KAYLEE GONZALES POV"Krrrrrrriiiiiiiinnnngggggg!!"
Narinig kong tunog ng alarm clock ko. Napahawak naman ako sa ulo ko. Geez ang sakit. Naparami ata inom ko pero pano ako nakauwi? Sino naguwi sakin? Hayssss, mas lalo lang saaakit yung ulo ko kung iisipin ko pa yon. Ang mahalaga nakauwi ako. Another day for me. Buti na lang talaga 9am pa first class ko. Narinig ko namang tumunog ang cellphone ko. Napakunot naman ang noo ko. Tiningnan ko ang screen. Nakakapagtaka naman? Sinong tao ang magtetext sakin ng ganito kaaga? Binasa ko ang message at napaawang naman ang bibig ko dahil sa nabasa ko
Goodmorning Miss Kaylee P. Gonzales :* Get ready for the games later. I assure you that this will be your unforgettable day of your life ;)
-Sy
Sinong baluga naman ang magtetext sakin ng ganito? Bigla akong kinabahan. Ni wala ngang nakakaalam ng number ko eh maliban sa mga magulang o kamag anak ko. Sheeez parang ayokong pumasok.
"Nope! Hindi pwede kaykay. Wala kang dapat ikatakot. Mga wala lang magawa sa buhay yan. Ang dapat mong isipin ngayon ay kung paano matatanggal ang sakit ng ulo mo." pangungumbinsi ko sa sarili ko. Pero di ko talaga maiwasang matakot. Hayss letche. Tuluyan na akong umalis sa kinahihigaan ko. Binuksan ko ang kurtina and after that, I did my everyday routine.
Bago ako umalis. Napansin ko na parang walang tao sa kabilang kwarto. Hmmm baka naman siguro nakaalis na o baka naman tulog pa. Isinalpak ko ang earphone sa magkabilang tenga ko at umalis.
Dumeretso ako ng locker pagdating ko sa school. Binuksan ko ang locker ko para ilagay ang iba kong gamit. May nakita naman akong papel na kakulay ng paborito kong kulay. Isang itim na papel na nakasingit sa isa sa mga libro ko.
ENJOY THE GAME KAYLEE. HAVE FUN!
-SyAng nakasulat sa itim na papel. Kulay puti ang ginamit pansulat rito."Shit" pabulong kong sabi sa sarili ko. Sino ba 'tong Sy na t'to. Ang dami niyang alam ha. Isinara ko ang locker ko. Tinago ko naman ang itim na papel. Sayang din 'to 'no. Atska ang cute kaya kahit parang death note na yung nakasulat dito.
Dumeretso ako sa room. Marami rami na rin ang estudyante. All eyes on me torooorooot. Napapakanta na lang ako dahil sa atensyon na nakukuha ko ngayon. Sheeezzz lahat sila nakatingin sakin. Nakakatakot. Ngayon ko lang naranasan na maging center of attention pagpasok ng klase. As usual nakatungo akong nagtungo papunta sa upuan ko. Pagupo ko, meron nanamang itim na papel na nakadikit sa armrest ng upuan ko.
Let the game begin ;)
-SyYung kaba ko kaninang umaga naging triple na ngayon. Jusko sino ba tong hinayupak na toh. Di pa nga tapos yung problema ko dun sa Campus Heartthro------ shit. Imposible namang si Zean toh. Zean naman yon hindi Sy. Pero hindi naman malabong mangyari na siya may pakana nito. Putspa ano ng gagawin ko.
"Bakit Kaykay, pag nalaman mo ba kung sino, may gagawin ka ba? Diba wala?" Tanong ko sa sarili ko. Hayssss. Stupid Kaykay.
"MISS KAYLEE P. GONZALES!!!!" Bahagya naman akong napatalon dahil sa sigaw ni Mr. Mendoza. Psshhhh. Bwisit na matanda toh.

BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...