Chappy 32

3.1K 113 21
                                    


KAYLEE GONZALES POV

Hindi ko inaalis ang tenga ko sa likod ng pinto habang pinapakiramdaman ang pagalis ni Zean. Pinatay ko rin ang electricfan para sure na wala siyang marinig na kahit isang ingay.

Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag. Lumabas ako ng kwarto dala dala ang maliit na speaker ko. Mukhang mamaya pa uuwi yon kaya nanamnamin ko muna ang bahay na to hehe.

At dahil wala naman akong gagawin, napagpasyahan ko munang maglinis ng bahay bago magbake. Pinatugtog ko ng malakas ang speaker at nagsimula naman akong gumiling giling. Pagkatapos ko maglinis at binitbit ko ang speaker at dumeretso ng kusina. Ilang buwan ko ng pinagaaralang mag bake ng blueberry cheesecake. Hindi ko alam kung slow learner ba ko o sadyang distracted lang ako dahil sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

Kasalukuyan akong naghahalo ng mga ingredients ng marinig ko ang pagclick ng pinto. Dahil sa pagkataranta ko ay bigla kong naibato ang speaker. Shit bakit naman kase pabigla biglang sumusulpot 'tong mokong na to eh. Maingat akong nagtago at mukhabg hindi naman niya napansin ang malinis niyang paligid at makalat na kusina. Hindi naman ito nagtagal kaya mabilis din akong nakahinga ng maluwag.

"Mukhang nagmamadali yung tukmol na yon ah" nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang speaker kong nasira. "Aish, ngayon ko na nga lang ginamit, nasira pa" naibato ko naman ito ulit nang biglang may nag doorbell. Dali dali naman ulit akong nagtago pero hindi pa dito nagtatapos ang kalbaryo ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Papatayin ko na sana ito nang makita ko ang pangalan ni Rhyce sa screen.

"Hello mamaya kana tumawag. Nasa kalagitnaan ako ng bakbakan" mahina kong sabi kay Rhyce na nasa kabilang linya.

"Tigilan mo nga ako Kaye. Wag kanang magtago jan kase kitang kita ka naman. Pagbuksan mo na ko ng gate nangangalay na ko" sumilip naman ako sa bintana at nakita ko nga si Rhyce sa may gate na nakatayo. Pinatay ko ang tawag bago pagbuksan si Rhyce.

"Bakit ka ba nagtatago? Takas ka ba sa kulungan? Nako Kaye ayokong madamay jan ha bata pa ko para mailagay sa wanted list---aray naman"

"Ano ba naman kase yang pinagsasabi mo Rhyce. Mukha ba kong gagawa ng kasalanan?" naalog siguro utak nito habang naghihintay.

"Yun na nga eh. Akala mo naman pulis tinataguan tch--- ano bang ginagawa mo?" sumilip siya sa kusina na para bang giraffe. "Blueberry cheesecake nanaman?"tumango ako bilang sagot. Tinalikuran ko siya para bumalik sa kusina at sinundan niya naman ako.

"Ano yang dala mo?"

"Secret" pangaasar niya with matching pandidila pa. Isip bata talaga. "Kapag nagawa mo ng maayos yang cheesecake na yan, tsaka ko ibibigay sayo"

"Hay nako Rhyce, ano nanaman yang paandar mo? " kaasar talaga 'to laging may pasabog. Bigla naman siyang natawa

" 'Yan mga linyahan mo kapag nacu-curious eh HAHAHAHAH ayusin mo na yan. Bahala ka hindi mo makukuha 'to" ani niya habang winawagayway ang paper bag na dala niya.

"Nye epal ka talaga" pinagpatuloy ko ang ginagawa ko habang si Rhyce naman ay nangungulit sa harap ko.

"Kakaiba ka talaga Kaye. Hindi kana naawa sa speaker na 'to tsk tsk"

"Wow focus na focus tayo ah"

"Competitive Kaye be like" so on and so fort hanggang sa natapos na lang ako sa ginagawa ko, hindi parin siya tumigil sa kakadaldal. Anong meron kay Rhyce bakit parang ang sakit nya sa tenga ngayon?

"Wazzup mga mananap!--- uy Kaylee may bisita ka pala" at umentrada pa nga ang isang maingay. "Mukhang kakatapos mo lang magluto ah, matitikman ko ba yan?" ani ni Luke na parang ilang araw hindi pinakain ng magulang

"May magagawa pa ba ko?" pinakilala ko naman si Luke kay Rhyce na ngayon ay parang nagiba na ang awra.

"Nasan si kuya?" napatigil naman ako ng ilang segundo dahil sa tanong niya pero bumalik din ang ulirat ko nang tumayo si Rhyce para kumuha ng platito at tinidor.

"Ah hindi ko napansin eh. Maaga ata umalis" nabaling ang tingin namin kay Rhyce nang maibagsak niya ang tinidor sa mesa. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Anong sumapi sa katawan nito at ang lakas mang asar.

"Ang sarap mo pala mag bake Kaylee"

"Walang hindi masarap sa taong gutom--aw" mahinang saing ni Rhyce nang palihim kong tapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa. Sinamaan ko naman ito ng tingin at mukhang nasindak naman.

Mabilis naubos ni Luke ang kinakain niya. "Hindi naman halatang gutom ka 'no?" pabiro kong sabi sa kanya. Isa pang oinagtataka ko dito sa lalaking 'to, ang yaman yaman naman pero bakit parang laging gutom.

"Alam ko iniisip mo Kaylee. Wag kang magalala, hindi ko naman inaaaraw-araw" muntik naman maibuga ni Rhyce ang kinakain niya dahil sa sinabi ni Luke at ngayon ay nagpipigil na ito ng tawa.

"Sige Kaylee, Rhyce una na ko ha,salamat sa cheesecake!" hindi ko na napansin ang pagalis ni Luke dahil sinabi niya

"Ano daw yung hindi niya inaaraw-araw?" mas lalo namang humagalpak sa tawa si Rhyce dahil sa tanong ko.

"Oh ano nasan na yung ibibigay mo. Aminin mo man o sa hindi, nasarapan ka sa gawa ko" kasalukuyan na kaming naglalakad lakad ni Rhyce sa subdivision namin para magpatunaw ng kinain.

"Malalaman mo rin paguwi natin" nagkibit balikat na lang ako. Sabagay, hindi ko naman makikita agad yon ngayon dahil nasa bahay

"Gaano mo na katagal kilala ang mga Olivio?" napatingin naman agad ako kay Rhyce dahil sa tanong niya.

"Since lumipat ako sa university. I don't know them too well. Ang coincidence lang talaga na magpinsan si ate khimie na dating nangngupahan sa partment na yon at si Zean." sagot ko rito kahit kabaliktaran naman talaga ito. "Bakit mo pala naitanong?"

"Wala naman" maikling sagot nito. Napagpasyahan na din namin ni Rhyce na umuwi na ng bahay dahil kailangan niya na ring umuwi. Pinaandar na ni Rhyce ang kanyang motor nang muling tumingin ito sakin

"You're good at hiding Kaye but you're not good at lying" he smiled "I've left the gift in your room" ang mga huling salitang sinabi sakin ni Rhyce bago ito humarurot paalis.

Pumunta naman agad ako ng kwarto para tingnan ang sinasabing regalo ni Rhyce. Random niya ha, may pa-regalo pa wala namang okasyon. I pulled it out of the box and it turns out to be a necklace with a piano pendant.

***

"Grabe medyo matagal na din akong hindi nakakapasyal dito ah" sabi ko sa sarili ko pagdating ko sa MOA. Bigla kase akong tinawagan ni kuya at nagpapatulong nanaman. Hindi daw kase sila sinipot ng vocalist nila kaya kung pwede ako muna ang pumalit. Yes, may banda ang kuya ko. He also love music and I think it runs in our blood kase ganon din si mama at papa

Ang sarap talaga ng simoy ng hanhin dito sa seaside lalo na kapag gabi. Idagdag mo pa ang nga kumikinang na bituin at maliwanag na ilaw mula sa bilog na buwan. Hayst nakakabawas ng stress. Mas dapat ko palang dalasan ang pagpunta dito.

"Oh Kay,nanjan kana pala. Tamang tama ang pagdating mo, naka set up na lahat sa stage" bungad sakin ni Xavier, drummer ng banda. Inilapag ko muna ang gamit ko kasama ang mga gamit nila at dumeretso sa stage para subukan ang mic. Geez, how I miss this moment. Ngayon na lang ulit ako sumama sa gig nila kuya, paniguradng susulitin ko 'to

***

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon