Chapter 38

11 2 0
                                        


Lance POV...

"Lance, bilisan mo pa,"sabi sa akin ni Eros

Tang na kalamansi Flavor!!! Parang lumilipad na nga yung sinasakyan namin eh... pero hindi pa rin namin maabutan sila Mattheo... ang bilis kasi nilang magpatakbo.

"Oo na, ito na... kapit ng mabuti,"sabi ko sa kanila at binilisan ang pag drive. Naka full speed na nga eh...

Maya-maya lang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya Madulas na ang kalsada...

"Aray!!! Ang sakit nun ah..."reklamo ni Yale dahil sa biglaang pag preno ko. Napalakas yata ang pagkakauntog niya. Muntikan na kasi kaming mabundol sa isang kotse. Sheet that sheet of paper!!! TBH kinabahan ako doon.

Teka! Saan na ba yung kotse ni Tanda???

"Nakita niyo ba yung kotse ni Mattheo???"tanong ko sa kanila

"Ayun! Nasa left side,"_Eros

Ang bagal namang umusad ng mga sasakyan...

"Bakit nga ba natin sinusundan si Mattheo???"_Yale

"Bakit nga ba???"_Eros

Nakita kong umandar na ang kotse ni Mattheo... medyo nakalayo na siya ng kunti sa amin...

Minuto pa ang hinintay namin bago kami nakaalis sa pwesto namin. Nakakainis talaga kapag Trapik 😣😣😣

Nakita kong lumiko ang kotse niya. Sumunod naman kami sa kanya. Maya-maya lang ipinarada na ni Mattheo ang kotse niya at nagmamadaling lumabas. Patakbo siyang pumasok sa isang malaking building...

"Labas na,"sabi ko sa kanila habang nagmamadaling tinatanggal ang seatbealt.

Patakbo rin kaming pumasok sa loob ng building.

"Miss este Nurse, saang room po ba pumunta yung kararating lang na may kasamang naka kulay yellow ang T-shirt???"Agarang tanong ko pagkarating ko sa Counter...

"Kaano-ano niyo po ba ang pasyente???"_Nurse

"Pinsan. Pinsan namin siya,"_Yale

"Nasa Room 218 po..."_Nurse

Wala na kaming inaksayang oras. Hinanap agad namin ang Room 218... nasa second floor nitong hospital.

Pagkarating namin, sumilip agad kami sa loob ng kwarto.

Chics HunterWhere stories live. Discover now