, nagbubulag- bulagan parin----" hindi ko napigilang ilapat ang kamay ko sa kaliwang pisngi ni Zean
"Zean, I'm sorry hindi ko sinasadya---"
"Sorry? Anong magagawa ng sorry mo ha?! Nakakaawa ka Kaylee. Pinagpipilitan mo yang sarili mo sa taong di ka mahal! Sa taong napipilitan lang jan sa ugali mo! Akala mo kung sino kang mabait! Akala mo kung sino kang malinis, kahit ang totoo, ikaw ang malandi at hindi si Fatima. Kaya pala mas tama na si Fatima ang una kong nakilala. Tama pala na si Fatima ang minahal ko at hindi ikaw. Naaawa ako sayo Kaylee. Nakakaawa yang pagiging desperada mo." Lumapit pa siya sakin. Akala ko tapos na sya, hindi pa pala.
"Eto itatak mo jan sa kokote mo, hindi kita minahal Kaylee. Pinaglaruan lang kita para makaganti ako sa pananakit na ginawa mo kay Fatima. Ang laki mong tanga. Ang laki mong tanga para maniwala na mamahalin ka ng isang katulad ko. Akala ko pa naman matalino ka tsk." sabi nito at tinalikuran ako.
"Tapos kana ba?" halo halo ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Galit, lungkot, panghihinayang. At lalong lalo na ang salitang sakit.
"Wala kong ibang ginawa kundi mahalin ka Zean. Wala kong ibang ginawa kundi suportahan ka. Kundi alalayan at makinig sayo sa tuwing may problema ka. Na kahit ilang beses mo kong sinaktan, tinanggap kita ng buong buo. Hindi ko alam kung anong meron kay Fatima ng wala sakin at hindi mo ko kayang mahalin. Pano mo nagawa sa'kin lahat ng 'to? Dahil ba hindi mo matanggap na ikaw. Ikaw na Campus heartthrob ay sinagot sagot ng isang katulad ko? Isang katulad kong walang halaga sa mundong toh ha? Kung ganon, sobrang babaw mo naman Zean. Kung pwede ko lang ibalik lahat simula sa umpisa, sana matagal ko na ginawa. Sana hindi na humantong sa ganito. Na pinaniwala mo kong minahal mo ko. Na pinaniwala mo kong ako yung mahal mo at hindi si Fatima! Na niloko ka lang nila pero yun pala planado lahat? Sobrang nasasaktan ako Zean. Ako na walang ginawa kundi magpakita ng mabuti sa inyo. Na kahit ilang beses mo ng ipinamukha sakin na hindi ako babagay sayo. Na kahit ilang beses mong sabihin na ang tanga ko. Na mas tanga pa ko sa tanga. Na hindi ako babagay sa buhay mo? Sobrang sakit to the point na pati mga magulang ko nadadamay sa gulo nating dalawa. Tama nga talaga noh, truth hurts. Masakit malaman yung katotohanan lalo na't galing sayo. Akala ko totoo na lahat. Akala ko yung mga "sana" ko magkakatotoo na. Nagkatotoo nga naman 'no. Kaso planado. Scripted. Para nga talagang nasa tv. Minahal kita Zean. Sobra sobra, but this time, hindi ko na kaya. Ayoko na. At sisiguraduhin kong wala ka ng babalikan. I must say that this is the end of our story. Eto na siguro yung huling pagkakataon na makikita mo yung mukhang 'to. Eto na siguro yung huling pagkakataon na maririnig mo yung pangalang Kaylee. Na tuwingg maririnig mo, eh maaaalala mo yung babaeng desperada na walang ginawa kundi magpakatanga sa buhay." Tumalikod na ko sa kanya pero may nakalimutan akong sabihin.
"Ang galing mong umarte ah. Pwede bang magpaturo? Para sa susunod mas maimprove yung pagpapanggap ko na kunwari mabait, yun pala nasa loob ang kulo. Just like what you have said earlier" huli kong sinabi bago lisanin ang lugar iyon.
***
![](https://img.wattpad.com/cover/115693392-288-k848201.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...