Chapter 73

1 0 0
                                    

Zairylle POV...

Pagpasok ko palang sa loob ng campus ramdam ko na agad ang kakaibang aura.

"Ba't ang sama ng tingin nila sayo???"bulong ni Roxxanne sa akin

"Ha???"sabi ko at napatingin sa mga taong nakakasalubong namin sa corridor.

Ang sama nga ng tinging ipinupukol sa akin ng mga babaing nadadaanan namin.

"Sure ka ba talaga na sa akin sila nakatingin??? Baka naman kasi ikaw yung tinitingnan nila???"_Ako

"Oo sure ako na ikaw yung tinitingnan nila,"_Roxxanne

May nadaanan naman kaming ilang grupo ng mga lalaki at hindi naman masama ang tingin nila sa akin, pero bakit yung mga babae dito ganon nalang nila ako kung tingnan??? Did I do something wrong that makes them mad???

May Nadaanan ulit kaming grupo ng mga lalaki na nagkakatuwaan. Gaya ng nadaanan namin kanina, hindi rin nila ako tiningnan ng masama bagkus ay nginitian pa nga nila kami. Ginantihan ko rin sila ng matamis na ngiti.

"Ang landi talaga,"sabi ng babaing nakasalubong namin sa corridor at binangga pa talaga ang balikat ko.

Hinayaan ko nalang siya dahil parang nasa beast mode talaga siya. Baka naman kasi may nakaaway siya dito sa loob ng campus. Hindi naman siguro ako yung sinabihan niya ng malandi di ba??? Dahil hindi naman ako malandi at mas lalong wala akong nilalandi kaya hindi ako yun.

"Anding, okay ka lang???"nag-aalalang tanong ni Roxxanne. Muntikan na kasi akong masubsob sa lupa dahil may biglang tumulak sa akin.

Inis na nilingon ni Roxxanne ang isang grupo ng mga babae na ngayon ay nagtatawanan. Susugurin niya sana ang mga ito kaya lang pinigilan ko siya.

"Wag mo ng patulan. Wala lang silang magawa kaya naghahanap ng mapagti-tripan"sabi ko sa kanya at hinatak na siya palayo

"Arrggg... Sarap nilang sambunutan"_Roxxanne

"Mapapahamak kalang kapag pinatulan mo pa sila, kaya mas mabuting wag nalang silang pagtuunan ng pansin"_Ako

"Papalampasin ko ito ngayon, pero pag inulit pa nila ang ginawa nila sayo kanina susugurin ko na talaga sila"_Roxxanne

"Ano ba yan, nagiging war freak kana"_Ako

"E, kahit naman siguro sino magagalit kapagka may biglang tumulak sayo kahit wala ka namang ginagawang masama. Teka nga lang, may nakaaway ka ba dito???"_Roxxanne

"Wala noh, ang bait ko kaya,"_Ako

"E, bakit ganon nalang sila kung makatingin sayo???"_Siya

"Aba malay ko, baka naman bad mode lang talaga sila ngayong araw. Wag mo nalang pansinin, masisira lang yung araw mo"_Ako

"Okay. Sabi mo e "_Siya

"See you later,"sabi ko sa kanya at tuluyan nang lumabas ng elevator

Di pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng classroom ay rinig ko na agad ang ingay ng mga kaklase ko. At gaya nga ng inaasahan ko, nagkakagulo na naman sila.

Pagpasok ko sa loob ay agad akong nagtungo sa upuan ko.

"Good morning classmates,"hypher na sabi ng kakarating lang na si Lance

"Good morning din sayo Lance,"sabi naman ng mga kaklase ko

"Ang hot mo talaga papa Lance,"_Bading kong classmate

Chics HunterWhere stories live. Discover now