Chappy 19

2.9K 107 5
                                    



KAYLEE GONZALES POV

Huling araw na ngayon ng event ng HIA. Simula noong Mr and Ms. HIA ay halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Kapag kasama ko si Fatima ay kasama din si Zean. Minsan pa ay hinihiram ni Zean si Fatima kaya naiiwan akong magisa. Yung tukmol na yon, si Fatima na nga lang ang kaibigan ko, aagawin pa tss.

Hindi ko akalaing magiging ganito ang apat na araw ko. Imbis na mag-enjoy ako dahil first time ko 'to at may kaibigan na 'ko ay mukha akong lantang gulay na may earphone at naglalakad. Sa apat na araw na event na 'to, wala akong ibang ginawa kundi maupo lang. Minsan ay nasa rooftop lang ako ng school. Minsan naman ay umuuwi na lang ako ng maaga dahil wala rin naman akong ibang gagawin. Pero dahil huling araw na ngayon, gusto ko sanang magenjoy pero hindi ko alam kung paano.

"Kaykay" narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses. Sa pagkakataong ito, hindi ko na nararamdaman ang dating pagsisiraulo ng buong pagkatao ko tuwing tatawagin niya ang palayaw ko.

"Uy Alex!" Nakangiti kong bati sa kanya.

"Oh, ang saya mo ata ah. Anong meron?" Natatawa niyang sabi. Nako Alex kung alam mo lang.

"Hindi naman. Bakit nga pala? Anong sadya mo sakin?" Tanog ko sa kanya.

"Wala naman. Napansin ko kaseng wala kang kasama."sabi niya sabay hawak sa batok at mukhang nahihiya pa yata "Gusto mo bang sumama sakin?" Alanganin niyang tanong.

"Oo naman. Saan ba tayo pupunta?" Nanlaki naman ang mata niya dahil sa sagot ko. Siguro si Alex yung pinadala ni Lord para kahit papano naman ay sumaya ako sa huling araw ng school fest. I just want to enjoy this last day. Siya na yung nag-alok, magpapa-choosy pa ba ko.

"Oh baka mamaya awayin nanaman ako ni Roxan ha?" pagbibiro ko pero bahagya 'non ay may pagka-totoo.

"Don't worry, wala ng magagalit" paninigurado niya sakin. Nako buti naman kase ayoko ng masampal!

"Bakit, break na kayo?" yun naman agad ang naitanong ko sa kanya. Minsan talaga ay inaatake ako ng pagkachismosa.

"Ganon na nga"

"Congrats, welcome sa mundo ng mga single! " natatawa kong sabi habang tinatapik ang balikat niya. Tumawa rin naman siya.

"Ok lang yan. Marami pang iba jan. Hindi lang naman sa iisang tao dapat umikot ang mundo natin" seryosog sabi ko kaya sumeryoso na rin ang mukha niya "Atsaka tama nga ako..."

"Anong tama?"

"Tama nga 'kong hindi kayo magtatagal" humagalpak naman ako sa tawa. Binatukan naman niya 'ko ng mahina at nakitaaa na rin.

Sumakay kami sa iba't ibang rides. Medyo marami din ang rides dito dahil malaki rin ang school na 'to. Bumili kami ng makakain at napagpasyahang magpahinga na lang muna sa soccer field.

"Oh baka naman mabilaukan ka nan ha." Natatawang sabi sakin ni Alex. Nakakagutom naman kase talaga. Ikaw kaya maglakad ng maglakad at sumakay ng sumakay sa rides.

"Wala ng hiyaan 'to 'no! Tutal tayong dalawa lang rin naman ang nandito. Kakain lang ako ng kakain dito hanggang sa mabusog ako tch" mataray kong sagot sa kanya.

Don't Mess with the Campus Heartthrob- EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon