Chappy 7

4K 132 2
                                    



ZEAN OLIVIO'S POV

Kailangan mapapayag ko siya na maging tutor ko. Hindi pwedeng hindi siya pumayag dahil baka hindi ko mapagtagumpayan ang mga plano ko. Oo tama, matalino na ko para magkaron pa ng tutor pero binagsak ko lahat ng quiz ko sa physics na subject pa ni Mr. Mendoza. Hindi rin ako gumawa ng assignments at iba pang activities sa subject na toh. Sinakripisyo ko lahat para lang maisakatuparan ko ang planong ito

"I will be the tutor of Mr. Olivio" nagising naman ang diwa ko dahil sa narinig ko. Takot pala 'tong babaeng 'to eh. Tsk

"Ok. Tomorrow is the start of your tutor Ms. Gonzales. And you Mr. Olivio, wag mong bigyan ng sakit ng ulo itong si Ms. Gonzales. Pasalamat ka at pumayag syang turuan ka. Alalahanin mo na nasa highest rank ka at pumapangalawa si Ms. Gonzales. Pwede ka niyang higitan. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes ma'am" Abot tenga kong ngiti.

"Thank you for your time Ms. Gonzales. Pwede na kayong pumasok sa susunod niyong klase. Excuse me" nauna namang lumabas si Kaylee at sumunod na rin ako. Ang bilis niya maglakad. Mabilis ba talaga o sinasadya niya lang tsssskkkk. Binilisan ko din ang lakad ko para maabutan ko siya.

"Shemay bakit ba ko pumayag. Hayop ano ba yan. Kung bumalik kaya ako tapos sabihin kong nagbago na isip. Arrrrrrgghhhhh hindi naman pwede yon" narinig kong kinakausap niya ang sarili niya. Hindi niya siguro napansin na nasa likod niya na ko dahil nakatungo lang siya. Ang weird ng babaeng 'to. Ganito ba talaga epekto ko sa mga babae? Tsk tsk baka matuluyan na 'to.

"Hoy!" Malakas na sigaw ko

"Ay palakang nagii-split"

"PFFFFFFTTTTT " tangina shet, abnormal na nga talaga 'tong babaeng 'to

"Ano ba kaseng kailangan mo?" Nakayuko niyang sabi. Nako nahiya ba sita sa sinabi niya? Tssskk hindi bagay sa kanya.

"Bat parang naging makahiya ka ngayon? Parang kagabi lang enjoy na enjoy kang makipaglaro sa mga batch mates natin. At nagawa mo pang maginom ha?"

"A--ano namang masama kung uminom ako? Wala naman akong ginawang hindi maganda. Atska nakauwi ako ng buhay oh! Safe and sound" sagot niya habang itinuturo niya ang mga kamay niya mula ulo hanggang paa.

"Wala? Kaya pala hinalikan mo ko?! Not once but twice!" sigaw ko sa kanya habang pinapakita ko sa kanya ang dalawang daliri ko. Namula naman siya sa sinabi ko. Bakit? sinabi ko lang naman na hinalikan niya ko----- fuck

"Ka-kalimutan mo na yon! Aalis na ko!" sigaw ko ulit sa kanya at tumakbo ako paalis. Tangina bakit yun yung nasabi ko!

"Nakakaasar talaga yung babaeng yon!" sabi ko sa sarili ko

"Sinong nakakaasar---"

"Ay palakang nagii-split" sabi ko nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Pfffttt HAHAHAHAHA may palaka bang nagii-split pffttt..." binatukan ko naman si Luke dahilan para tumigil siya sa pagtawa. Fvck pati ako nahahahawa na sa kabaliwan ng babaeng 'yon.

KAYLEE GONZALES POV

Para parin akong estatwang nakatayo dito hallway. Fudge ano yung sinasabi niyang hinalikan ko siya? Nahihibang na ba siya? Bakit ko naman gagawin yon?! Over my sexy and seductive lips. May walanghiya na ngang nagnakaw ng first kiss ko tapos pagbibintangan pa niya kong hinalikan ko siya!

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon