Chappy 47

1.6K 51 12
                                    





KAYLEE GONZALES POV


5 months later....




Limang bwan na ang nakalipas simula noong huling kita namin ni Zean. Hindi ko alam kung saan na napadpad ang lalaking yon. Paggising ko na lang wala na siya.




Pumasok ako sa Starbucks dala dala ang mga gamit ko. Sobrang naging busy ako this past few months dahil malapit na ang graduation namin. Kahit nga si Zean nawala na rin sa isip ko. Mabuti na rin yon para makalimutan ko laha ng nangyari.



Kinuha ko ang libro ko sa bag at may nalaglag na papel mula roon. Kinuha ko ang papel na ito at binuksan mula sa pagkakatupi nito.






Dear Kaykay my LITTLE angel,

Sorry hindi na kita ginising. Alam kong hindi maganda ang tulog mo this past few days dahil sa mga nangyayari. I know I've done a biggest mistake. At alam ko na ako rin dapat ang tumapos ng problemang ito. Lahat ng sinabi ko sayo totoo. Oo ako. Ako ang may pakana. Simula nung dumikit yung upuan mo sa palda mo. Yung nakulong ka stock room. Ako ang may kagagawan non. Ako rin yung taong humalik sayo at halos isumpa mo ko nung araw na yon and I will never forget that day. At hindi ko alam kung bakit ko iyon nagawa. Pati ang pagtira ko sa apartment sinadya ko yon. Pero totoo na meron kaming hindi pagkakaintindihan ni daddy. Pati ang prof natin kinuntsaba ko para maging tutor kita. Lahat ginawa ko para mapalapit sayo at para na rin makaganti ako. Pero hindi ko inexpect na higit pa doon ang mararamdaman ko. Mas lalong lumalalim ang nataramdaman ko para sayo. Hindi na basta basta paghihiganti. Habang tumatagal, minamahal kita Kaykay. Kaya itinigil ko ang paghihiganti ko. Napagdesisyunan ko na pasayahin ka araw araw. Na mas lalong mapalapit sayo sa mabuting paraan. Pero ang hindi ko maintindihan, patuloy parin ang mga death threats na natatanggap mo, gamit ang letra na ginagamit ko. Ang letter S. Bago mo pa makita ang kahon na itim na iniwan sa labas ng pinto, nakita ko na iyon. Pero hindi ko ito pinakelaman. Simula noon ay gumawa na ako ng paraan para malaman kung sino ang nagpapadala sayo ng death threats. At nalaman ko na si Fatima ang nasa likod ng lahat na ito. Katulad ng ginawa ko, sinadya niya lahat. Planado ang lahat Kaylee. Ang pagpasok niya sa University at pagiging magkaibigan niyo. Lahat yon ay hindi totoo. Lahat yon ay planado. Sana maintindihan mo na lahat ng ito ay ginagawa ko para sayo. Alam ko na sa ngayon, hindi maiibsan ang sakit na nararamdaman mo. I'll wait for your forgiveness Kaykay. Sana sa oras na bumalik ako, may Kaykay na sasalubungin ako ng yakap. May Kaykay na ipaparamdam sakin kung gaano niya ako kamahal kahit matagal akong mawawala. I love you Kaykay. My love for you can't be stolen by anyone. Sayo lang ako. Tandaan mo yan! Wag mong ipagpapalit ang lalaking katulad ko! Never kanang makakahanap ng kasing-gwapo ko hmp!

Your super sexy and handsome husband,
ZEAN

P.S: WAG KANANG KUMONTRA MAGIGING ASAWA MO RIN AKO SOON!

Napangiti na lang ako nang mabasa ko ang huling parte ng sulat. Kahit kailan talaga hindi mawawala ang pagiging mayabang ng taong toh. Hahahahahaha. Nasaan na kaya siya ngayon noh?


Pinahidan ko ang luha ko at tinago ang sulat sa bag ko. Nagorder ako at inumpisahan ang dapat kong gawin.


***

"Kaykay ano, may balita kana ba sa bebe Zean mo?" tanong sakin ni Geli. Si Geli ang naging kaibigan ko simula nang mawala si Zean. Medyo hindi maganda ang una naming pagkakakilala but we end up being bff.





"Ako nga hindi ko na masyadong iniisip si Zean, ano ikaw gf teh?" sarcastic kong sagot kay Geli.





"DUHHHH! FYI gurl Bf ko ang kapatid niya noh syempre concern ako" I forgot to tell, bf niya si Luke.





"Arte mo naman gurl. Tara na pumasok na tayo tch" and we started our class. Wala ng bago. Boring asf.




"Goodmorning Class" bungad ni Mrs. Reyes pagpasok ng classroom. Wow we didn't expect the presence of Mrs. Reyes huh?





"Alam ko na hindi niyo inexpect ang pagdating ko. But I have a big announcement to all of you. Our school will be having a singing competition. Each year should have a one representative. Si Ms. Gonzales ang napiling representative ng 4th year! Is it exciting?" Nagsigawan naman ang lahat ng kaklase ko dahil sa announcement. Wait what? Singing competition? Ako? How come na nalaman nilang marunong anong kumanta?






"Ahhmm Mrs. Reyes! Bakit po ako?"





"Geli told us na marunongg kang kumanta. At wala ng ibang students na marunong kumanta bukod sayo. So we pick you. Don't miss this opportunity Ms. Gonzales. This is once in a lifetime. And it's your first time right?" Tumango naman ako bilang sagot.






"Great! That's all students! Goodbye!" At tuluyan nang umalis si Mrs. Reyes. Sumunod naman si Mr. Mendoza. At nagsimula na ang sigawan pagkaalis ng mga ito. Agad akong lumapit kay Geli at hindi naaalis ang masamang tingin ko rito.






"Kung ako sayo, tatakbo na ko. HUMANDA KA SAKIN GELI!!!!!"




***


Updated: 9/15/18



LAST 4 CHAPTER READERS! SORRY KUNG MATAGAL ANG UPDATE. THANK YOU FOR SUPPORTING KAYKAY AND ZEAN'S NOT SO PERFECT LOVE STORY! STAY TUNE!

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon