Chappy 24

2.7K 70 7
                                        



ZEAN OLIVIO'S POV

Nakauwi na si Fatima at ngayon ay kailangan ko ng katukin si Kaylee para turuan ako. Dalawang minuto bago niya buksan ang pinto. Lumabas ito dala dala ang mga librong kailangan namin at dumeretso sa sala. Brinowse niya ang kanyang libro ng tahimik. Pinagmasdan ko naman ang bawal galaw nito.

Kitang kita ko ang itsura niya mula sa kinatatayuan ko. Matangos ang ilong niya at ang pula ng labi.  Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito. At ang buhok nito ay parang masarap hawakan. Para siyang si---- hindi Zean, hindi siya kamukha ni Fatima at kailan man di siya magiging katulad ni Fatima.  Umupo ako sa kinauupuan niya ngunit malayo ang pagitan namin. 

"Kailangan mong pagaralan yung mga formula para mas madali sayo masagutan yung mga problem." Dere deretsong sabi nito at ibinigay sa akin ang libro. Iniiwasan kong magkaroon kami ng eye contact. Ilang oras na rin kami nagaaral, napagpasyahan kong gumawa ng meryenda ngunit nang tatayo na ako ay tumayo si Kaylee

"Ako na gagawa ng meryenda. Mag-aral kana lang jan" seryoso nitong sabi at dere deretso paountang kusina. Ni hindi man lang hinintay yung sagot ko tsk. Sinundan ko sya at nadatnan kong naghahanap siya ng pwedeng gawing meryenda.

"Ako na gagawa. Pagod na ko mag-aral" sabi ko rito. Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Pagod kana mag-aral? Alalahanin mo Zean, ginagawa natin 'to para sayo. Para makapasa ka. Isang pagkakataon na lang ang neron ka Zean. Hindi mo naman siguro gugustuhing palampasin ang pagkakataong yon" nagpantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi niya.

"Wag mo kong pagsabihan ng ganyan Kaylee, hindi kita magulang." oo sabihin na nating walang mali sa sinabi niya pero ang ayaw ko sa lahat ay yung pinagsasabihan ako kung ano ang dapat kong gawin.

"Oo tama ka. Hindi mo 'ko magulang. Pero hindi para sakin yung sinasabi ko Zean. Hindi ako ang makikinabang sa lahat ng 'to at alam mo yan." sabi nito at tinalikuran ako. Hindi ko alam kung saan napunta an boses ko at hindi ako nakaimik sa sinabi niya.

Walang umimik ni isa sa amin pagkatapos ng pangyayaring iyon. Kung dati ay halos hindi matahimik ang bahay dahil sa pagiging aso't pusa namin. Ngayon naman ay halos hangin na lang ang naririnig ko dahil sa sobrang tahimik ng bahay na ito. Mabuti na rin nga siguro yon.

Isang buwan na aimula nang sinagot ako ni Fatima. Pero sa isang buwan na yon, I always feel that there's something wrong especially when there are days that I want her to jam with me but she always refused.

"Kaylee..." tawag ko rito habang nagp-prepare sya ng meryenda. "Anong alam mo tungkol kay Fatima?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Kailan pa naging sagot ang isa pang tanong?" napanain ko naman na akma itong sisigaw kaya pinasakan ko agad ng sandwich ang bibig nya. Bahagya naman akong natawa sa reaction niya.

"Inunahan na kita, dahil kapag inumpisahan mo nanamn ng sigaw paniguradong mabubulabog nanaman ang nga elemento dito sa bahay." Natatawa kong sabi. Sinamaan lang ako nito ng tingin habang ngumunguya.

Tumalikod ako at akma ng aalis nang magsalita ito "isa lang masasabi ko Zean..." humarap naman ako rito "Be like a sculptor before giving your all" ito ang mga huling salitang nagpagulo sa utak ko.

KAYLEE GONZALES' POV

Itinapon ko ang katawan ko sa sofa pagpasok na pagpasok ko ng bahay. Sobra ang pagod ko ngayon. Daig ko pa ata construction worker.

"Ay palaka!" napabalikwas ako at nalaglag mula sa sofa.

"Do you really love frogs?" umayos naman ako ng tayo at sinamaan ko ng tingin si Blake.

"Why? What did I do wrong?" puno naman ng pagtataka ang reaksyon niya. Bwiset hindi ba obvious na dahil sa kanya kaya ako nalaglag? Umiling na lang ako. Ayoko ng makipagtalo masyado akong pagod ngayon.

"Bumili ako ng cheesecake----" hindi pa siya natatapos magsalita ay dali dali na 'kong tumakbo papuntang kusina at umupo sa high chair. Nasa counter top ang isang box ng cheesecake. May nakahanda na ring platito at tinidor.

"Take it easy" natatawang sabi sakin ni Blake. Buti na lang talaga at may dala siyang cheesecake. Nabawas-bawasan stress ko kahit papano.

"Ano palang ginagawa mo dito?"

"I just came here to visit you--- hey are you ok?" dali daling lumapit sakin si Blake para bigyan ako ng tubig. Sino ba namang hindi mabubulunan sa sinabi niya? Isa pa 'tong lalaking 'to eh, pinapagulo niya din ang isip ko.

Simula noong Mr. and Ms. HIA nagiba na ang pakikitungo sakin ni Blake. Madalas niya 'kong samahang kumain  tuwing break o kaya lunch time. Minsan naman ay papetiks petiks ang dalaw niya rito sa bahay. His sweet actions makes my mind blow. Ayokong mag assume ha pero fudge, naniniwala ako sa kasabihang actions speaks louder than voice and that's indeed! Hindi ko na kaya 'to

"Para saan ba 'to?" agad namang kumunot ang noo ni Blake dahil sa tanong ko.

"What do you mean?" hinilot ko ang sintido ko para pakalmahin ang sarili ko dahil nakakaramdam nanaman ako ng pagkainis.

"Napapansin kong kakaiba ang mga kinikilos mo towards me this past few days. I'm not dumb Blake. Stop fooling me around." nakita ko naman sa mukha niya ang pagkamangha. Anong nakaka-amuse sa sinabi ko?

"You're really good at observing Kaykay" pamumuri niya sakin habang umiiling iling. Umupo siya sa katapat kong high chair at ipinatong ang dalawa niyang siko sa mesa. Matagal niya akong tiningnan at hindi din naman ako nagpatinag.

"Be strong and wise Kaylee" kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni Blake. Bahagya naman itong napangisi

"Minsan, may mga bagay tayong nararamdaman ng puso pero taliwas sa iniisip ng utak.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon