Chappy 22

3K 108 15
                                    



KAYLEE GONZALES POV

Isang bwan ang lumipas matapos ang pangyayaring iyon. Ano nga bang mga nangyari sa loob ng isang bwan na iyon?

Everything is back to normal. Ako at si Alex ay naging magkaibigan na. I thank him dahil sinamahan niya ako noong school fest. Napatawad ko na rin siya sa ginawa niyang pag-iwan sakin noon. Ipinaliwanag naman niya sa akin ang lahat at naintindihan ko naman ito.

Si Fatima at Zean, ayon masaya. Masaya sa isang relasyong puro kasinungalingan. Going strong parin ang dalawa. Parang kasinungalingan ni Fatima, hanggang ngayon going strong parin. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ginawa sa'kin 'yon ni Fatima. Pero ano pa bang magagawa ko? Nangyari na. Alam kong matagal nang gusto ni Fatima si Zean. Siguro ito na rin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya 'to nagawa. Pero kahit saang anggulo mo tingnan ay maling mali ang ginawa niya. Wala naman akong mapapala kung magagalit ako sa kanya. Wala na rin namang mababago kahit isumpa ko pa siya.

Ako? Ano nga bang nangyari sakin pagkatapos ng gabing iyon?

After that night, binalik ko ang sarili ko sa dating ako. But not totally all. I made myself busy. Marami akong mga bagay na na-realize and that's because of  Rhyce.

Balik sa normal lahat ng estudyante pati na rin ang klase. Physics ang subject namin ngayon at makikita ko nanaman ang prof naming menopause. Kalalaking tao daig pa ang babaeng may regla. Nagturo si sir at ni isa walang pumasok sa utak ko hanggang matapos ang oras niya.

"Mr. Olivio and Ms. Gonzales." Tawag niya samin. "Both of you, stay in this classroom. The rest, you may go" dugtong nito. Bigla naman akong kinabahan. Sheeeeezzzz Mr. Mendoza, huwaaaaaayyyyy. Hindi ko kayang makasama ang taong yan! Nang makalabas na ang lahat, pinalapit kami ni Mr. Mendoza sa kanya.

"Mr. Olivio..." pabitin nito

"Yes sir?" Sagot ni Zean

"You didn't passed your exam. I'm sorry but I think you can't pass my subject" seryosong sabi nito. Nagulantang naman ako sa sinabi ni Mr. Mendoza "And you Ms. Gonzales"

"Tapos na ang pagiging tutor mo"

"Ok sir." Sagot ko. Mabuti na rin ito. Para tuluyan na akong makalayo sa kanya. Ngunit nagulat naman ako ng ng biglang magsalita si Zean

"No sir" pagtutol nito "please sir, bigyan niyo pa ko ng isang pagkakataon. I will pass your subject. Kilala niyo 'ko sir. Alam niyong may isang salita ako. So please, hayaan niyong turuan ako ni Kaylee. Hindi ko na sasayangin ang pagkakataong ito please sir." Pagmamakaawa ni Zean. Shit Zean. Ano bang ginagawa mo?!

"Ok Mr. Olivio. Mataas ang tiwala at expectation ko sayo. Sana maipasa mo ang subject ko" sagot nito

"Pero sir" angal ko. Shit, bakit yan ang lumabas sa bunganga ko. Napatingin naman sakin si Zean ng nakakunot ang noo.

"Why Ms. Gonzales?" Tanong nito sakin.

"Wala po sir." Sagot ko.

"Okay both of you, you may leave" mabilis naman akong naglakad palabas. Arggggghhhhhhh ang tanga mo Kaykay. Bigla namang may humila sa braso ko papunta sa ibang diereksyon.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon