Chappy 20

2.9K 111 10
                                        



Dedicated to DindiRadam

KAYLEE GONZALES POV

Hapon na rin at naghahanda na ang mga estudyante para sa gaganapin na banda mamaya. May bandang inarkila ang school ngayong huling araw ng school fest. Ito rin ang pinakahihintay ng bawat estudyante. Marami na rin ang bumili ng light stick at isa na kami don ni Blake.

"Wala bang light stick na black?" Tanong ko kay Blake at natawa naman siya sa tanong ko.

"Ano bang klaseng tanong yan? It can't be visible in the dark"Natatawa niyang paliwanag

"Ang taba talaga ng utak grabe" sabi ko at pumalakpak. Tawa parin siya ng tawa hanggang ngayon. Simula 'nung nagusap kami, wala na siyang ibang ginawa kundi tumawa ng tumawa. Akala ko wala sa bukabularyo niya 'yon. Masamid sana siya ng laway niya hahaha

Halos lahat ng estudyante ay nasa field na lahat. Nakaayos na rin ang mga instrumentong gagamitin ng banda. Lahat kami ay nakaputi dahil mamaya lang ay magpapasabog sila ng mga dye na may iba't ibang kulay.

"GOOD EVENING EVERYONE!" masiglang bati ng vocalist ng banda. "So we are the 20'21 band. We are here to make your night lit! Thank you for inviting us here." Dugtong nito.

Nagsimula namang tumugtog ang banda 20'21. Geabe ang hyper mg mga estudyante habang sinasabayan ang kanta at winawagayway ang mga lightstick nadala nila. Sumabay naman kami ni Blake sa trip ng mga estudyante. Nagsimula namang magpasabog ng colorful dyes.

"Our last song is Thunder by Boys like Girls. If you know this song just sing along with me" at nagsimula na silang tumugtog. Nagsigawan at nagpalakpakan naman ang mga estudyante.

Sumabay lahat ng estudyante habang nakataas ang kaniya kaniyang light stick. Ganoon rin naman ang ginawa namin ni Blake

Para kaming sardinas na nasa delata dahil sa sobrang sikip dahil na rin sa sobrang dami ng tao rito. Mas lalo pa kaming nagkakadikit ni Blake. Ngunit, kahit sobrang sikip, hindi ko alam kung bakit nahagip ko parin ng tingin ang dalawang taog nakakuha ng atensyon ko.

Mas lalong naging wild ang mga estudyante. Nagsitalunan ang mga ito dahilan para lalo pa akong maipit. Ngunit hindi ko parin inaalis ang tingin ko sa dalawang taong iyon.

Naramdaman ko namang may humawak sa kamay ko. Kaya napatingin ako rito. Bahagya namang lumaki ang mga mata ko

"Ba--bakit mo hinawakan yung kamay ko?" Nauutal kog tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot at seryoso lang na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko alam kung kikilabutan ba 'ko o matatakot dahil 'yun ang unang beses na magkatitigan kami ng mata sa mata

Naglundagan muli ang mga estudyante kaya naputol ang titigan namin ni Blake. Bumalik naman ang tingin ko kay Zean at Fatima.

Nakikita kong niyakap ni Zean si Fatima para lang hindi ito maipit at siya na lang ang maipit. Sa pagkakataong ito, blangko ang isip ko. Nakatitig lamag ako sa dalawang taong magkayakap.

Nagulat naman ako ng bigla akong hilain ni Blake paharap sa kanya. Fudge ano bang problema ng lalaking 'to.

"Hoy ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya dahil hindi kami magkakaintindihan kapag hindi ko nilakasan ang boses ko.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon