Chappy 14

3.2K 106 3
                                    




KAYLEE GONZALES POV

Kasalukuyan naming tinatahak ang hallway habang hila hila parin ako ni Zean. Tiningnan ko naman ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Spell AWKWARD. Simula nung maghiwalay kami wala ng lalaking humawak sa kamay ko ng ganito. Napangiti na lang ako habang tinitingnan ang mga kamay namin. Hindi dahil sa kinikilig ako o ano mang girly thing na yan, kundi dahil namiss ko lang ang ganitong scenario. Noong kami pa ng lalaking nagiisa kong minahal.

Dumeretso kami sa library. At humanap ng libro na may kaugnayan sa long quiz niya. Hindi ko alam na may ganitong pakana si Mr. Mendoza. Siguro dahil na rin sa bagsak siya ay binigyan siya ng pagkakataon na bawiin ang mga quiz na binagsak niya. Pagkatapos namin humanap ng libro ay uupo na dapat ako sa bakanteng upuan ng biglang.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya

"Uupo. Diba tuturuan kita?"

"Hindi tayo dito magaaral Kaylee. Tara na" sabi niya sakin at muli akong hinila habang dala dala ang mga libro.

"Hindi ka mahilig manghila 'no?" Sarcastic kong tanong.

"Tsk" sagot niya at tumawa ng bahagya. Napansin ko naman na papuntang music room ang daan na tinatahak namin. What the, bakit dito?! Baka hindi ko mapigilang hindi tumugtog at wag siyang turuan shems!

Binuksan niya ang pinto ng music room at pumunta sa may stage dahil maliwanag roon. Sumunod naman ako sa kanya. Naghuhugis puso nanaman ang mga mata ko dahil sa mga instrumentong nakikita ko.

"Nakatunganga ka jan?" Panira niya naman sa moment ko.

"Ahh wala, sige magumpisa na tayo" sabi ko naman sa kanya. Umupo ako sa sahig ng stage sa bandang unahan para hindi ako ma distract sa mga musical instruments na nasa bandang gitna. Ganon din naman ang ginawa niya. Magkaharap kami at nasa gitna namin ang mga libro.

"Tungkol saan daw ang long quiz mo?" Pormal na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam" nakangisi niyang sagot. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"BAKIT HINDI MO ALAM?! Paano kita matuturuan?!" Sigaw ko sa kanya.

"Wag ka ngang sumigaw! Ayan ka nanaman eh! Pwede bang chill lang?!" Sigaw niya sakin pabalik.

"EH SUMISIGAW KA DIN NAMAN AH!"

"NAUNA KA KAYA!"

"SUMISIGAW KA PA-----" hindi natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

"Tama na Kaylee ok? Wala tayong matatapos kung magsisigawan lang tayo dito. Ang gusto ko ngayon ay maipasa tong long quiz na toh kaya sana matulungan tayo dito" seryoso niyang sabi. Mukha naman siyang sincere kaya tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. Matino din pala 'tong tukmol na toh eh.

"Ok game!" Sabi niya at biglang kinuha ang cellphone niya.

"Oh akala ko ba magaaral ka?" May pagkairita sa boses ko.

"Sandali easy ka lang. GG ka agad eh" natatawa niyang sabi. Ano ba 'tong taong 'to? May lagnat ba siya? Ano kayang kinain niya kaninang umaga. Salamat sa pagkaing 'yon. Mukhang dinidinig ni Lord ang dasal ko na gusto 'kong magpahinga ah.

Now playing: BABY BLUE EYES by A Rocket to the Moon

Narinig kong tunog ng tugtog mula sa cellphone ni Zean. Napatingin naman ako sa kanya at nakita siyang nakangiti habang binabasa ang mga notes ko.

"Eto yung topic sa long quiz ko mamaya!" Sabi niya na may pagkatuwa sa bawat salita. Bigla naman siyang lumapit sakin.

"Pwede mo bang ituro sakin kung pano naging ganito ang sagot?" Mahinahon niyang tanong sakin at pinakita ang tinutukoy niya.

"Ahhh si--sige madali lang naman yan" nakangiti kong sabi. Sheeezz bakit ako nauutal. Itinuro ko sa kanya kung paano ko nakuha ang mga sagot na iyon. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya at sa mga mata niya habang naghi-hymn kasabay ng kanta.

Binigyan ko siya ng  questionare para mahasa pa ang mga natutunan niya mula sakin. Kahit nagsasagot na siya ay malapit parin kami sa isa't isa. Hindi ko mapigilang kabahan at pagpawisan dahil sa pwesto namin ngayon.

Ine-examine ko ang mukha niya habang nagsasagot. Pero syempre hindi ko pinapahalatang nakatingin ako sa kanya. Kunwari lamang ay nagbabasa ako ngunit tumitingin tingin ako sa kanya

Infairness bagay sa kanya ang ayos ng buhok niya ngayon, unlike nung inaway ko siya sa parking lot. Ang ganda ng mga mata niya kahit nawawala ito tuwing tumatawa siya. Ang perfect ng labi niya, parang ang sarap hali------. SHHHHEEEEEZ KAYKAY! Ano bang pinagsasabi mo?! Parang kailan lang sinabi mong parang bakla si Zean ah?! Tch Erase erase erase

Bigla niyang sinabayan ang kanta. Yung totoo? May natutunan kaya siya sa ginagawa niya? Patuloy parin siya sa pagsabay sa kanta.

Bigla siyang humarap sakin at inilapit ang kanyang mukha habang kumakanta. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa niya. Paking sheeeezzzz! Anong gagawin ko?! Ang lapit niya masyado.

"Tapos na kong sagutan yung questionare mo." Mahina niyang sabi sabay ngiti. Nagulat naman ako sa sumunod niyang sabi.....

My eyes don't believe her,
But my heart, swears by her.

"Tara sayaw tayo" sabi niya sakin sabay hila patayo at papuntang gitna ng stage. Sakto naman ang pagtugtog ng chorus ng kanta. At saktong sakto rin na alam ko ang mga steps nito.

Tawa kami ng tawa habang sumasayaw kaming dalawa. Para bang kaming dalawa lang ang nasa mundong ito.

Sa mga oras na ito, iba ang nararamdaman ko. Yung pakiramdam na matagal ko ng hinahanap hanap matapos niya akong iwan.

Tatlong taon na rin ang nakararaan simula ng mangyari ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko.

Tinapos namin ang sayaw ng magkahawak ang kamay habang magkalapit at magkaharap sa isa't isa.

Pinaramdam ulit sakin ni Zean kung gaano kasaya ang mabuhay sa mundong ito. Sana palagi na lang ganito. Sana palagi na lang kaming ok at hindi nagaaway. Sana palagi na lang akong masaya. Ang sarap din pala sa pakiramdam. Kahit alam ko sa sarili ko na panandalian lamang.

***

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon