Chappy 8

3.7K 112 2
                                    



KAYLEE GONZALES POV

"Get one whole sheet of paper. Then answer the following. I will write it on the board" bungad ni Mr. Mendoza pagkapasok na pagkapasok sa room. Grabehan, surprise quiz ganern? Physics ang subject namin ngayon. Panigurado na papahirapan nanaman kami ng matandang toh.

Sinagutan ko lahat ng given ni Sir Mendoza hanggang sa matapos ako. Maya maya ay nagring na yung bell hudyat na tapos na ang klase namin kaya naman ipinasa nanamin ang aming mga papel.

Hinintay ko munang mawalan ng mga estudyante dito sa classroom bago ako sumunod na umalis. Pumunta ako sa madalas kongg pinagpapahingahan. Dito kase sa campus, may nasunog na building and until now hindi parin nila 'yon pinapagiba. Sabi kase ng iba na ang building na yon ang isa sa mga naging karangalan ng school. Madalang lang ang mga taong tumatambay sa building na 'yon kaya minsan, dun ako pumupunta. Naeenjoy ko naman ang view dahil kitang kita naman ang soccer field mula sa lugar na yon. Umupo ako at sinalpak sa tenga ko ang earphone.


(NOW PLAYING: TWO IS BETTER THAN ONE)


(a/n: play niyo po yung song habang nagbabasa. Mas mafifeel niyo po!)

Grabehan, eto talaga yung napatapat na kanta tsssss. Nakakawala ng gana. Inenext ko na sana ang kanta nang biglang may nagsalita.

"Parinig naman 'nung kanta. Sinosolo mo eh" napatingin ako sa kanya. Bahagyang napaawang ang bibig ko. Bakit siya nandito? Napatingin naman ako sa suot niyang uniform. Shit bakit kami pareho ng uniform.

"Ba---bakit ka nandito?" Tinanggal ko naman ang isang bahagi ng earphone ko para marinig ko siya ng malinaw.

"Bakit? Ayaw mo ba kong makita dito Kaykay?" Balik na tanong niya sakin. Nakaramdam naman ako ng galit, lungkot at inis. Ewan halo halo. Tahimik na ang buhay ko dito pero bakit nagpakita pa siya.

Hindi na lang ako umimik. Akmang ilalagay ko na ang isang pares ng earphone ko sa tenga ng bigla niyang hilain ang kamay ko papalapit sa kanya. at niyakap ako dahilan ng pagkagulat ko.

"Namiss kita Kaykay" mahinang sabi niya. Ano bang sa tingin niya ang ginagawa niya?! Tinulak ko siya at siya naman ang nagulat sa ginawa ko.Narinig ko naman na tumutugtog ang cellphone ko na mukhang natanggal ang pagkakakabit ng earphone ko.

"Kinalimutan ko na lahat ng meron tayo Alex."At dahil don ay bumalik lahat, bumalik lahat ng mga ala-ala. Masasayang ala- ala na binuo ko kasama siya.

"Kaylee....." tawag niya sakin nang bigla namang tumunog ang cellphone niya. Tumayo siya at medyo lumayo sakin.

Nakita kong bumuntong hininga siya at sinagot ang tawag. Hininaan ko naman ang tugtog.

"Hello" panimula niya. At dahil sa sinabi niyang yon, hindi na ko mapakali. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Sige papunta na ko. " huling sabi niya at pinatay ang tawag.

"I'm sorry Kaylee" sabi niya at umalis. Kasabay non ay ang pagtulo ng mga luha ko.

Ang sakit parin pala hanggang ngayon. Akala ko ok na ko. Akala ko kapag nagkita ulit tayo, hindi na ko maaapektuhan ng mga salita mo. Pero mali ako. Alam mo parin kung paano ako muling mahuhulog sayo katulad ng dati. Alam mo parin kung saan yung kiliti ko.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon