Chappy 25

2.9K 104 2
                                    

KAYLEE GONZALES POV

"Make sure na aaralin mo yung mga tinuro ko ha. Goodluck to your exam. Kaya mo yan. Tiwala lang" pag monotivate ko kay Zean. Nandito kami sa music room at kakatapos lang ng tutor session namin.

"Salamat Kaykay." aba himala. Nagpasalamat ang luko. Parang nabingi ako don ah. Sinapo ko naman ang noo niya.

"Wala ka namang lagnat" nakakunot noo kong sabi. Tinapik naman niya ang noo ko.

"Eh kung tupiin kaya kita sa walo?" sinamaan naman niya ko ng tingin.

"Eh kung lumayas kana kaya sa harap ko. Ten minutes na lang maguumpisa na yung exam mo" tiningnan naman niya ang relo niya at dali daling inayoz ang mga gamit niya.

"Balitaan na lang kita!" sigaw niya at tumakbo palabasng music room.

So ano ng gagawin ko ngayon? Medyo mahaba pa yung vacant ko at PE ang susunod na subject. Napabuntong hininga naman ako dahil nakaramdam ako ng katamaran. Panigurado naman na wala nanamang gagawin sa PE. Bigla namang nagring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Rhyce sa screen.

"At anong engkanto ang sumapi sayo at napatawag ka?"- Kaylee

"At ano nanamang napanood mo horror movie at ganyan ang pinagsasabi mo?"-Rhyce

Natawa naman ako sa sinabi niya

"Ewan ko sayo. Bakit ka napatawag?"-Kaylee

"Anong susunod mong klase?"-Rhyce

"PE ba---- " hindi na natapos ang sasabihin ko nang muling magsalita si Rhyce

"Tamang tama. Wala si Mr. Castillo. Samahan mo ko"- Rhyce. Si Mr. Castillo ang PE teacher namin. Ano nanaman kayang excuses niya tsk

"At saan naman tayo pupunta? Sa pagkakaalam ko may klase ka pa diba?"-Kaylee

"Absent si Ms. Jalbuena kaya wala ka ng lusot. Sasamahan mo ko. Magkita tayo sa parking lot. Ngayon na." Ibinaba niya agad ang tawag bago pa ko magsalita. Si Ms. Jalbuena ang teacher sa Home Economics. At ano namang meron bakit parehong absent ang dalawang yon. Tsk kaya sila nai-issue eh.

Pinaguusapan dito sa campus na nagde-date raw ang dalawa kaya madalas ay sabay itong absent. Ang sabi naman ng mga estudyante ay nakikita nila itong magkasama tuwing vacant. Wala namang masama kung mag date sila or kung maging sila. Pareho naman silang single at bagay naman sila.

Nakarating na ko ng parking lot at nakita ko naman agad si Rhyce.

"Hindi na ko magtataka kung bakit ka natagalan" tumingin naman siya sa binti ko "ang iksi ng biyas mo eh" tawa naman siya ng tawa pagkatapos niyang sabihin yon.

"Nakakita ka na ba ng taong pinukpok ng helmet ha?" at akmang ihahampaz ko naman sa kanya ang helmet ko

"Eto di na mabiro. Tara na. Wag kana magtanong kung saan tayo pupunta. Basta sumunod kana lang" at ganon nga ang ginawa ko.

Nakarating naman kami sa isang mall.

"Oh anong ginagawa natin dito?" tiningnan naman niya ko mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko naman ang sarili ko.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon