KAYLEE GONZALES POVHayst salamat naman at tapos na ang klase. Ang daming nangyari ngayong araw kaya deserve kong matulog ng maaga! Dumeretso ako ng locker para iwan ang iba kong gamit. Papunta akong parking lot nang makarinig ako ng mga boses na naguusap. At dahil hindi ako chismosa ay pinakinggan ko sila
"Grabe yung nangyari sa cafeteria kanina 'no?"- Girl 1
"Oo nga. Ngayon ko na lang ulit nakitang ganon ang Olivio brothers"- Girl 2. Shoot oo nga, isa pa sa nakakasira ng ulo ko yung tatlong 'yon. Hindi parin ako makapaniwala na magkakapatid sila. Isang Olivio pa nga lang, parang gusto ko ng magpakamatay pano pa kaya kapag tatlo na.
"Swerte naman nung Kaylee. Biruin mo, inaway ni Zean si Roxan dahil lang sa babaeng 'yon. Sa pagkakaalam ko nagde-date yung dalawa diba?" woah nagde-date? Iba rin pala ang taste ni Zean sa babae no. No doubt, pareho silang mayaman and most of all, magkapareho din ng ugali tsk tsk. At ano daw? Ako? Swerte? Tsk eh kung sila kaya sa posisyon ko ngayon? Kung may pagkakataon lang na makipagpalit ng buhay baka nakipagpalit na 'ko sa babaeng 'yon nang malaman niya kung ano yung sinasabi niyang swerte swerte.
"At alam mo ba, balita ko pa, ex ni Kaylee si Dela Vega yung gwapong magaling mag basketball. Sa pagkakaalam ko dun 'yon nagaaral sa dating eskwelahan ni Kaylee"-Girl 1. Aba aba, pati ba naman yung tungkol kay Alex alam nila? May pagka-detective conan ata 'tong mga babae na 'to eh.
"Saan mo naman nalaman yan?"-Girl 2
"Edi sa boyfriend ko. Tss tara na nga"-Girl 1 at tuluyan na silang umalis.
"Juicecolored, mga tao nga naman. Kahit sino paguusapan, magkaron lang ng pagchichismisan" ang sabi ko na lang sa sarili ko. Sumakay ako sa itim na r3 ko at humarurot paalis. Pagdating ko ng bahay ay nagbihis agad ako ng pantulog
"Ahhh grabe namiss ko ang kama" sabi ko habang niyayakap yakap ang mga unan ko. Bahala ng hindi ako makakain, basta tuloy tuloy yung tulog ko. At maya maya lang ay nakatulog na nga ako.
"Ang ingay sino ba 'yon" naalimpungatan naman ako sa sunod sunod na tunog ng doorbell. Wala ba silang ganon sa bahay? O sadyang ngayon lang siya nakakita ng doorbell?
"Arghhh humanda ka!" bumangon ako at dumeretso sa banyo para kumuha ng isang tabong tubig. Dumeretso ako sa pinto. Pagbukas ko ay sinaboy ko agad kay Zean ang tubig. Dapat lang yan sa kanya! Pagkatapos niyang bulabugin ang mahimbing----
"Ze-zean? Ba--bakit ka nandito? Nasan na yung nagdo-doorbell? Para sa kanya talaga yung tubig na yon!" sunod sunod kong sabi. Fudge bakit ba kase si Zean yung nasa harap ko. Oo si Zean, the oh-so-perfect campus heartthrob. Anong oras na ba? Hindi ba siya hinahanap ng mga magulang niya? Atsaka ano bang ginagawa niya dito?!
"Obvious bang ako lang yung nandito ha?! Malamang ako yung nagdodoorbell! Alam mo, ikaw lang yung kilala kong matalino pero bobo!" naiirita niyang sabi. Hinila naman niya ko palabas ng bahay. Aba sabihan ba daw ako ng bobo.
"Sinong bobo? Ako? Hoy mister Olivia---"
"It's Olivio! How many times should I correct you?"
"Eh bakit ka ba kase nandito? Pano mo nalaman yung bahay ko? 'San tayo pupunta? Kikidnapin mo ba 'ko? Tuloooongggg! Kinikidnap ako!!! Tulungan niyo asdfghjkl" tinakpan naman ni Zean angg bibig ko at ipinasok ako sa back seat ng kotse. Sumakay naman siya at umupo sa driver's seat. Kinotongan ko naman siya at napadaing ito sa sakit. Dapat lang talagang masaktan siya dahil binuhos ko na buong gigil ko sa kanya. Humarap siya sakin at tiningnan ako ng masama.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...