Chappy 30

3K 98 36
                                    

ZEAN OLIVIO'S POV

Saturday ngayon at wala akong maisip na magandang gawin. Tamad na tamad ako pero may parte sa akin na gustong umalis dahil ayokong makasama ang babaeng desperada na yon. Sa totoo lang pwede naman ako umalis sa bahay na toh eh dahil palabas ko lang naman talaga ito. Kung hindi lang ako pinakiusapan ni ate Khimie at kung hindi lang talaga kami nagkaproblema ni dad.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Fatima at yayaing lumabas ngunit ring lang ito ng ring. Imposibleng tulog pa si Fatima dahil sa pagkakaalam ko ay maaga siyang gigising para mag jogging. Nagkibit-balikat na lang ako at napagisip isp na lumabas at pumunta sa isang cafe.

Paglabas ko ng kwarto ay halos hangin lang ang naririnig ko dahil sa sobrang tahimik. Mukhang wala ang babaeng iyon dito. Naligo ako at nagayos ng sarili. Napagpasyahan ko munang pumunta sa isang cafe na malapit lamang sa subdivision na ito. Naglakad lang ako dahil ang tagal ko na ring hindi nakakapaglakad. Hindi naman sa tinatamad ako maglakad kundi dahil di ko talaga trip maglakad at ngayon na lang ulit .

I ordered my desired coffee and sit to a vacant table. Tiningnan ko ang phone ko at wala paring ni isang text o tawag si Fatima. Nagsimula naman akong magalala dahil. 10:00 na ng umaga ay wala parin itong paramdam. Shiiit anong nangyayari sa babaeng yon. Maya maya lang ay biglang tumunog ang phone ko at dali dali ko itong tiningnan. Muntik ko namang maibuga ang kape na nasa bibig ko nan mabasa ko ang nakasulat doon.

6th Monthsary with Fatima Perez <3 October 21, 2017

Dali dali akog tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad. Tinext ko naman agad ang taong alam kong makakatulong sakin. Shit bakit ko ba toh nakalimutan. Dumeretso ako sa isang flower shop para bumili ng maraming bulalak. Bigla namang nag-ring ang phone ko at agad ko itong sinagot.

"Hello Zean" narinig kong sabi sa labilang linya.

"Ok na ba yung mga pinahanda ko ate Khimie?" Nagmamadali at dere-deretso kong tanong

"Syempre naman insan. Otw na sila para i-deliver yung mga ni-request mo." Tugon nito

"Sige insan. I'll hit you up if na-recieve ko na. Salamat talaga insan maasahan ka talaga." Nakangiti kong sabi

"Sino sino pa bang magtutulungan dito. Tsssk kinalimutan kase, ekis ka insan hahahaha. Pero sayang talaga kayo ni Kaylee, Zean. Mas bagay kayo" sabi nito at narinig ko naman ang buntong hininga sa kabilang linya.

"I'll hang up the call ate Khimie. Until next time. Byeee" sabi ko at tuliyan ng pinatay ang tawag. Ewan ko ba kung bakit botong boto si ate Khimie sa babaeng desperada na yon tsk. Ok stop thinking about that girl.

Umuwi ako ng bahay at bago ako makapasok ay may napansin akong kahon na itim sa may pinto. Kinuha ko naman ito at dinala sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay dali dali akong umalis at nagdrive papunta sa bahay nila Fatima.

Hapon na at hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Fatima. Taena baka nagtampo na sakin 'yon. Grabe pa naman magalit yon arrrghhhhhh! Ang bobo mo talaga Zean.

Habang naka-stoplight ay nagkaroon ako ng pagkakataon na tawagan ang isang kasambahay nila Fatima. Tinanong ko kung nandon si Fatima at sinabi nitong wala. Kumunot naman ang noo ko nang patayin ko ang tawag. Saan naman pupunta ang babaeng yon? At bakit hindi siya nagtext o tumawag man lang? That girl, argghhhh lagot siya sakin mamaya.

Nakarating na ako sa bahay nila Fatima. Napagisip isip ko rin na mabuti nang wala si Fatima para maihanda ko ng ayos ang supresang gagawin ko para sa kanya. I bought lots of teddy bears and bunch of roses. Kumatok ako at pinagbuksan naman ako ni manang.

"Ahhh sir saan po kayo pupunta?" Tanong ng kasambahay.

"Pupunta ako sa kwarto ni Fatima manang. It's our 6th monthsary and I want to surprise her." Paliwanag ko dito.

"Pasensya na po sir pero ipinagbabawal po ni ma'am Fatima na may pumasok sa kwarto niya." Paliwanag nito. Naginit naman ang ulo ko dahil sa sinabi niya.

"Manang, kilala niyo naman ako diba. Boyfriend ako ni Fatima. Siguro naman exempted ako sa mga taong yon diba?" Tanong ko rito. Nakita ko namang pinagpapawisan ito. Malamang at natatakot na ito sa akin.

"Pasensya na sir pero kahit kayo ay pinagbawalan ni ma'am pumasok" nagpantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi nito. What the fuck? Kung galit siya sakin dahil nakalimutan ko yung monthsary namin, pwes harapin niya 'ko. Hindi yung ganito. This is the first time that she forbid me to enter her room and this is too much.

"Nanjan ba siya ngayon?" Mahinahon kong tanongn rito.

"Opo sir."

"Pasensya na manang pero hindi mo ko mapipigilan. Ako ng bahala sayo kung pagalitan ka man niFatima pero sa ngayon kailangan ko siyang makausap." Seryoso kong sabi

"Pero sir hindi po talaga pwede. Ipinaguutos po ni ma'am na wag siyang abalahin. Sir pasensya na talaga." Natatarantang sabi nito ngunit hindi ko ito pinakinggan.

Dali dali akong umakyat papunta sa kwarto ni Fatima. Pagtapat na pagtapat ko sa pinto ay hinawakan ko agad ang doorknob nito. Pinihit ko ito at nagulat ako nang malamang hindi nakalock ang pinto.

"Sir parang awa niyo na, malalagot talaga ko kay Ma'am Fatima. Mawawalan po ako ng trabaho dahil sa ginagawa niyo" narinig kong sigaw ng kasambahay.

"Pasensya na ho pero kailangan ko talagang makausap si Fatima." Sabi ko sa sarili ko. Tuluyan kong binuksan ang pinto at nabitawan ko ang bitbit ko nang makita ko ang laman ng silid na iyon.

***

Updated: 10/30/17

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon