KAYLEE GONZALES' POV"Anong nangyari sa inyo? Bakit ganyan mga itsura niyo?" puna ni Luke pagpasok na pagpasok namin ng classroom. As usual sabay kaming pumasok ng mokong na 'to dahil nga sira parin yung kotse niya hanggang ngayon at sobrang sinasadya nya na talaga.
Pareho naming hindi pinansin ni Zean si Luke at dumeretso lang kami sa sari-sarili naming upuan at sabay na tumungo. Alaskwatro na kami natulog kanina. Napasarap ang kwentuhan naming dalawa kaya heto, mukha kaming mga patay na bumangon mula sa hukay.
"Te-teka ano 'bang ginagawa mo" reklamo ko nang bigla akong higitin patayo ni Alex. Naagaw naman namin ang atensyon ng buong klase.
"Mag-usap tayo" matipid na sago niya sakin.
"P--pwede bang mamaya na lang? Wala pa kase akong tulog. Gusto ko muna magpahinga----"
"This is important Kaylee" pagpupumilit niya.
"Pero Alex---"
"Hindi mo ba narinig pre? Mas importante ba yang sasabihin mo kaysa sa kalusugan niya?" biglang singit ni Zean. Nakatayo sa tabi ko si Zean habang si Alex naman ay nasa harap ko at hawak parin ang kamay ko.
"Mind your own business Zean" nakita ko naman ang pagkainis sa mukha ni Alex habang sinasabi ito.
"I won't coz she's my own business, you should find your own"
"How can you say so? She's not even yours"
"How can you be so sure that she's not mine? Hindi mo ba nakita? Sabay kaming pumasok. We're living on the same roof at higit sa lahat, nililigawan ko na siya kaya pwede ba? Kailangan niyang magpahinga dahil pareho kaming walang tulog so back off" napabitaw naman si Alex sa kamay ko. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga sinabi ni Zean. Nakita ko na lang ang sarili ko na hila hila siya palabas at palayo ng classroom.
"Aray!" daing niya nang pitikin ko ang noo niya.
"Ano gising kana ba ha? Alam mo ba yung mga sinabi mo kanina? Naririnig mo ba sarili mo?" sermon ko sa kanya. Paking shet napakalaking issue nanaman 'to. Kailan ba mahihiwalay ang pangalan ko sa kanya arghhh.
"Malamang alam ko. Ako nagsabi no'n diba" inirapan naman niya 'ko kaya pinitik ko siya ulit sa noo.
"Aray! Nakakadalawa kana ah!"
"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka umaayos!" singhal ko. Yawa, makakapatay na talaga 'ko ng tao Lord.
"Nasabi ko lang 'yon dahil nakakainis siya! Ang kulit kulit niya. Ano ba yang ex mo? Kulang kulang? Hindi makaintindi ng isang salita. Sa susunod nga pumili ka nga matinong boyfriend. Hindi yung ganyan, parang pinanganak ng kulang sa buwan" at sa pangatlong pagkakataon ay pinitik ko ulit ang noo niya.
"Hindi ka ba nagiisip? Alam na ng lahat na magkasama tayo sa isang bahay. Anong sa tingin mo ang iisipin nila ha? At anong klaseng boyfriend ang gusto mong makarelasyon ko? Ikaw? Yung katulad mo? Ulol wag na lang. Kahit ikaw na lang siguro matirang lalaki sa mundo, hinding hindi kita papatulan!"
"Hindi ka ba titigil sa kakasalita mo?! Ang aga aga, ang ingay ingay mo!"
"Hindi ako titigil at wala akong balak tumigil hangga't hindi mo binabawi yung mga sinabi----"
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
DragosteCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...