KAYLEE GONZALES' POV"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Zean na ngayon ay nasa harap ko na. Isa pang demonyo na dagdag sa isipin ko.
"May tutor session tayo ngayon diba? Baka nakakalimutan mo?" nilagpasan niya ako at dumeretso sa loob ng bahay. Aba at ang kapal talaga ng mukha ng hayop na to ah.
"Hoy! Sinong nagbigay sayo ng permiso na pumasok ha?!" singhal ko pero para namang wala siyang narinig dahil umupo siya sa sofa at nilabas ang mga gamit niya. Hindi man lang siya nagabalang umuwi muna para magpalit ng uniform.
"Time is running Kaylee. Yan ba ang ituturo mo sakin? Kung paano tumayo?" sinamaan ko naman siya ng tingin at padabog na sinara ang pinto. Dumeretso ako ng kwarto para kunin ang mga notes ko. Bumalik ako sa salas at umupo sa sahig, sa harap ng mesa. Ganon din naman ang ginawa niya. Sana naman itong pagtututor na ginagawa ko, may dagdag grades no? Kahit yun na lang, wag na pera. Di ko naman kailangan 'non. Inumpisahan ko ng turuan si Zean.
"Paano nga ulit 'to?" at ibinalandra sa mukha ko ang notebook niya. Grabe parang gusto niyang ipalaplap sakin yung notebook niya ah!
"Grabe naman Zean! Pang limang beses mo ng tinatanong sakin yang problem na yan hindi mo parin alam kung pano i-solve. Jusko naman" naihampas ko naman ang palad ko sa noo ko. Lord, paulanan niyo pa ko ng maraming pasensya please lang.
"Hoy babae wag ka ngang magreklamo jan! Paano ako matututo kung hindi mo ituturo sakin ha? Atska ang panget mo magturo, wala akong naintindihan!" umakto ako na parang susuntukin siya. Hinarang naman niya ang notebook sa mukha niya.
"Wag sa mukha!" natawa naman ako sa sinabi niya. Sumilip naman siya ng kaunti nago niya tuluyang ibaba ang notebook.
"Bakit ka tumatawa?! Gu-gumawa ka nga ng meryenda don. Nagugutom ako."
"Eh kung saksakin kaya kita ng ballpen!" pananakot ko. Ang lupet ng balugang to ah. Utusan ba daw ako.
"Sige gawin mo. Para mas madagdagan pa yang atraso mo sakin! Hinding hindi talaga kita titigilan!" tumayo ako at nilagay ang pareho kong kamay sa bewang.
"Alam mo, para kang manok na putak ng putak. Ang dami mo laging sinasabi! Anong klaseng lalaki ka ba ha?!"
"Kaysa naman sayo, lunatic omnivert!" tumayo din siya at ngayon ay masama na ang tingin namin sa isa't isa.
"Anong omnivert?! at isa pa, hindi ako baliw!"
"Oo omnivert! Kase minsan introvert ka, minsan naman extrovert. Hindi mo alam yon? Akala ko ba matalino ka?! Hays ewan ang gulo mong babae ka!"
"Tigilan mo 'ko sa omnivert omnivert mo na yan! Hindi ako katulad mo na nasobrahan na sa talino kaya tingnan mo, kung ano ano ng naiisip mo!" umalis na ko at nagkulong sa kwarto. Punyeta siya mauubos powers ko sa kanya. Hindi pa nga ko nakakaget over sa pagsampal sakin kanina eh.
"Hoy babaemg baliw lumabas ka jan!" hindi ko naman pinakinggan ang sinabi niya. Maya maya lang ay nakarinig na ko ng katahimikan. Magpapatugtog na sana ako namg bigla ko ulit marinig an boses ni Zean.
"Nabalitaan ko yung nangyari kanina" panimula niya.
"Sino ba namang hindi makakaalam diba? Eh halos lahat ng estudyante sa HIA (hiya yung basa) mga chismoso't chismosa." Pumunta ako sa pinto at umupo. Alam kong nakaupo rin siya dahil nakikita ko ang anino niya sa maliit na butas ng pinto.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomantizmCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...