Chappy 13

3.5K 99 1
                                    

OTHER PERSON'S POV

"hmm siya pala si Kaylee Gonzales" I've said to myself nang makita ko siya dito sa supermarket. Bigla namang nagring ang phone ko kaya kinuha ko ito at agad sinagot.

"Hello? Yes baby where are you?" tanong ko kay Blake

"Kakalabas ko lang ng supermarket baby. Let's meet in front of the cinema" sagot naman nito

"Ok I'm on my way" binaba ko naman agad ang tawag at dali daling pumunta sa may cinema. Nakita ko naman agad si Blake na nakatayo roon. Nilapitan ko naman ito agad at niyakap

"I miss you Blake" malambing kong sabi rito.

"I miss you too MM" tugon naman nito. Kumalas ako sa pagkakayakap at napansin ko naman ang kamay niya.

"Anong nangyari sa kamay mo?" tanong ko rito nang mapansing may mga pasa ito

"Nagkaproblema lang sa school but Im ok" paninigurado nito sakin.

"Hmm ok. Btw by, naayos ko na yung requirements ko. Im going to transfer to your school as soon as possible. Magkakasama na din tayo!" masaya kong sabi sa kanya. Nakita ko naman ang pagkadismaya sa mukha niya ngunit nagbago rin ito agad.

"At buti na lang natakasan mo sila" pagbabago ko ng usapan. Nginitian naman ako nito.

" I can't wait to be with you MM. Com'on let's watch some movie"pagaaya niya sakin at tumango naman ako bilang sagot.


KAYLEE GONZALES POV

"Diiinggg doooongggg" narinig kong tunog ng doorbell. Linggo ngayon at hapon na rin. Ang bilis talaga ng araw. Parang kahapon lang halos sumabog na 'tong bahay dahil sa bangayan namin ng balugang si Zean dahil sa sinabi ko kahapon sa mga babae( the bodyguard part) At ngayon, ako lang magisa dito sa bahay kaya sobrang thankful ako kay God dahil tahimik ang buhay ko ngayon.

Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang isang maliit na kahon na kulay itim. What the fvck? Bakit nasa pinto ko agad toh? Diba dapat sa gate muna? Sino namang nilalang ang nagtangkang magakyat bakod at ilagay toh sa pinto ng tinitirhan ko?! Kinuha ko ang kahon at pumasok. Saktong pagpasok ko ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Tawag mula sa unknown number. Sinagot ko ito.

"Hello, sino toh" deretso kong tanong

"Hi My Little Angel. Did you receive my gift?" Malambing na tanong ng lalaking nasa kabilang linya. Hindi ako nagkakamali. Siya ito. Siya si Sy.

"A---ano nanaman bang kailangan mo?!" Nauutal ngunit pasigaw kong tanong

"You think we're done in our games?" Tanong niya at tumawa ng malakas bago magsalita muli

"We're not done yet Miss Gonzales. In fact, nagsisimula palang tayo. Enjoy your present. It's really for you. JUST FOR YOU." Sabi niya habang may diin sa huling tatlong salita. Binaba niya ang tawag. Nilapag ko naman ang cellphone ko sa mesa at binuksan ang itim na kahon.

"Sa---saan niya nakuha ang mga ito?" Mangiyak ngiyak kong tanong sa sarili ko habang tinitingnan ang mga litrato. Napansin ko namang may itim na papel pa sa loob ng kahon kaya kinuha ko ito at binasa ang nakasulat.

I know it's your weaknesses ;)

                                                 -Sy

Bagong araw nanaman para kay Kaylee Gonzales. Lunes ngayon at may flag ceremony. Tuwing lunes lang merong flag ceremony dito sa HIA University. Bukod sa pagkanta ng Lupang Hinirang, may pa-speech rin naman ang principal at president ng student body organization.

In-announce ng SBO president ang upcoming Mr and Ms. HIA 2017. Taon taon itong ginaganap. Bukod rito ay may pakulong rides at mga banda ang eskwelahang ito. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang nila sinabay sa foundation day ang selebrasyon na yan. Pero ang katwiran nila is naging tradisyon na raw ito ng school kaya hindi na nila binago. But half of it is still fine. Mas madaming events, mas malaki ang tyansang walang klase!

Dumeretso na ko ng upo sa upuan ko habang nakakabit parin ang dalawang earphone sa tenga ko. Hayst, sana naman wala munang mga pranks or death threats ngayon. Gusto ko namang magpahinga arghhh.

"SABI NA NGA BA IKAW YUN EH!" Narinig kong sigaw ng babae. Tinanggal ko naman ang earphone ko at tiningnan siya habang nakakunot ang noo ko.

"Ikaw yung nalaglagan ko ng mga toilet tissue sa supermarket! Naaalala mo pa ba?!" Inexamine kong mabuti ang mukha niya.

"Oo naaalala ko. Naalala kita" nakangiti kong sabi sa kanya. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harap ko.

"Fatima Perez" sabi niya habang inaabot ang kamay niya sakin.

"Kaylee Gonzales" pakilala ko naman at inabot ang kamay niya.

"Ngayon lang kita napansin dito ah" sabi ko sa kanya na may halong pagtataka. Maamo ang kanyang mukha  at ang buhok niya ay kaparehas ng buhok ko pero wala itong bangs.

"Ayy oo, kakalipat ko lang kase dito. Lumipat kase kami ng bahay at napagalaman namin na may malapit na eskwelahan mula sa tinitirhan namin at ayon nga, inilipat nila ko dito. Buti na lang talaga nandito ka! At kung hindi, nako baka wala akong balak magsalita hahahaha" tuloy tuloy niyang sabi.

"Atska madaldal ako. Obvious ba masyado?" Napatawa naman kaming dalawa dahil sa tanong niya.

"KAYLEE!" narinig kong may tumawag ng pangalan ko. At tumambad sakin ang isang malaking tukmol. Nang makita niya ako dali dali siyang tumakbo papunta sakin.

"Ano nanamang problema mo?" Mahina ngunit naiinis kong tanong.

"Kailangan mo kong turuan sa physics!" Sigaw niya sakin.

"Wag ka ngang sumigaw" sabi ko sa kanya "pwede namang mamaya kita turuan diba? Pag vacant na. May klase pa tayo!"

"Magpapa long quiz si Sir. Mendoza mamaya at pag hindi ko naipasa toh malamang ibabagsak ako non! At pag bumagsak ako, malalagot ka sakin kaya sumama kana dahil wala din naman kayong teacher ngayon!!!" Tuloy tuloy niyang sabi.

"Hindi mo naman sinabi agad eh. Tara saan ba?" Sabi ko at agad inayos ang mga gamit ko. Ayokong mamatay agad dahil lang sa hindi ko tinuruan ang kumag na toh. Ngayon ko lang naalala na nandito pa nga pala si Fatima.

"Fatima kailangan ko ng umalis. Pasensya na ha, next time na langg siguro ulit. Babyee!" Sabi ko kasabay ng pahila sakin ni Zean palabas ng silid.

***

Chae soo bin as Fatima Perez

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon