Mattheo POV...Pauwi na ako ngayon sa bahay, hindi na muna ako sumama kila Eros...
Kainis nga ang panahon ngayon eh!!! Umulan pa kasi, maputik tuloy ang daan.
Pagkatapat ko sa bahay bumusina muna ako, Maya-maya lang pinagbuksan na ako ng pinto ni Manong Guard.
Matapos kong I-park sa Garage ang kotse dumiretso na agad ako sa kwarto, Nagpalit na muna ako ng damit at naupo sa kama saglit. Maya-maya lang napadako ang mga mata ko sa lumang Computer.
Hay... Naalala ko naman siya... Apat na taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya makalimutan. Hindi ko alam kung gumagana pa yung computer mula kasi ng break-up namin hindi ko na ito ginamit. Naalala ko na wala nga pala kaming official break-up dahil bigla nalang siyang naglaho na parang bula.
Hinanap ko yung switch at Ini-On... Ayos pa naman pala, Akala ko sira na.
Napatingin ako sa wallpaper ng screen,
Yung picture naming dalawa ang nakalagay, Ang saya pa namin dito...
Yung Gallery, halos mapuno lahat ng stolen picture niya na ako mismo ang kumuha.....
Napatitig ako sa mukha niya, Ang ganda niya talaga.
Habang tumitingin sa mga picture niya, May bigla akong naalala...
[|<<FLASHBACK|<<]
Katatapos lang ng Lunch break, tinatamad na akong pumasok sa afternoon class ko, kaya naisipan ko nalang na mag Cutting Class. Dumiretso ako sa mini Park nitong lugar, di kalayuan sa School namin. Meron din namang park sa school namin kaya lang pinili kong dito pumunta dahil may mini Zoo rib dito. Ang sarap talaga ng simoy ng hangin. Naglakad-lakad sandali tapos Nang makakita na ako ng bench, umupo ako para makapagpahinga
Tiyak na magagalit na naman sa akin si Wifey kapag nalaman niyang nag Cutting class ako. Kaya nag pasya akong iText siya,
To: Wifey ❤❤❤
Asawa ko, hindi ako pumasok. Nandito ako ngayon sa Park, magkita nalang tayo diyan sa school after ng class mo... I love you 😘😘😘
MESSAGE SENT! 💌Nakakamiss talaga yung babaeng 'yon. Hindi ko siya nakita kanina dahil late na akong pumasok...
Napapatingin ako sa mga taong dumadaan, may mga batang nag hahabulan at may ilang couples din na masayang nagtatawanan.
Aksidente akong napatingin doon sa may mga taong nagkukumpulan,
Anong meron???
Napatingin ako doon sa isang babae...
Matagal ko siyang tinitigan,...Biglang bumilis yung tibok ng puso ko... parang kinakabahan ako na parang iwan at the same time parang may bumabagabag sa akin.
Parang may mali eh...
Baka hindi siya yun... baka nagkamali lang ako... Kamukha niya lang 'yon.
YOU ARE READING
Chics Hunter
Mystery / ThrillerMaraming nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala ang mga Playboy, Playgirl at Timer dito sa mundo, At ang palaging kasunod ng tanong na iyan ay ang: Bakit nga ba sila ganyan??? at Bakit nila ito ginagawa??? Bakit nga ba...