This chapter is dedicated to: maghenta013 Emerald_Jin and baepstate
Eros POV...
"Yow, musta mga bro??? Balita ko ang ganda raw ng eksena kanina... Kwento naman diyan..., (Malakas na sabi niya mula sa baba) Ay putik na malagkit!!! Kayong dalawa lang pala ang nandito... Tang na Orange Flavor!!!, nasaan Na ba yung iba???"Reklamo ni Mattheo Tsaka umupo sa tabi ni Lance
Tiningnan lang namin siya na parang Walang interes sa kanya, at pareho naming ibinaling ulit sa Cellphone ang aming atensyon... Walang sino man sa aming dalawa ang sumagot sa kanya...
"Wow, Thank you ha... May kausap talaga ako dito, Nice talking mga bro"inis at nagmamaktol na sabi niya with matching pa kamot-kamot pa sa ulo....
Siya si Mattheo, at ang pinakamantada sa aming mag kakatropa.
"Iba talaga 'tong si Eros, ang lakas ng Charisma pagdating sa mga babae"_Miguel
"Oo nga, sabi ng Girlfriend ko hanep daw yung nangyari sa Classroom nila kanina!!!"_Jared
"Hoy... Kayong dalawa diyan, bilisan niyo na ngang umakyat dito, at nang may makausap naman akong matino"sabi sa kanila ni Mattheo
Mula dito sa kinauupuan ko ay tanaw ko naman ang biglang pagdating ni Yale...
"Guys, may ipapakita ako sa inyo... tiyak na matutuwa kayo,"nakangiting sabi ni Yale at dali-daling umakyat
"Oy... Yale, mas nauna akong dumating dito kaya ako diyan sa pwesto mo"_Jared
"Ayoko ko nga, ang ganda na ng pwesto ko dito eh..."_Yale
"Ano ba, ako yung naunang nakakita diyan, kaya ako dapat ang nandiyan"_Jared
"Ano naman kung ikaw? mas nauna naman akong umakyat sayo dito nuh...bleh 😛😛"_Yale (sabay dila kay Jared)
Tahimik namang umakyat si Miguel at tumabi sa akin.... Kaya naiwan tuloy si Jared sa baba...
"Bro, ano ba yung ipapakita mo sa amin???"agarang tanong ni Miguel kay Yale pagka-upo niya...

YOU ARE READING
Chics Hunter
Misterio / SuspensoMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...