Chappy 34

3K 101 17
                                    


KAYLEE GONZALES POV

Patapos na ako sa pagkanta ng bigla na pang ako napatingin sa isang diereksyon. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o sadyang namamalikmata lang ako. Bigla ko na lamang naramdaman na basa na ang pisnge ko hudyat na tumulo na ang luha ko.

And goodbye...

Pagtatapos ko sa kanta at agad bumaba ng stage at dali-daling lumabas ng bar.

"Hindi Kaylee, hindi siya yon. Namamalikmata ka lang. Hindi siya yon..." pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Gabi na ngunit marami paring tao at siksikan parin dito sa MOA. dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makaalis ako sa sisikang mga tao ng biglang may humila sa braso ko.

"Kaylee...." narinig kong sabi nito at nagulat na lamang ako ng bigla akong yakapin nito.

"Kaylee..." narinig kong muli ang pagbanggit nito sa pangalan ko. Kahit hindi ko ito tingnan ay alam kong siya iyon. "Sorry...." dugtong niya. Halos mabingi ako dahil sa narinig ko. Nanlabo ang mata ko dahil sa mga luhang kumawala sa mata ko. Tila ba parang unti unting nangonti ang tao sa paligid at parang wala kaming pake kung anong sabihin nila.

"Zean..." tawag ko sa pangalan nito at niyakap siya pabalik. Naramdaman ko naman na basa na ang damit ko at naririnig kong himihikbi ito. Iniharap ko ang mukha nito sa akin para makita ko ang napaka-perpekto niyang mukha.

Kitang kita ko sa mga mata niya ang sakit at lungkot na nararamdaman niya.

"Bakit Zean, anong nangyari?" Mahinahon kong tanong ngunit tumutulo parin ang luha ko.

"Sorry Kaylee. So--sorry kung hindi ako nakinig sayo. Sorry kung nagbulag-bulagan ako kahit alam kong nay mali sa relasyon namin. Kahit ilang beses mong pinatunayan na niloloko lang ako ni Fatima, nagtanga-tangahan parin ako. Sorry kung pinagtabuyan kita palayo. Sorry kung nasaktan kita Kaylee." dere- deretso nitong sabi. Pinunasan ko naman ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya. Ang sakit makita na nasasaktan yung taong mahal ko.

"Ang laki kong tanga para gawin yan sa babaeng naging totoo sakin. Ang laki kong tanga para ipagtabuyan yung taong totoong nagmamahal sakin. Ang dami kong nagawang mali sayo Kaylee. Kaya ngayon palang humihingi na ko ng tawad. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ko sa lahat ng nagawa ko sayo. Sa lahat pananakit at pagpapahirap na pinadanas ko sayo. Alam ko na lahat Kaylee. Alam ko na yung babaeng nasa likod ng magandang boses na yon, ay nasa harapan ko lang. Ang gago ko para hindi mapansin yon. Eh magkasama lang naman tayo sa iisang bahay. Pero nagbulag bulagan ako, nasa harap ko na, may pruweba na, pero hindi parin ako naniwala. Sana nung una palang naniwala na ko sayo, para hindi ako masaktan ng ganito. Para hindi kita nasaktan ng sobra" sabi nito at wala paring tigil sa pagiyak.

"Shhh tama na Zean. Oo masakit sakin. Sobra. Sobrang sakit na makita kitang may kasamang iba. Pero mas masakit sakin yung alam ko yung katotohanan pero wala akong magawa kase alam kong ako yung magmumukhang masama. Ang sakit, lalo na kapag di ka pinaniniwalaan ng taong mahal mo. Na lalapitan mo lang ako kapag may kailangan. Na halos gabi-gabi akong umiiyak dahil sa masasakit na salita na paulit ulit kong naririnig sa utak ko. Ang sakit kase imbes na ako yung nagaalaga sayo, ako yung nagpapasaya sayo, ibang tao parin yung gumagawa eh. Minsan nga naisip ko na kailan ka kaya mapupunta sakin noh? Kailan kaya mangyayari na ako yung nagpapasaya sayo, ako yung nagaalaga sayo, ako tumutulong sayo kapag may problema ka. Pero wala eh. Hindi ako Zean. Hindi ako yung pinili mo. Hindi ako yung pinaniwalaan mo. At lalong hindi ako yung minahal mo." Umiiyak ngunit nakangiti kong sabi dito.

"At ngayon nandito kana sa harap ko, humihingi ng tawad. Pero alam mo yung pinakamasakit sa lahat? " sandali akog tumigil at nginitian ito at nagpatuloy "yung makita kong nasasaktan at umiiyak yung taong mahal ko"

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon