THIRD PERSON'S POVMatapos ang pangyayaring iyon kay Roxan ay nagkaroon naman ng pangamba si Fatima. Hindi niya masasabi kung kailan pero alam niya na siya ang susunod kay Roxan. Ngunit dahil nga sa alam niyang mahal na mahal siya ni Zean at wala itong ibang paniniwalaan kundi siya, nagkalakas parin siya ng loob para labanan si Kaylee.
"Namiss kita" bungad ni Blake nang magkita ang dalawa. Agad namang sinunggaban ng halik ni Blake si Fatima na tila parang uhaw na uhaw ito sa isa't isa. Tinugunan naman ito ni Fatima. Nang maramdaman nilang wala ng hangin sa pagitan nila ay kumalas sila sa kanilang halik. Nasa tago silang lugar upang makasigurado na walang makakakita o makakarinig sa kanila.
"Nakita mo ba yung mga pictures kanina?" Seryosong tanong ni Fatima.
"That Kaylee Gonzales huh? She is a good stalker" sabi nito sabay smirk.
"I'm serious Blake" sabi nito kay Blake
"Then what's your plan MM?" Tanong nito kay Blake. Napaisip naman si Fatima dahil sa tanong ni Blake.
"Kailangan kong mapatahimik yang babaeng yan bago tayo mabuko ni Zean." Napangisi si Fatima nang maalala niya ang maganda niyang plano para kay Kaylee.
***
ZEAN OLIVIO'S POV
Hindi pa ako nakakapasok ng unibersidad ay marami na akong nakikitang mga estudyanteng nagbubulungan at nakatingin sa'kin. Lagi naman akong agaw atensyon kapag pumapasok but there's something wrong with their vibes today. The way they look at me, it seems like they're pitying me at tuwing napapatingin ako sa mga ito ay umiiwas agad sila ng tingin. Nabuo naman ang kuryosidad sa isipan ko. Ano nanaman ba ang nangyayari? Dalawang araw na ang nakararaan nang mapahiya si Roxan dahil sa mga larawan niyang namimili sa ukay-ukay at hanggang ngayon ay hindi parin ito pumapasok.
Nang makapasok ako ng university ay nagulat ako sa mga nakikita ko. Nakatingin lahat sakin ang mga estudyante. Para akong ginigisa sa mga oras na 'to. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit. Larawan ni Fatima at Blake na magkasama. Parang bago lamang ang mga litratong ito dahil ito ang damit na suot ni Fatima kahapon. Hindi lang mga larawan ang nakapaskill roon ngunit pati ang isang malaking tarpaulin na may nakasulat na "MALANDI AKO, WAG TULARAN" na may mga litrato ni Fatima.
Sinimulan kong tanggalin ang mga litratong iyon. Wala akong ibang naiisip ngayon kundi si Fatima. Hindi ko alam kug magagalit ako sa kanya o ano. Pero isa lang ang alam kong gagawa nito.
"NASAAN SI FATIMA?!" Sigaw ko sa mga estudyante. Wala ni isang nagsalita. Maya maya lang ay may lumapit saking dalawang babae at sinabing nasa cr si Fatima at iyak ng iyak. Dali dali akong tumakbo papunta sa cr ng mga babae. Pumasok ako dito at chineck isa isa ang mga cubicle at nakita ko si Fatima, nakasalampak sa sahig, at umiiyak. Lahat ng galit na nararamdaman ko ay napalitan ng lungkot at awa para sa babaeng pinakamamahal ko. Ngunit hindi naman nawawala ang galit ko sa taong gumawa nito.
"Ze--Zean" nanginginig niyang tawag sakin. Agad ko naman itong niyakap at humagulgol ito sa iyak.
"Ssshhh tahan na. Tumayo kana. May haharapin tayo"sabi ko rito habang binubrush ang buhok niya. Tinulungan ko naman siyang tumayo at hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya.
"Mag-ayos ka. Ayokong humarap ka sa kanya ng ganyan ang itsura mo. Ikaw si Fatima diba?" Pagmomotivate ko sa kanya. Ngumiti naman siya at pinunasan ko ang mga luha niya.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...