KAYLEE GONZALES' POV
Nakapikit kong inabot ang cellphone ko, hindi na ko nagabalang tignan pa ito kaya sinagot ko na 'to. Bakit kase ang aga aga may tumatawag huhu.
"Hello Kaylee?" Narinig kong sabi ng isang babae sa kabilang linya.
"Ahhhm, sino po ito?" Inaantok kong tanong.
"Goodmorning Kaylee! Si ate Khimie ito. Ikaw na muna bahala dyan sa bahay ha? Yung susi ng kabilang kwarto naibigay ko na sa bagong titira. Magingat ka dyan!" dere-deretsong sabi ni ate Khimie. Naguluhan naman ako sa mga sinabi niya.
"Huh?" Tanging salitang lumabas sa bibig ko.
"Ay nakalimutan ko palang sabihin sayo. Lilipat na 'ko Kaylee. Gawa na yung pinagawang bahay ng mga magulang ko. Doon na 'ko titira. Wag ka magalala, may bago kanang kapitbahay jan kaya safe na safe ka. Hindi ka na mag-isa. Hahaha. Osya bye na. Marami pa kong gagawin. Siningit ko lang talagang tawagan ka. Byeeee!!!" Masigla niyang sabi
"Teka ate Khimie sinong-------" naputol ang sasabihin ko nang naputol ang linya.
Grabe may tumira agad? Sino nanaman kaya yung bagong kasama ko dito sa bahay. . Tch, kung sino man yon. Bahala siya. Pero arrrghhhh! Hindi ko mapigilang maging curious. Alam niyo yung nararamdaman ko? Kinakabahan na natatakot, na ewan! Halo halo. Natatakot kase baka masamang tao yung bago kong kasama. Hindi naman ito ang unang beses na natakot at kinabahan ako. Pero iba talaga yung nararamdaman ko ngayon. Parang may hindi magandang mangyayari. Uuughhhh! Napahilamos na lang ako ng kamay sa mukha ko. Narinig ko namang nagvibrate ulit ang phone ko.
From: Ate Khimie
Kaylee, nakalimutan ko palang sabihin sayo. Wala kang dapat ipagalala dahil mabait yang pinsan ko. Atska bagay kayo non ;)"
Pinsan? Bagay kami? Edi ibig sabihin........
Napabigla naman ako ng bangon at dumeretso sa pinto ng kwarto ko para lumabas. Paglabas na paglabas ko ay dumeretso naman ako sa pinto kung nasaan ang dating kwarto ni ate Khimie. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung gising na ba ang taong nasa loob.
"Hello mom. Yes I'm ok here. No mom, I said I'm ok don't worry. Ok bye mom, I love you" narinig kong sabi ng lalaki sa loob.
Mukhang ayos lang naman yung bago kong kasama dito sa bahay. Atska lalaki naman yung bago kong kasama, mahirap na baka may magnanakaw na pumasok. Kaya ok lang ya----------
"La---lalaki" sabi ko sa sarili ko kasabay ng pagbukas ng pintong sinasandalan ko. Napahawak naman ako sa katawan ng lalaking ito dahilan para hindi matuloy ang pagsubsob ko sa kanya. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at.......
"KYAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" sabay naming sigaw. Napalayo naman ako sa kanya at napatayo ng ayos.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Pasigaw kong tanong sa kanya. Napatakip naman siya ng tenga dahil sa lakas ng boses ko.
"Ang aga aga sumisigaw ka. Obvious ba? Malamang dito na ko nakatira. May problema ba?" Mapangasar na sagot ng mokong na nasa harap ko.
"Eh bakit ka nga ba kase nandito?!"
"Para malapit na tayo sa isa't isa. Ayaw mo ba non?" At ngumiti ng sobrang mapangasar"Atska hindi kana mahihirapan, pwede mo na kong turuan nang hindi pumupunta sa iba pang bahay. Ako na nag-adjust para sayo. Nakakahiya naman, ako na nga nag request na ikaw maging tutor ko, tapos papahirapan pa kita. May puso parin naman ako" sabay hawak sa dibdib niya. Uuuuughhhhhh bakit kase sa lahat ng bahay na pwedeng rentahan ng mokong na Zean na 'to, eh dito pa? Kajines!!!!!
BINABASA MO ANG
Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITING
RomanceCOMPLETED (BOOK 1) Don't Mess with the Bad Girl (BOOK2) https://my.w.tt/3SDyOihtU5 Highest rank: #282 in teen fiction #3 in sadstory #3 in future #1 in campusheartthrob ...