ZEAN OLIVIO'S POVI decided to take Fatima home after what happened today because that's what all she need right now. Hinatid ko siya sa kanyang kwarto at inihiga siya sa kanyang kama.
"Ze--zean" nanghihinang sabi ni Fatima.
"Why babe?" Nakangiti kong sabi habang hinahaplos ang kanyang buhok.
"Galit ka ba sakin?" At sa pagkakataong ito, may tumulo ng mga luha sa mga mata niya. Bigla namang kumirot ang puso ko. Pinahid ko ang mga luha niya at nagsalita
"No babe. Remember my promise to you right? Wala akong ibang paniniwalaan kundi ikaw lang. Alam kong hindi mo magagawa sakin 'yon. Oo nasaktan ako, pero wala ng mas sasakit pa kapag nakita mong umiiyak ang taong mahal mo." malumanay kong sabi. "Don't cry. Kalimutan mo na lahat ng nangyari ngayon. Maaayos din ang lahat" sabi ko rito ay hinalikan siya sa noo.
"Thank you" sabi nito habang nakahawak sa pisnge ko.
"Just rest. I have to go. Dadalawin na lang kita mamaya ok?"
"Ok. I love you" malambing at nakangiti niyang sabi.
"I love you more" at hinalikan siya sa labi. Tuluyan na kong lumabas ng kanyang kwarto at hinabilin siya sa kasambahay nila. Paglabas ko ng kanilang bahay at akmang papasok na ako ng kotse. Kinapkap ko ang susi sa magkabila kong bulsa at wala ito.
"Oh crap" bulong ko sa sarili ko ng maalalang naiwan ko nga pala sa lamesa ng kwarto ni Fatima yung susi. Pumasok ulit ako sa bahay nila ta sinabing naiwan ko ang susi ng kotse ko at dere- deretsong umakyat papunta sa kwarto ni Fatima. Bago pa ako makapasok at narinig kong parang may kausap si Fatima kaya napagpasyahan kong wag munang pumasok at pakinggan ito.
"Yes don't worry by, I'm ok..... Ok I'll hang up the call. I love you" mga sinabi ni Fatima na narinig ko. Ipinagsawalang bahala ko ang mga ito at pumasok. Nakita ko namang gulat na gulat ang reaksyon ni Fatima ng makita ako.
"Ka-kanina ka pa jan?" Nauutal nitong sabi.
"No, kakarating ko lang. Why babe, is there a problem?" Pagsisinungaling ko.
"Uhm nothing. Bakit ka nga pala bumalik?" Hindi parin maalis sa mukha ni Fatima ang kaba.
"I forgot my keys. I have to go. I'll visit you later" nakangiti kong sabi na parang wala akong narinig at hinalikan ito sa pisnge. Lumabas ako ng kwarto at dere-deretsong lumabas ng bahay at sumakay na ng kotse.
Hindi ko na alam kung anong uunahin kong isipin dahil sa mga narinig ko. Pero mahal ko si Fatima. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Hindi ko pinaniwalaan lahat ng sinasabi ng iba dahil may tiwala ako sa kanya. Kaya sana wag niyang sirain 'yon.
***
KAYLEE GONZALES POV
"Saan tayo pupunta?" tanong ko kay Rhyce na ngayon ay nag-gagayak na. Nandito kami ngayon sa parking lot kung saan naka-park ang motor niya. Humarap siya sakin at isinuot ang isa pang helmet na nakasabit sa motor niya.
"Trust me, nagplanax ata 'to" hindi ko naman mapigilang matawa sa banat niya. Sumakay siya sa motor niya at ganon din naman ang ginawa ko. Umupo ako ng pambabaeng posisyon kasabay nito ay ang pagharurot namin paalis.
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...